Until Her Last Breath

30 3 0
                                    

Until Her Last Breath








"Doc, wala na bang ibang paraan?"



"I'm sorry Mr Villarreal..."



Napa buntong-hininga na lang ako.



"We tried to convince your wife na kainin yung mga pagkain na hinahanda namin sa kanya, pero hindi talaga nya kinakain."



Napahilot na lang ako sa sintido ko sa katigasan ng ulo ng Asawa ko.



"Pag patuloy pa din nyang hindi kakainin yung mga hinahanda namin, mas lalo syang manghihina. Yung mga gamot na pinapainom namin sa kanya, di na tinatanggap ng katawan nya."



Napatingin ako bigla kay Doctor Martin.



Lord... Ano na bang gagawin ko? Di ko alam kung san na'to patungo. Natatakot ako.



"Mr. Villareal, maybe you should try to talk to your Wife." sabi nito sa'kin saka ito nagpaalam na umalis.




Pumunta ako sa isang kwarto kung saan doon namamalagi ang aking Asawa. Kumatok ako. Hindi sya sumagot, kaya kusa na lang akong pumasok sa silid. Tumingin sya sa akin. Makikita mo sa mukha nya ang pagkagulat.



"Anthony? Anong ginagawa mo dito?" tanong ng Asawa ko sa akin.



"Dinadalaw ka?" patanong na sabi ko.



Ngayon ko lang ulit sya napagmasdan. Sobrang payat na nya. Malalim na ang mga mata. Tumingin sya sa labas ng bintana. Bigla syang napa buntong-hininga.



"Tagal kitang hinintay sa totoo lang... bakit ngayon ka lang?"



Bigla akong nakaramdam ng pagkadismaya sa sarili ko. Kasalanan ko naman kung di ko sya naalagaan ng maayos. Puro trabaho yung inaatupag ko, para naman kasi yun pambayad sa mga gastusin namin. Di siguro ganito katindi yung sakit nya kung di ko sya pinabayaan. Puro na lang trabaho, trabaho trabaho. Putanginang trabaho.



Puro lang ako salita, di ko naman ginagawa.



Pumunta sya bigla sa gabinete nya nang hindi ako sumagot sa tanong nya. Kinuha nya ang kahong ng musika. Yung regalo ko noong kasal namin. Pinatugtog nya ito.



"Anthony, pwede ba kitang maisayaw?"



Natawa ako bigla sa isipan ko, ako yung lalaki pero sya yung nang-aya na sumayaw. Kinuha ko ang kamay nya saka ito hinalikan. Habang pinapatugtog ang paborito nyang kanta, na paborito ko na rin, sabay namin itong sinayaw, Bayle.



♪Gusto ko lamang
Kasama kang tumanda♪



Bigla syang nagsalita.



"Di ko malilimutan tong araw na to. Salamat... Dahil nasayaw mo ulit ako, sa paboritong kanta ko."



Di ko alam pero biglang nag-uunahang tumulo ang aking mga luha. Ngumiti sya sakin, yung ngiti nya, ito ang dahilan kung bakit ko sya sobrang minamahal. Hinalikan nya ang kaliwa kong mata, hinalikan nya din ang kanan kong mata, saka hinalikan nya ako sa mismong labi ko. Pagkatapos nya akong halikan, hiniga nya ang ulo nya sa dibdib ko.



"Anthony Villareal.... Kung pagbibigyan man ako, ikaw pa rin ang pipiliin ko kung sakaling mabubuhay ako ulit."



"Anong pinagsasabi mo Chel?"



Nabigla ako sa sinabi nya, bakit ba sya nagkakaganyan. Kinakabahan ako. Napansin kong hirap na hirap na syang huminga.



"Nurse!" biglang sigaw ko.



"Shh shh... Anthony... I-ikaw parin..." nanghihinang sabi nya.



"Nurse!" sigaw ko ulit sa sobrang pagkakataranta ko.



"H-hanggang s-sa..." pilit pa rin syang magsalita kahit sobrang nahihirapan na sya.




Sa huling katagang binitiwan nya, dito ako napahinto. Gumuho yung mundo ko.



"K-kahuli hulihang h-hininga k-ko... M-mahal na mahal k-kita..."






3:43 pm






Chelsea Villareal.








Died, on my arms...























Standalone StoriesWhere stories live. Discover now