Naglalakad ako papuntang canteen namin ng may biglang kumalabit sakin .
“ Oh ? Anong nangyari sa inyo kahapon ? “ bigla naman akong nagulat dahil nka sunod pala sa likod ko ang STM .
Ha ? Ano ? May nangyari na sa inyo ? Lume-level up ka na girl ha! Hahaha “ sulpot naman ni Leiy .
“ Ano ba kayo ? Ang aga-aga nang aasar . Hindi ba talaga kayo titigil ? Inis kong sabi sa kanila .
“ Eto naman . Parang binibiro lang eh . Menopausal stage ka te ? biro naman ni Reyian . Haay . Wala na ba talaga akong kakampi dito ?
“ Tara na nga . Mag meryenda na tayo . “ sagot ni Ck . Haay . Buti nalang at andito si Ck para mag iba nang topic . Pero kahit nkakainis tong mga to , mahal na mahal ko parin sila . Kasi alam kong mahal na mahal din nila ako .
Pero hindi niyo aakalaing ang grupo na to ay nagsimula sa isang malaking away sa pagitan naming ni Nessa . Muntikan na nga kaming ipa guidance dahil doon . Pero syempre , natakot kaming masira yung record namin . Nasa highest section kasi kami . Hehe . at doon nabuo ang grupong STUPID TROUBLE MAKERS . Oo , mga trouble makers kami . Kami kasi palaging nag uumpisa nang away eh . Kaya nga sikat kami sa school . Pero mababait din naman kami . Yun nga lang , mga pilya talaga
Pagtapos nang klase naming ay nagpaalam na ako sa STM at agad akong pumunta sa school cafeteria . Hinihintay kasi dun ako ni Kurt . Remember ? Pupunta ako sa bahay nila para dalawin yung mama niya . Bago kami dumirecho sa bahay nila ay dumaan muna kami sa isang cakeshop para bumili ng favorite cake ni Tita Quennie ( mama ni Kurt ) .
Pagdating naming sa bahay nila ay agad akong sinalubong ng yakap ni tita Quennie . At may beso pa ha ? XD
“ Talagang namiss kita iha . Kamusta ka na ? “
“ Isang buwan lang kayong hindi nagkita , daig niyo pang nagkahiwalay ng ilang taon . “ bigla naming sulpot ni Kurt .
“ Eh sa namimiss ko si Iya eh, bakit ba ? Teka teka , nagseselos ka ba ? “ sagot naman ni tita . Haay . mag ina nga talaga to .
“ Hindi ako nagseselos no ? Ang O.A nyo lang talagang dalawa . “ pagtapos sabihin ni Kurt yun , sumulpot nlang din ako para ma tigil na ang dalawang to . Hehe .
“ Okay lang naman po ako tita . Miss ko na nga rin po kayo eh . “ binigay ka agad yung cake na binili ko kanina .
“ Eto nga po pala tita . Bumili ako ng favorite mo . “ Kitang kita naman yung mga ngiti niya .
“ Nako . Nag abala ka pa . Pero maraming salamat iha . Tara . Pasok na nga tayo at nang makakain na rin . “ Pagpasok naming ay na handa na yung mga pagkain . Hindi naman sila masyadong naghanda no ? Parang pang isang barangay lang kasi yung handa nila . LOL .
Ang saya saya naming habang kumakain . Nag kwentuhan nga din kami , nagtawanan at kung ano ano pa . Hindi na nga naming npansin yung oras eh .
10:45pm na pala kaya nagpasya na akong umuwi . May pasok pa nga pala bukas . Haay .
]
“ Okay Kurt , mag iingat kayo ha . Iya , maraming salamat sa pagpunta . “
“ Cge po tita and tito . Alis na po kami . Salamat din po . Goodnight . “
Inihatid na ako ni Kurt sa amin . Habang nasa daan kami , ang tahiik naming pareho . Inaantok na kasi ako eh . Hindi naman asyadong malayo ang bahay naming kaya nakarating kami agad . Nung mkarating na kami binasag ko na yung katahimikan .
“ Sige Parekoy . Salamat sa paghatid ha . Ingat ka . “ ngitian ko lang sya at lalabas n asana ako ng kotse nya pero bigla niya akong hinila pabalik na nagingh dahilan para mpa upo ako ulit ?
“ Ha ? Bakit parekoy ? May problema ba ? “ Ohmaay . Kinakabahan ako .
“ May nakalimutan ka lang naman . “ sabay tingin sakin ng nkaka loko . Pero , ano nga ba ang nakalimutan ko ? Isiip Isiip . Waaah . Wla talagang pumapasok sa isip ko eh . Tss . Onoboyon !
“ Parekoy … Nakalimutan mo lang naman akong e kiss . Bwahaha . “ sabay tawang malakas . amputeks naman to oh . Akala ko naman kung ano . Haha . At dahil sa pagka bigla ko , napatawa na rin ako .
“ Loko ka ah . Umuwi ka na nga lang at parang kailangan mo nang uminom nang gamut mo . “ pagkalabas ko ay nag wave na lang ako sa kanya at nag salute naman siya . Nang nka nguso pa ha .
Lokong lalake yun . Napag tripan ba naman ako ? Alam niya bang kinilig ako dun ? Bwuahaha :D
BINABASA MO ANG
Meet my PAREKOY :)
Teen FictionHello readers . This is Meet my PAREKOY :) First story ko po to kaya pag pasensyahan nyo na po . Sana po magustuhan nyo . ENJOY ! - ayaabunana