CHAPTER 19

140 10 0
                                    

Ten hours earlier...
Saturday, 1 PM

"NASAAN ka na ba, Kath?" tanong ko sa kaibigan kong kausap sa cellphone. "Anong oras na, oh. Nakakahiya namang ma-late, ako na nga 'tong malapit ang bahay sa resort."


"Saglit na lang! Nakasakay na ako sa traysikel. Ayan, paalis na. At saka hindi naman mapapansin na late tayo kung sakali kasi panay na ang lapang ng mga 'yan. Baka nga nag-iinuman na iyong mga 'yun pagdating natin, e."



Bumuntonghininga ako. "Sabi mo iyan, ah. On the way ka na! Hihintayin na kita sa kalsada." Ibinaba ko na ang linya nang um-oo si Kath sa akin. Kanina pa akong alas dose nakahanda para pumunta sa resort. Kaya lang hindi pa ako pumupunta kasi sabi ni Kath hintayin ko raw siya. Sabay na raw kami kasi nahihiya daw siya pumunta nang mag-isa.



Tumingin ako sa salamin at saka inayos ang buhok kong nakatikwas. Pinagmasdan ko pa ang sarili ko at saka napakunot ang noo nang mapansing sleeveless lamang ang suot ko. Wala naman na akong ibang maayos na damit na pwedeng suotin, pero kung ito ang susuotin ko ay siguradong lalamigin ako hanggang mamayang gabi. Hanggang gabi raw kasi ang pa-party ni Sir Arman sa resort nila.



Napansin ko sa repleksiyon ng salamin ang plastic na nasa mesa. Napalingon ako roon. Iyon 'yung naka-plastic na jacket ni Axen na hanggang ngayon di ko pa rin naisasauli. Wala naman siya mamaya kaya hindi ko pa rin maibabalik iyon. What if iyon na lang ang isuot ko mamaya kapag nilamig ako? Napabuntonghininga na lamang ako at saka isinilid sa bag ko ang jacket na iyon.



"Ang ganda-ganda mo talaga!" puri ko sa sarili matapos tuminging muli sa salamin. Gawain ko na ang gan'tong pagpuri sa sarili sa salamin kahit alam ko namang kabaliktaran ng sinasabi ko ang tunay na hitsura ko.



Lumabas na ako ng bahay matapos magpaalam kay Mama. Ang sabi niya'y before 12 AM ay dapat narito na ako sa bahay. Iyon ang inilaan niyang curfew para sa akin. Mabuti nga't hindi alas otso tulad ng kinasanayan. Nakakahiya naman daw kasi sa mga in-laws niya kung hindi man lang ako makikisama't magtatagal doon. Hindi ko mapigilang matawa kay Mama. In-laws agad, ni hindi pa nga kami kasal ni Axen.



Natulala ako matapos maisip iyon. Nagpapanggap lang naman kami ni Axen, ba't ba pagpapakasal ang iniisip ko?! And no way I'll get married with that asungot. As if din namang gusto niya ikasal sa 'kin.



Unknown Number: Enjoy! Busy lang sa thesis :<




Sino naman kaya 'to?



Ikinagulat ko naman maya-maya nang biglang tumawag 'yung number na iyon. Ilang beses kong hindi sinagot, pero paulit-ulit ding tumawag 'yun. Sino ba 'to? "Hello," sagot ko nang i-accept ang call ng unknown number na iyon.



"Ang tagal sagutin."


"Axen? Saan mo nakuha ang number ko?!"




Dinig ang pagtawa nito sa kabilang linya. "Importante pa ba 'yun?"




"Tss. Bakit ka ba tumawag? Akala ko busy ka?" salubong ang mga kilay kong tanong.




"Oo nga, e. May thesis kami. Ang sakit ng ulo ko, babe."



Nailayo ko ang cellphone sa tainga nang marinig ang huling salita na iyon. "Anong babe? Tumigil ka nga, kinikilabutan ako."




"Babe na lang itatawag ko sa 'yo. Ang haba ng pangalan mo, e." Animo'y batang nagmamaktol ito. Boses pa lamang ay halata na ang pagkakanguso nito.




"Anong mahaba? Heaven? Mahaba na sa 'yo iyan?"


"Dalawang syllables. Kapag babe isang syllable lang."


HEAVEN'S HAVEN | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon