What?Wait...Do I really feel anything for him?" tanong ko sa sarili ko.
"Siya bukang bibig ko of course, he is my friend after all and I treasure the memories we've made together. Ganon lang yon."
"No. He was your friend. But no worries, Jaja, okay? Alam ko balang araw magiging magkaibigan ulit kayo. Sa ngayon ako lang muna kaibigan mo. I mean...hindi temporary ang pagkakaibigan natin, right? Kapag naging magkaibigan ulit kayo ni Sean, may kaibigan kana ring Dean. While Sean turning his back on you...For now, I'll be your comfort. And let me be."
Gumaan gaan ang pakiramdam ko nang marinig ko ang bawat salitang lumalabas mula sakaniyang bibig. Muli niya akong tinapik sa pangalawang beses at binigyan ng napakagaang ngiti. At hindi ko naman maiwasang maluha sa mga sinabi niya.
Sean's pov.
Napaaga ako ng pagpasok sa Academy. Nang dumating ako sa silid aralan ay wala akong ibang nadatnan na sino man. Naupo nalang muna ako at tumulala malapit sa bintana.
Mayamaya lang ay nakita ko ang dalawa. Si Jaja at Dean.
"Mukhang nagkakasundo lalo yung dalawa ah."
Sabi ko sa aking isipan.
Ito ay nasa iisang bisikleta lamang, si Jaja ang angkas at si Dean naman ang nagpapatakbo sa bisikleta.
Nang maalala kong wala palang ibang tao sa silid aralan namin ay kaagad akong kumaripas ng takbo papalabas dahil paniguradong kaming tatlo ang magkakasakasama sa iisang silid aralan. Ayokong mangyari yon.
Pababa na sana ako nang makasalubong ko ang isang grupo ng mga babae.
Akala ko ay magkakasalubong lang kami ng mga ito nang biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Sean...?"
Ibinaling ko ang aking tingin sa likuran. Nagtaka ako kung sino sino sa mga babae ang tumawag sa'kin. Binalewala ko nalang ito para ipagpatuloy ko nalang sana ang pagbaba sa hagdan.
"Hey! Hey! Don't tell me kinalimutan mo na ako?"
Ibinalig kong muli ang aking tingin sa pangalawang beses. Nakita ko ang isang babae na may lollipop sa bibig. Pinitik nito ang ilong ko nang mahina. "Hindi mo'ko natatandaan?"
"Nakakainis sino ba 'to? Nagmamadali ako tapos may eepal." aniko sa isipan ko.
Tinignan ko ito mula paa hanggang ulo ngunit hindi ko talaga mamukhaan kung sino siya. Muli kong tinalikuran ang mga ito ngunit hinawakan ng babaeng may lollipop sa bibig ang aking kanang balikat.
"I'm Sasi. Balita ko marunong kana managalog." pagpapakilala nito nang nakataas pa ang isang kilay.
Pilit ko itong inalala at may batang biglang pumasok sa aking isipan. May naalala naman akong batang babae na kamukha niya back in Japan. Bigla naman akong nagulat nang mapagtanto kong siya pala yung lagi kong kalarong filipina dati everytime na nagpupunta parents niya dati sa bahay namin.
"Sasi!?"
"Wala, f.o na tayo hindi mo ako kaagad namukhaan." ika nito sa sarkasmong paraan."I missed you, Sean. Bigla bigla nalang kayo umalis ng Japan nang wala akong kaalam alam."
Naalala ko, biglaan ang pagalis namin dati ng Japan dahil sa business ni Daddy. Kaya hindi ko naipagbigay alam kay Sasi na aalis kami.
"Sorry, biglaan. Anong ginagawa mo rito sa Pilipinas? I thought may business kayo sa Japan?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Life of Us, After our Nightmare
AcakA bunch of passengers in an airplane was ended up in an unknown location of a hideout with abundant of sindicates. A lot suffered, especially to those who are still at a young age, it was such a tragedy for them, and a trauma. Jaja was still 6y.o t...