Jaja's pov.
"S-Sea----", Bibigkasin ko na sana ang pangalan niya para ipabatid na babaguhin ko na ang sarili ko nang bigla nalang itong nagmadaling pumasok sa apartment niya at isinirado kaagad ang pintuan.
Nawala naman kaagad ang mga ngiti sa aking labi nang bigla akong nagtaka kung bakit nagmadali siya pumasok sa loob ng apartment niya.
"Ako na ang bahala.", Nang maiabot ni Tito Mako ang susi ay sinabi niya namang siya nalang ang bahala kay Sean. Mukhang ini-locked ni Sean ang pintuan kaya binuksan ito ni Tito Mako gamit ang isa pang susi na para sa apartment ko sana.
Di ko naman maiwasang magalala dahil baka magtaasan na naman sila sa isa't isa ng boses.
Hindi nako nagabala pang makinig sa usapan nila, siguro magiging maayos din naman ang lahat kaya hayaan ko nalang silang makapag usap nang masinsinan. Maaari ring may sariling dahilan si Sean kung bakit siya nagmadaling pumasok sa tinutuluyan niyang apartment.
Pumasok nalang ako sa sarili kong tutuluyan na apartment at tinignan nang maigi ang loob. Malinis naman at may mga displays nang nakalagay, hindi na masyadong marami ang kailangan kong ayusin.
Umupo muna ako sa sofa saglit at tumulala sa kesami at napaisip kung ano kaya ang rason ni Sean na biglaan nalang siyang nagmadali pumasok sa apartment niya, miss ko pa naman na siya. Ang tagal narin mula nung huli naming pagkikita at usap, ilang taon narin ang nakalipas. Sana bukas sa unang pasukan namin malaman ko kung anong rason niya. Masamang balita kaya rason niya?...
Sean's pov.
"Sean! Bakit nagmadali kang pumasok dito? Hindi mo ba napansin na nasa harapan mo na si Jaja, ano ka bulag?"
"Daddy, naman! Why are you asking me that right now if you totally knew about my reasons, diba I've already told you WHY?! Yes, hinintay ko siya na pumasok sa Academy pero hindi ko rin alam kung bakit siguro gusto ko lang talaga ipakita sakaniya na kahit gaano pa kami kalapit sa isa't isa ay wala na'kong pake sakaniya."
"You should at least say "Hi", and ask her if she's fine. Hindi yung bigla bigla ka nalang magmamadaling pumasok."
"And why would I?" tanong ko sakaniya.
"Alam mo naman diba kung gaano kagrabe pinagdaanan niya diba? Sean! Wake up, she's your one and only bestfriend and best playmate during those days in hideout, how could you be so rude to her?"
"Hey! Hey! Hey! How about me? Us? Hindi ba grabe yung pinagdaanan natin. Puro ka Jaja. Bakit ba sobrang bait mo sakaniya? Look, Im your Son here. Ba't hindi ako yung kampihan mo? Okay, fine! I'm the villain here. At saka it's none of your business if I am being rude to that pathetic bi---!" Hindi ako pinatapos sa sinasabi ko ng bigla akong sampalin ni Daddy.
"Utang na loob natin buhay natin sa mga magulang niya, baka nandun parin tayo sa hideout ngayon kung hindi tayo nakatakas dahil sakanila, and now you're asking why am I being nice to her? Hah! Yes, you're indeed right, you're the villain here. My son is indeed the villain. Ngayong aalis nako, siguraduhun mong wala kang kahit anong sasabihin kay Jaja, naiintindihan mo?" he said, at pagkatapos ay tuluyan na nga siyang umalis sa apartment ko.
Hah! I see...
He literally see me as a villain.Jaja's pov.
Hindii ko namalayang nakaidlip pala ako, nang magising ako ay nakita kong may isang karton sa harapan ko. May papel ito sa ibabaw at nakasulat ;
Hindi ko alam kung ano pamamaraan ng mga Pilipino ang pagpapadala ng sulat pero ok na siguro 'to magbibigay alam lang naman ako sayo na ito yung magiging uniporme mo bukas. At kung sakaling nagaalala ka sa amin kanina ni Sean ay wag mo nang isipin pa, ang mahalaga ay makakapagaimula kana uli ng bagong buhay mula bukas. Nga pala, may mga damit kana sa loob ng kwarto ipinahanda ko yan para sayo, lahat ng mga makikita mong kagamitan diyan ay ako ang nagpahanda. Hindi muna kita maaasikaso ng ilang buwan for some reasons related to my business in Japan so uuwi ako ron.
BINABASA MO ANG
The Life of Us, After our Nightmare
AcakA bunch of passengers in an airplane was ended up in an unknown location of a hideout with abundant of sindicates. A lot suffered, especially to those who are still at a young age, it was such a tragedy for them, and a trauma. Jaja was still 6y.o t...