Chapter 06 : Pitiful

9 1 0
                                    

Before this chapter starts, I would like to thank Ms. Haneah Wp (Haneaquin) for creating a new book cover for my story. Salamat po ulit. Hahaha, 'di ko na 'to papalitan 'til ma-complete itong story ko. 'Yon lang, keep safe! May the god bless you!

May narinig akong isang pamilyar ng boses ng lalaki kaya kaagad akong pumunta sa pintuan. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng biglaan itong bumukas. Malakas namang tumama ang pintuan sa noo ko, "Aray!"

Nakita ko namang si Dean lang pala ang nagsisisigaw. Para itong nakakita ng multo dahil sa gulat na mababasa mo sakaniyang mga mata. "Tapos na'ko mag-cr. Ano bang isinisigaw sigaw mo riyan at bakit parang nakakita ka riyan ng multo at gulat na gulat?" tanong ko sakaniya habang hinihipow hipo ang noo ko dahil sa sobrang sakit nang pagtama ng pintuan sa'kin.

"Si Sean, dinakip ng mga pulis!"

Sabi pa nito na ikinagulat ko naman.

"Ha???!!"

Sean's pov.

Tatlong baso pa nga lang ang naiinom kong wine ay nakaramdam na kaagad ako ng pananakot sa ulo. Nagsimula na ring mang labo at umikot ang paningin ko, dahilan para mapasandal ako sa kina uupuan namin nina Sasi.

"Are you for real, Sean? Kalalaki mong tao and you're already drunk? C'mon, let's enjoy this night. Nakakatatlong baso palang tayo rito." Sabi pa nito kasabay ng pagtatawanan nila sa akin.

Mula nung dumating kami sa club ay nakakatatlong baso palang ako. Kahit kailan man ay hindi ko pa nararanasang uminom ng kahit anong inumin na nakaka lasing. Kaya hindi na'ko magtataka sa sarili ko kung bakit ito na kaagad ang nararamdaman ko sa tatlong baso ng wine.

Kahit pa umiikot ikot na ang nakikita ko sa paligid ko ay nagawa ko pa ring maibaling ang tingin ko kay Sasi. Kinuha nito ang bote ng wine at ang baso ko. May napansin naman akong parang may inilagay siya sa baso, pero ipinagsawalang bahala ko nalang ito dahil wala naman at hindi ako sigurado kung ano ang inilagay niyang iyon.

"Here, Sean. Last nalang 'tong isang baso ng wine para sa'yo." aniya at iniabot ang baso ko sa'kin na ngayon ay may laman ng wine sa pangapat na beses.

Hindi ako nag alinlangang tanggapin ito. Dahan dahan ko itong inubos habang nananatili akong nakasandal sa inuupuan namin.

Nang matapos ko itong maubos, lalong lumalala ang nararamdaman kong sakit ng ulo at ang patuloy ng pagpaikot ikot ng paningin ko. Wala naman akong ibang nagawa at naisip kong umidlip nalang muna saglit dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa aking ulo dulot ng ininom kong apat na baso ng wine.

Mayamaya ay nakaramdam akong parang may pumatong sa akin. Habang tinatanggal ang suot suot kong uniporme ng aming paaralan. Dahan dahan kong idinilat ang aking mata at sa aking harapan ay si Jaja ang bumungad. Maluwag ko itong nginitian. Binuhat ko ang aking kanang kamay at kusa itong dumapo sa kaniyang pisngi.

"Sean, are you really into this?" tanong pa nito nang may mapang-akit na boses. Habang sa patuloy pa rin ito sa dahan dahang pag tanggal sa pagkaka butones ng aking uniporme, bigla kong naisip na...para bang sinasamantala nito ang kalasingan ko na inaakit akit ako nito.

"Hey, Sean," isang kaakit-akit na boses muli ang narinig ko. "Do you still remember...when whe were still a kid sabi mo you'll marry me 'til we turn at the age of 30."

Napaisip ako sa sinabi niya, because as far as I remember....Wala akong ganong sinabi sa kaniya when we were still at the hideout back then. Napansin ko ring amoy alak siya, na siyang dahilan para magtaka ako.

The Life of Us, After our NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon