Traitor
6:15 am
Babe, goodmorning 😘
Bumangon ka na,kumain
ka na din
seen
12:01 noon
Babe, good afternoon
seen
7:21 pm
Goodevening Babe!! ❤️
Babe, kumain ka na, wag
magpapalipas ng gutom
seen
10:51 pm
Babe
Do we have a problem? Why are
you ignoring me? Do you hate
Nana? Joke lang Babe HAHA
Talk to me if your okay na.
Sweet dreams and labyu mwah!
seen.
Seen pa din? Baka busy lang. Baka may ginagawa lang sya at importante yun.
Naiintindihan ko naman...
Pero sana sinabi nya sakin kung ano yun, para sana hindi ako dito matataranta kung anong nangyayari sa kanya. Kung napano ba sya.
1 month.
1 month pero yung sistema namin ganon pa din. Hindi parin sya nag rereply. Seen na lang palagi. Para na'kong tanga dito na naghihintay sa wala.
I can't wait. Pupuntahan ko sya.
"Tao po."
"Oh? Hija, bakit ka nandito?"
Tita, bakit walang Goodmorning? Yeah right, nakalimutan ko. Di mo pala ako gusto para sa anak mo.
"Si James po Tita?? Bibisitahin ko lang po yung Boyfriend ko po."
"Boyfriend mo? Mag-jowa pa ba kayo?"
Yes po Tita.
"Ma, bakit ang tagal mo jan sa pinto? Ihahatid ko pa si Maya sa bahay nila."
Biglang sumulpot si James, kasama ang isang babae na nakayakap sa kanya. Andie baka magkaibigan lang yan sila? May magkaibigan bang nagyayakapan!? Plsss... Wag kang umiyak. Smile ka lang. Lokohin mo muna sarili mo para hindi masakit.
Nagulat si James nang makita ako.
"Andie? Bakit ka nandito?"
Ayaw nya ba akong makita? Tangina naman.
"Syempre pinuntahan kita. P-pinuntahan kita kasi B-boyfriend kita." I force a smile.
Bigla nya akong hinila palayo sa bahay nila ng madinig nya ang sinabi ko na 'Boyfriend'
"Andie naman! Ang layo layo ng bahay namin, bakit ka pa pumunta!?"
"Para bisitahin ka, nag-aalala ako sayo."
Nag-aalala ako sayo to the point na pati sarili ko di ko na inabala para sayo. Para lang sayo, tanginang para lang sayo.
"Andie, sana tinext mo na lang ako!"
"Gaguhan ba 'to? Mag mamalik-mata na lang ba 'ko? Putangna mo James with no respect!"
I hate you.
"Ano bang ginawa ko!? Bigla bigla kang susugod dito tapos magiging ganyan ka!"
Bakit ikaw pa yung nagagalit? Ikaw na nga yung pinuntahan ko.
"Coming from you. Text? Hindi ka nga nag re-reply, seen ka nga lang din sa messenger tapos sasabihin mo ite-text kita!?
Natahimik sya.
"Girlfriend mo ba si Maya?"
I asked him out of nowhere. He avoided my gaze. Guilty.
"Tama ba? Kayo na ba? Bakit B-bestfriend ko pa? Tangina mo."
I don't cry, I'm strong. Pero ang sakit talaga.
"Babe, I can explain."
"Explain?"
Pagak akong natawa. Wow. Big word, explain talaga.
"James, naghintay ako sa text at chat mo. Pero 1 month pinaghintay mo 'ko, Ikaw pa ba yan? Ang sakit mo pala magmahal." I laugh sarcastically.
Lalapit sana sya sa'kin pero lumayo ako.
"Di lang 1 month ako naghintay, last year hinintay kita ng tatlong buwan. Tiniis kita James kasi mahal kita! Tiniis kita ng limang taon kasi mahal na mahal kita. Hindi kita kayang iwan kasi nga mahal kita."
"Babe"
Him calling me Babe, it hurts. I can't take it anymore. I burst out.
"Don't babe me! Kainin mo yang Babe mo! Awang awa na'ko sa sarili ko James. I didn't value myself before because of that stupid pagmamahal ko sayo."
I hardly slapped him.
"I hate to say this, but... Thank you for this 5 years fucking relationship. Sinira mo ko. Pasasalamat ko ang sarili ko ngayon dahil masasabi ko na sayo 'to. Wala nang tayo, I don't care if you agree or not basta't wala nang tayo, we're now completely strangers."
![](https://img.wattpad.com/cover/295340471-288-k577918.jpg)
YOU ARE READING
Standalone Stories
Teen FictionThis is a compilation of my Story, which is Short story, One shot perhaps. I started writing on the year of 2021. So, I gather all of my works here. This story is mix with Taglish and Bisaya stories. Beware po sa mga gramatical errors. I Hope you en...