ILANG linggo na rin ang dumaan matapos mailibing ni Mama. Ilang linggo na rin akong umiiyak tuwing gabi. Wala akong magawa kundi tiisin lahat nang mag-isa.
Wala naman na akong ibang aasahan pa.
Si Kath... pumunta nang Maynila para mag-intindi sa college. Hindi na yata siya sasama sa akin sa BEED. Ibang course na siguro ang kukunin niya. Puro ako yata at siguro, walang sigurado. Hindi ko na rin kasi siya nakakausap ngayon.
Ilang beses kong sinubukang lapitan siya pero nagmumukha lang akong tanga. Maraming beses akong nag-sorry sa nasabi ko pero mukhang ayaw niya na talagang makipag-ayos. Hinayaan ko na muna siya. Baka dumating din ang araw na kausapin niya ako kahit hindi ako magmakaawa.
Bumalik lang ako sa reyalidad nang huminto ang sinasakyan kong traysikel. Nagbayad ako para sa pamasahe at agad na bumaba. Ingat na ingat ako sa pagdadala ng box sa kanang kamay ko.
Ipinatong ko iyon sa palad ng kaliwang kamay ko para sumuporta sa bigat nito. Mabilis ko nang tinahak ang papasok sa sementeryo. Kung hindi ako madalas dito, baka naligaw na ako sa dami ng mga bagong nitso.
Nang makarating sa destinasyon ay ibinaba ko ang kahon at dahan-dahang binuksan iyon. Pilit akong ngumiti nang iluwa nito ang isang maliit na cake.
"Happy 18th birthday, Heaven," pagbasa ko roon.
Tinusok ko na ang kandilang nasa loob ng box at dali-daling sinindihan iyon.
"H-Happy birthday sa 'kin. Yehey." Pero imbes na masigla, mahina at halos hindi marinig ang boses na lumabas sa bibig ko. "Dalaga na ako, Mama. Dalaga na ang kaisa-isa niyong anak."
Hinipan ko ang kandila saka ako pumalakpak.
"H-Happy birthday. Happy... h-happy..." Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko. "...birthday s-sa 'kin." Hindi ko na napigilan pang mapahagulgol. Naitungo ko ang ulo ko sa lupa at doon ay nagsipatakan ang mga luha ko. "M-Miss na miss ko na kayo... M-Mama. Bakit niyo naman ako iniwan? N-Napakadaya niyo." Pinunasan ko ang pisngi mula sa mga luha.
Pinagpag ko rin ang mga kamay na nadumihan sa pagkakatuon ko sa lupa.
"Bakit hindi man lang kayo nagpaalam nang maayos sa 'kin? Alam niyo bang galit ako sa inyo dahil hindi niyo 'ko hinayaang sabihin lahat-lahat ng gusto kong sabihin? Galit ako. Galit na galit ako dahil iniwan niyo 'kong mag-isa! Ang daya mo, Mama! Ang daya niyo!"
Muli akong napahagulgol. Napahaplos ako sa dibdib ko nang manakit iyon. Sobrang babaw na rin ng sunod-sunod na paghinga ko. Hindi na ako magkandaugaga sa paghinga habang humahagulgol. Parang tinutusok nang paulit-ulit ang dibdib ko. Parang inooperahan ako nang walang anesthesia. Baka nga mas masakit pa do'n, e.
"Pramis ko sa inyo, makakamartsa din ako hawak ang diploma ko. Tutuparin ko ang pangako ko, 'Ma. D-Dadalhin ko 'yung p-picture mo. Dadalhin ko paakyat sa stage para kunwari kasama kita. Kasi 'di ba... magkasama dapat tayong magmamartsa. Pramis ko po 'yan!"
Pinunasan kong muli ang mga luha saka ako tumayo. Nagdidilim na ang paligid at mabuti pang umalis na ako. Delikado kung mananatili pa ako rito mag-isa.
Dumagundong ang langit. Bago pa man lang akong mag-re-react ay nagsipatakan na ang ulan. Halos bumaon sa ulo ko ang malalaking butil ng ulan. Hindi na ako nag-abang sumilong pa. Dire-diretso akong naglakad, walang pakialam sa delubyong binabalot ang gabi.
Mabagal.
Mabagal kong inihakbang ang mga paa ko.
Wala nang sense pa kung magmamadali ako para sumilong. Basa na rin naman ako kaya ano pang dapat kong gawin. Ipinagpatuloy ko na lang ang walang kalatoy-latoy kong paglalakad sa madilim na sidewalk.
Natigilan lang ako nang mag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa. Binasa ko kung sinong tumatawag at animo'y binuhusan ako ng malamig na tubig nang mabasa ang pangalan ni Axen.
Pinatay ko ang cellphone ko.
Hindi ko rin naman masasagot ang tawag na iyon dahil basang-basa ang screen at mahirap pindutin. Wala rin naman akong balak sagutin kung sakaling hindi umuulan ngayon.
Nang ibabalik ko na ang cellphone sa bulsa ay ikinagulat ko nang may malakas na liwanag na tumama sa mukha ko. Napapikit ako at napatakip ng braso sa mga mata ko. Huli na nang marinig ko ang malakas na busina. Hindi na ako nakapag-react pa at napapikit na lamang dahil malapit na sa akin ang humaharurot na van.
Inaasahan ko nang bubunggo ang van sa akin. Pero hindi ko inaasahan nang may tumulak sa akin palayo ng kinatatayuan ko. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko na rin napigilan pa ang pagbangga ko sa malaking puno. Napadaing na lang ako kasabay ng pagbagsak sa lupa.
May likidong tumulo mula sa bibig ko. Mapula iyon. Maging sa noo ko ay may mainit na likidong dumaloy. Napakalaki ng kaibahan ng temperatura no'n mula sa mga patak ng ulan kanina.
Kasabay ng pagtigil ng ulan ay ang pagtigil din ng sasakyan na muntik nang bumangga sa akin. Nanlabo ang paningin ko. Pilit ko mang ibuka ang mga talukap ko, hindi ko na nakayanan pa ang bigat ng mga iyon.
Wala na ako masiyadong maalala sa mga nangyari bukod sa pagdating ng ambulansya at sa pagbuhat nila sa isang duguang lalaki papasok doon.
BINABASA MO ANG
HEAVEN'S HAVEN | COMPLETED
RomanceHeaven Eranista, a high school student who experienced a lot of heartbreak from cheaters, wants to take revenge on those who have hurt her-men in general-in order for them to taste their own medicine. --- Heaven Eranista suffered a lot from cheaters...