!!!
This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. This novel's story and characters are fictitious.
Plagiarism is a crime punishable by Law.
I, Infamouscommander deeply apologies for every grammatical and typographical errors you've encountered. Low updates are to be expected.
social media :
fb : Kouei Fujiwara • Douei B. Scriitor / role playing account.
Pronouns ; are they/them. This author's pronouns are cannot be considered as she/her and he/him without any proofs & exact evidence that proves me as a girl/boy. For now, other details and informations about me will remain hidden. My real accounts will be revealed as soon as I am ready and gained back my confidence.ig : @doueiloooner
“PROLOGUE”
Anim na taong gulang ako — nang magsimulang magkanda-litse litse ang buhay ng pamilya namin.
Pauwi kami ng Pilipinas nang may naganap na pangh-hijack ng mga sindikato sa sinasakyan naming eroplano. Ilan sa mga pasahero ay nakatawag ng polisya ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay naaksidente ang sinasakyan naming eroplano — dahil sa dala ng natitirang kapirampot ng swerte naming lahat ay sa tubig bumahsak ang eroplano at nakaligtas kami, at iilan lang ang sugatan.
Inaasahan na ng mga sindikato ang pangyayari dahil isa ito sa mga plano nila. Tinulungan kaming makaahon sa tubig at pagkatapos ay dinakip. May mga ilang nakatakas, at mayroon ding mga nabaril dahil sa ginawang pagtakas. Habang ang pamilya naman namin ay nadakip.
Habang tinatalian kami at bago lagyan ng takip ang mata namin ay may nakita naman akong batang lalaki, mukahang may kalahati pa itong dugong hapon. (Haha! Sa totoo lang mas matanda talaga sakin, gusto ko lang tawaging "batang lalaki", labas kana ron kaya magbasa ka nalang.) Mangiyak ngiyak ito sa takot nang makita ang tatay niyang tinutukan ng baril sa ulo matapos ito magtangkang manlaban at tumakas, at dahil may natira pang swerte na kasing liit ng langgam ang kaniyang tyansa ay hindi siya tinulayan nito.
Ilang oras ang nakalipas ay dinala kami sa hideout ng mga ito at doon na nagkanda-litse litse buhay namin, (Tanga! Sino ba namang di makakapagsabi ng "nagkanda-litse litse" kapag dinakip ka ng sindikato tapos mas maliit pa sa langgam yung tyansang makatakas, xd sige basa kana uli)
Isang linggo na kami sa hideout nila, pinapagawa kami ng mga mabibigat na gawain na may kinalaman sa mga krimen na ginagawa nila, at ang sino mang hindi sumunod ay hindi pinapakain at pinapaso ng pinainit na metal minsan naman ay pinagsasamantalahan babae man o lalaki.
Isang taon na kami sa hideout nila, at pitong taong gulang nako. Minsan nakakasilip kami sa mga tv ng mga sindikato rito sa hideout nila, bawat balita inaabangan namin kaso walang may nababanggit tungkol sa nangyari samin, mukhang napabayaan na ng mga nakatataas ang aksidenteng nangyari samin.
Kahit mahirap ang kalagayan namin para sa aming mga bata ay kahit papaano nakakapaglaro kami, isa na rito sa mga kalaro ko yung may kalahating dugo ng pagiging hapon. Toka Yo ang kanyang pangalan, Hahahaha! Biro lang. Siya si Sean Fushiguro, sampong taong gulang. Daddy niya lang ang kasakasama niya sa loob ng hideout ng mga sindikato, ayon sa kwento niya sakin nung nakaraang taon ay nakatakas ang Mommy niya at nakababatang kapatid na babae.
BINABASA MO ANG
The Life of Us, After our Nightmare
RandomA bunch of passengers in an airplane was ended up in an unknown location of a hideout with abundant of sindicates. A lot suffered, especially to those who are still at a young age, it was such a tragedy for them, and a trauma. Jaja was still 6y.o t...