NOTE: Expect grammatical errors and typos ahead.
"Anak gising na." Pag gising sakin ng aking ina.
"Good morning mama" pupungas pungas kong sagot.
"Anak tara gala tayo? Bili tayo ng pang moving up mo." Naka ngiting aya ni mama
Ako nga pala si Cassandra call me Cass and she is my Mom, mommy Carla. Wala na kong daddy he died in a car accident 10 years ago. Wala din akong kapatid kami lang ni mommy ang mag kasangga sa hamon ng buhay. Sobrang close kami ni mommy kaya nga ang swerte swerte ko. She is my mom, my bestfriend and my everything.
"Ayyy ngumingiti anak ko iniisip mo siguro boyfriend mo" sabay kiliti niya sakin.
"Mommy wala ko nun. Ang swerte ko lang talaga na meron akong mommy na tulad mo." niyakap ko siya
"Asus nag lambing pa magandang anak ko sige na maligo ka na at aalis pa tayo." sabi niya.
At ganun nga ang nangyari kumain kami ni mommy sa paborito naming restaurant, bumili ng dress para sa moving up, nag tingin ng make up at kung ano ano pa. Halos palubog na nga ang araw ng umuwi kami. Tunay na ang saya ng araw na ito. Pauwi na kami at nasa sasakyan nag uusap.
"Mommy thank you this is the best day ever pero lagi naman best kasi kasama ka." sabi ko sakanya habang ako ay naka tingin.
"And you are the best daughter I ever had. Always take care baby and be good always, okay? ILoveYou so much baby. Congratulations anak you did a job well done. Pursue your dreams, baby. You can do it. Naniniwala kami ng daddy mo sa kakayahan mo anak. ILoveYou mahal na mahal kita my little Cassandra." then she cries
"Mommy why are you crying?" I asked but before my mom answered someone wake me up.
"Mommmyyyyyy!!!!!" I shouted at the top of my lungs.
"Shhhh, Cassandra..." My lola Carmela hugged me.
"Lola ? Si mommy kasama ko kanina we even buy a dress. Buhay si mommy, lola!" I answered while I'm crying
"Cassandra, wala na si Carla. You know it. She didn't make it." Lumuluhang sabi ni Lola
"But lola it feel so real. Lola ilabas mo na si mommy, please." Pag mamakaawa ko
"Apo, doctora ang mommy mo. Nahawa ng isa sa pasyente na may Covid-19. Isipin mo na lang na isa siyang bayani na nag buwis ng buhay para sa bayan. Maging proud ka iha. Sigurado akong kung andito ang mommy mo ayaw niyang umiyak ka kaya tahan na." Pag aalo sakin ni lola.
Tama nga pala si lola, M.D. Carla Ruiz. Dockora ang aking ina. Doktora na humarap sa ipedemya ngunit nahawa. Nahawa, lumaban ngunit hindi kinaya. Si mommy na may ginuntuang puso. Si mommy na walang ibang gusto kundi ang maka tulong. Si mommy..... ang lahat sakin.
Tumingin ako sa kalendaryo "April 3, 2020" ngayon dapat ang moving up ko. Napangiti ako ng mapait hanggang langit hindi ako nakakalimutan ni mommy. Nagpakita siya sa panaginip ko sa araw na dapat ay moving up din namin. Moving up na hindi rin natuloy dahil sa isang virus.
Covid-19 ilang tao pa ba ang mamamatay at ilang tao pa ang dapat mag buwis para lang tuluyan ka ng maglaho. Inialis mo ang normal na buhay ng mga tao. Pinatay mo ang mahal sa buhay namin. Maawa ka.
Frontliners palusugin niyo ang sarili niyo dahil hindi na lamang pamilya niyo ang naka atang sa inyong balikat kung hindi ang buong sambayanan. Mag paka tatag at sugpuin ang Covid-19. Kami ay naniniwala sa inyong kakayahan. Pag pupugay sa lahat ng frontliners na isinasalang alang ang kanilang sarili para sa lahat.
Ako nga pala si Cassandra Levi Ruiz. Anak ng isa sa frontliners. Nawalan ng ina ngunit patuloy na nanalangin at umaasa na Covid-19 ay mabibigyan na ng katapusan.
![](https://img.wattpad.com/cover/235003002-288-k900776.jpg)
YOU ARE READING
One Shot Story (Collections)
Short StoryOne Shot Stories Genre: Tragic Love Story Psychopaths