"Pag ako naging boyfriend mo mahihiya pati orasan mo sa oras na ibibigay ko sayo."
Nag hihintay ako sa bestfriend ko ng may makita ako na couple ang sweet nila. Para sila lang ang tao sa mundo. Napaharap sakin ang mukha nila pero para akong hangin na hindi man lang napansin dahil nga busy sila mag sweet-sweetan. Napangiti ako ng mapait.
"Hayaan mo ko sundan ka diba sabi ng mama mo FOLLOW MY DREAMS eh ikaw pangarap ko."
Nandito kami sa park ni Blue ang aso ko ng makita ko na naman yung couple. They look cute together halata sa mukha ng babae yung inis. Samantalang, halata naman sa mukha ng lalaki na nilalambing niya ang babae. I feel a little pain in my heart at umiwas ako ng tingin.
"Para kang dilim simula ng dumating ka wala na akong nakitang iba."
Nag lalakad ako ng naka yuko may hinahanap kasi ako sa bag ko ng bigla ako bumangga sa isang lalaki? "Sorry miss. Hindi kita napansin." Tinignan ko ang lalaki habang tinutulungan niya ko mag pulot ng gamit ko. Iniayos niya ang gamit ko at iniabot sakin. "Miss sorry talaga ah." Pag hingi niya ng dispensa. "O-okay lang." Tumayo siya at nag lakad ng sumigaw siya "BABE NAMAN KASI DAHAN DAHAN LANG KITA MO NAKATAMA NA KO!" Nang tila lumambot lalo binti ko.
"Medyo bastos pero para kang ihi padating ka pa lang kinikilig na ako."
Naka upo ako sa may waiting shed ng makita ko na sa di kalayuan ay naka upo ang lalaki habang ang laki laki ng ngiti. Sinundan ko ang kanyang tingin at nakita ko ang babae na naka yuko na nag lalakad papunta sa kinapwe-pwestuhan ng lalaki.
"Pahiram mo sakin puso mo at babayaran ko ito ng apelyido ko. Hayaan mo akala ata ng parents mo tumatakbo ako sa boto na boto sakin ee."
Ilang taon na din ang nakalipas nandito ako ngayon sa simbahan. Hinihintay ang paglalakad ng dalawang nag mamahalan. Maya maya pa ay nag lakad na ang lalaki. Hindi maalis ang ngiti sa kanyang labi. Dumaan ang iba at makalipas ng ilang minuto nag lakad na ang babae sa pulang tela na binudbudan ng pulang talulot ng rosas. Wala pang lima ang hakbang niya ay napatingin ako sa pwesto ng lalaki nag uumpisa na din pala tumulo ang luha niya. Luha na may kasamang ngiti. Luha na mula sa sobrang saya. Pinikit ko ang aking mata at huminga ng malalim.
----------
Naka upo ako ngayon sa harap ng aking Diary.
Nick,
Ikaw na ata ang pinaka matamis na lalaking nakilala ko. Lahat na ata ng pick up lines sa mundo. Sinabi mo na sakin. Pero alam mo nakakatawa? Lahat halos ng pick up mo sa iba mo tinupad at wala ko magawa kundi panoorin na lang ang lahat. Hindi kita masisi. Wala sa atin ang may kasalanan. Ang aksidente ang kumain sa mga memorya na dati tayo ay gumawa. Nick, alagaan mo ang napangasawa mo at nawa ay alagaan ka din niya higit pa sa pag aalaga na ginawa ko para sayo. Dahil Nick yun ang nararapat sayo ang mahalin ng sobra. Btw, Nick ang gwapo mo kanina tulad ng na isip ko dati babagay sayo ang susuotin mo sa araw ng kasal mo. Masaya ako para sa inyo. Sa tingin ko ito na talaga ang pag tatapos ng ating kwento.PAALAM AT MAHAL NA MAHAL KITA NICK MAKINO!
NAG MAMAHAL,
NEMESIS BRIGHT...>> Ikaw si boy pick-up; ako si neneng b.
Pero hindi tayo ang itinidhana na magsama hanggang dulo.Yes I am Nemesis Bright also known as Neneng B and this is my story.
![](https://img.wattpad.com/cover/235003002-288-k900776.jpg)
YOU ARE READING
One Shot Story (Collections)
Short StoryOne Shot Stories Genre: Tragic Love Story Psychopaths