Jaja's pov.
"Oh, ituloy mo na kwento mo iha, anong nangyari ron sa pagtakas niyo?" tanong ng isang interviewer na inutusan din ng taga gobyerno.
Hindi ko nagawang masagot ang tanong ng interviewer dulot ng matinding trauma. Halos wala rin ako sa sarili ko at ang pagiyak lang ang natatangi kong kayang gawin araw araw.
"Alam mo, iha, 10 years kanang hawak ng gobyerno. Dapat kanang magsalita sa mga pangyayari at magbigay ng inpormasyon tungkol dun sa hideout nila dahil may mga ibang tao pa ron diba. Di ko alam kung anong nararamdaman mo dahil kahit kailan di ka namin maiintindihan, alam kong mahirap pero sana para sa sariling kapakanan mo maisipan mong magbago at magsalita na nang matulungan karin namin makabangon."
Nagdabog lang ako at hinampas ang mesa. "Alam mo palang di moko naiintindihan, e ba't ang dami mong tanong!?? Hindi moko naiintindihan diba? Edi wag ka magdesisyon para sa kung anong makabubuti sakin, gago kaba ha?" sigaw ko sa interviewer.
"Nurse" -interviewer.
"Mukha bakong baliw, ito ba yung pamamaraan niyo para tulungan akong makabangon!?? Makabangon pala ha, tapos baliw turing niyo sakin. Hawak nga ako ng gobyerno galing naman mental hospital mga nurse na nagbabantay sakin. Patayin niyo nalang ako mga hayop ka---" Tinurukan na naman ako ng pampatulog at di pinatapos sa sinasabi ko.
Ba't ba 'to nangyayari sakin. Di ko lang talaga matanggap yung mga pangyayari, at kahit kailan mukhang di ko yata kayang tanggapin at kalimutan nalang. Hindi ko na alam gagawin ko. Tama naman yung interviewer e, dapat maisipan ko ring magbago, naiisip ko naman e di ko lang talaga alam kung papaano at kung saan ako magsisimula. Kung alam ko lang sana edi sana sinimulan ko nang magbago. May puso nga ako, pero para sakin wala na itong natitirang laman pa.
"Takbo hanggang sa abot ng makakaya mo,...hindi, tumakbo ka hanggang sa makaligtas ka, kahit hindi mo na kaya tumakbo ka parin!", "Wag kang titigil, Jaja!" habol hiningang isinisigaw sakin ng isang babae at lalaki habang tumatakbo, hindi ko mamukhaan ang mga ito dahil malabo ang kanilang mga mukha, hanggang sa maya't maya lamang nangyari ang hindi inaasahan.
Sampong tunog ng putok ng baril, dalawang taong nakahandusay at naliligo sa dugo ang bumungad na siyang dahilan ng paghinto ko sa pagtakbo kasabay ng aking pagsigaw nang sobrang lakas.
"Ahhhhhhhhhh!" Sigaw ko nang nakahawak sa ulo ko dahil sa sobrang sakit nito.
Panaginip lang pala. Iisang panaginip lang lagi ang napapanaginipan ko, nagiisanag napakasamang panaginip.
Isang araw pala akong tulog, at kinabukasan ay binisita ako ni Mr. Fushiguro. Lagi niya akong binibisita tuwing may libreng oras siya. Habang si Sean naman ay matagal nang tumigil kakabisita sakin, ayon sa Daddy niya di niya na raw kayang makita akong nagkakaganito o sa mas madaling salita -nagsawa na siya sakin.
"Mahirap talaga pinagdadaan mo, 'no? Ilang taon narin ang nakalipas siguradong masakit sayo lahat ng mga pangyayari. Pero sana isipin mo rin sarili mo, Jaja, hindi namin sinasabi sayong kalimutan mo yung mga nangyari ron, ang samin lang isipin mo rin sarili mo."
Napaluha ako lagi habang nakikinig sakaniya. Sana yung mindset ko katulad din ng kay Mr. Fushiguro, kaso hindi e. Walang wala na talaga ako.
"Para akong isang plastic bottle ng tubig na walang laman kung baga maihahalintulad, patapon na." ika ko.
BINABASA MO ANG
The Life of Us, After our Nightmare
DiversosA bunch of passengers in an airplane was ended up in an unknown location of a hideout with abundant of sindicates. A lot suffered, especially to those who are still at a young age, it was such a tragedy for them, and a trauma. Jaja was still 6y.o t...