Nang makabalik ako sa room namin...Naabutan kong nandun na si Dean.
Nasa pintuan pa man lang ako ay kinawayan na ako nito nang may ngiti, kaya kumaway nalang din ako pabalik sa kaniya. "Kumatok ako sa apartment mo pero hindi na kita naabutan dun, maaga kang umalis pero nauna naman ako sa'yo rito." pagtataka nito.
"Hehe...Ano kasi,...balak kong tumulong sa gagastusing multa. Ang totoo niyan, sinabi ko na 'to sa'yo kagabi nung kagagaling palang natin mula sa stasyon ng mga pulis. Kaso habang naglalakad tayo pabalik sa apartment, mukhang malalim ang iniisip mo, dahilan para hindi mo napag tuunan ng pansin yung sinabi ko." paliwanag ko pa sa kaniya.
"Pasensya na...May mga bumabagabag lang sa isip ko nung gabing iyon. Tungkol naman sa multa, 'wag ka nang magabalang magalala pa ron. Ako na ang bahala." ika niya.
Napansin kong may lungkot ito sa mukha at ang pagtulong ko lang sa kaniya ang naiisip kong paraan na maaaring makapag pagaan sa kaniya, "Gusto ko ring makatulong kahit papaano, kaya hayaan mo akong tulungan kayo. Nga pala nasabi mo naba sa Daddy niyo ang nangyari?" tanong ko sa kaniya.
Iniwas nito ang tingin niya sa akin at ibinaling sa labas ng bintana, "Hindi pa..."sagot niya at mukhang malalim na naman ang iniisip nito.
Mayamaya ay nagsunod sunod na ang pag datingan ng mga kaklase namin, at 'di nagtagal ay maaga ring dumating ang guro namin sa Science.
"Good Morning!" pagbati pa nito habang tinitignan ang buong klase. Pagkatapos ay muling nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Patapos na tayo sa Science ibang lesson ng Science. Sa susunod na linggo ay iba na naman ang topic natin. Maaari bang pakikuha ng mga aklat niyo and turn to page —"
Habang patuloy na nagsasalita ang guro namin ay tinignan ko si Dean. Mukhang malalim pa rin ang iniisip nito. Laging mahirap basahin ang mukha niya, kaya hindi ko alam kung ano ang iniisip nito. Sunod ay tinignan ko naman ang pinagkaka-upuan ni Sean. Naalala ko na nabanggit niya sa usapan nila kanina ni Sasi na dalawang linggo silang suspendedo. Pumasok din naman sa isipan kong nakalimutan kong sabihin yon kay Dean kanina.
"Hays...Bahala na. Mamaya ko nalang siguro sabihin." Bulong ko sa isipan ko.
Sa kalagitnaan nang pagtuturo ng guro namin ay biglaan ang pagdating ng principal. Kasama rin nito ang nag-interview sa akin dati. Nagka tagpo ang mata naming dalawa kaya nginitian ako nito at kumaway. Nagsitinginan naman ang mga kaklase kong marites sa akin.
Napansin kong nagusap saglit ang guro namin at ang principal, pagkatapos tumango ng guro namin ay ipinagpaalam muna kaming dalawa ni Dean.
"Nagkita ulit tayo, Jaja." Sabi pa nito sa akin.
"Ah...Hahaha. Opo." Habang inaalala ko kung papaano ako umasta sa kaniya dati ay nakaramdam ako ng hiya. Napakamot ako sa kagiliran ng pisngi ko malapit sa tenga gamit ang daliri. Iniwas ko naman ang tingin ko sa kaniya, pagkatapos ay napakamot naman ako sa ulo kat at tumawa dahil sa hiya na hindi ko maiwasan ang pagka-ilang.
"Pasensiya na kung biglaan namin kayong inimbitahan dito sa principal office." panghihingi pa ng paumanhin ng principal na si Ms. Enoikía.
"Kung maaari ay hihingin ko muna ang oras niyo ngayong araw, pwede ba iyon?" magalang itong nagtanong nang may ngiti sa mukha. "Hindi pa nga pala ako nakakapag pakilala. Kahit na si Jaja hindi rin ako kilala. Maski na ilang taon akong naging interviewer niya." Natatawa pa nitong pagpapaliwanag.
"Ako nga pala si Paul Jiminez," pagpapakilala niya, "isa ako sa mga naatasan na mag interview at kumuhng inpormasyon tungkol sa nangyari dun sa aksidente".
"Alam kong nagtataka kayo kung ba't kayo nandito..." Napahinto ito saglit sa pagsasalita ng sumenyas sa kaniya si Ms. Enoikía, "Maiwan ko muna kayo." pagsingit nitong pamamaalam, at tumango naman kaming tatlo.
BINABASA MO ANG
The Life of Us, After our Nightmare
RandomA bunch of passengers in an airplane was ended up in an unknown location of a hideout with abundant of sindicates. A lot suffered, especially to those who are still at a young age, it was such a tragedy for them, and a trauma. Jaja was still 6y.o t...