1: 4th Floor

244 3 1
                                    

"Daisy.. Daisy.. Dais" mahihinang boses ang narinig ko mula sa kawalan "Sy. Daisy.. Daisy" narinig kung muli na tawag sa pangalan ko, kasabay ng mga tinig, ilang pagyugyog rin ang naramdaman ng katawan ko. "Daisy nandito na si Sir gumising ka na raw, natutulog ka na naman sa klase niya."

At nang mapagtanto ko na wala pala ako sa bahay ay unti unti ko nang iminulat ang mga mata ko, pupungas pungas kung pinakiramdaman ang paligid nakita ko sa harapan si teacher Dan kaya ganun na lang ang kaba ko ng mga sandaling iyon, alam ko kasing sisirmunan na naman niya ako. Nakatingin kasi ito sa kinauupuan ko. "Miss Salcedo, sa faculty office after class" bungad niyang sabi sa akin. "At ngayong gising ka na inaasahan ko na makikinig ka sa lesson?"

Tango lang ang naisagot ko sa kanya ng mga sandaling iyon, hindi nga ako nagkamali ng iniisip, o talagang alam ko na sa sarili ko na sasabihin niya yun, hindi lang naman ngayon to nangyari marami nang pagkakataon.

"Friend kanina pa kita ginigising pero mukhang puyat na puyat ka talaga, kaya lumapit na si Sir Dan at kinalabit ka na" mahinang sabi ni Shane sa akin habamg kumwari ay nakikinig sa nagsasalita sa harap.

"Ah ganun ba?" Maang kong sagot sa kanya "Di na naman kasi ako makatulog ng maayos kagabi para kasing palaging may kung ano na nakapatong sa dibdib ko kaya hindi ako makahinga ng maayos kapag patulog na ako."

"Daisy kung ako sayo pa-check up ka na, baka mamaya may sakit ka na sa puso iba na yan girl promise" sabay taas ng kamay, tumingin ako sa harapan at nakita ko na may recitation palang nangyayari ng mga sandaling iyon.

Napuyat na naman kasi ako kagabi, napuyat ako hindi dahil nag-aral ako ng mga lesson kundi dahil umatake na naman ang paninikip ng dibdib ko, napapadalas na'to simula nang mawala si Daddy, Noong una iniisip dahil siguro sa sama ng loob na naramdaman ko ng mawala sya, pero ilang buwan na rin ang binibilang ng pag-atake nito tuwing gabi. Di naman ako makapagsabi kay Mama dahil palaging wala sa bahay, magkikita lang kami sa umaga minsan nag-uunahan pa kami sa pag-alis ng bahay. Pero iba yung kanina, nakokonsensya nga ako dahil sa mga sinabi ko sa kanya, pero maganda na rin siguro yun para naman mabawasan ang hinanakit sa dibdib ko.

°°°°°°°°°°°°

Papalabas na ako ng faculty room kung saan nilitis na naman ako ng teacher namin sa Math na si Sir Dan maging yung mga co-teacher niya nakisali rin akala mo mga magagaling na hindi nakagawa ng kasalanan noong estudyante pa sila.

Habang patuloy ako sa paglalakad ay may napansin ako sa di kalayuan kung saan ako kasalukuyang nakatayo tumigil muna kasi ako sa paglalakad dahil sa aking napansin mula sa gusali ng 3rd year student.

Mula roon ay napansin ko ang isang babae na tila may kung anong binabalak at ilang minuto pa lang ang nakakalipas mula nang makita ko sya sa ikaapat na palapag ng gusaling iyon ay ganun na lamang ang gulat ko nang makita ko sya na bigla tumalon mula sa kinatatayuan niya, ang sumunod na nangyari ay isang sigaw ang nangibabaw sa lahat dahilan para makakuha ako ng attensyon mula sa iba pang mga estudyante na naroon.

"Tara sumama kayo sa akin bilisan niyo may babaeng tumalon doon sa 3rd year building" balisa kong aya sa mga estudyanteng naroon, pero lahat sila ay parang walang narinig dahil ang lahat at bumalik sa kani kanilang ginagawa, ganun na ba kawalang pakialam ang estudyante dito ngayon, wala man lang silang pakialam sa nangyari doon sa tao.

Napansin kong may papalapit na estudyante sa kinaroroonan ko kaya agad ko siyang nilapitan at hinili papunta sa gusali kung saan tumalon yung babae, kailangan ko ng tulong sa mga oras na to, kukunti na lang kasi ang tao sa school dahil uwian na, at malamang wala na ring masyadong tao doon sa building kasi maaga silang pinauwi para sa special exam nila bukas, tago rin ang lugar na yun kaya bihira ang estudyante roon, pwera na lang kapag may pasok.

Agad kung hinila yung lalaki at gulat ito sa ginawa ko.

" Hoy!?? Ano to saan mo ako dadalhin ate??" Gulat niya tanong sa akin

"Sa may 3rd year building" mabilis kung sagot.

"Bakit anong mayroon doon??" Pagtatanong niya habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.

" May babaeng nagpakamatay doon, tumalon sya mula sa 4th floor"

"Hala bakit!??"

" Di ko rin alam, pero ganito na lang" pansamantala akong tumigil at binitawan sya " pumunta ka sa Guard house humingi ka ng tulong dali" utos ko sa kanya at agad naman ito sumunod at patakbo na nagpunta roon, ako naman ay mabilis na tumakbo papuntang Manuel Building pangalan ng building ng 3rd year.

Maraming nagtatanong sa isipan ko ng mga sandaling yun, Sino ang babaeng yun?? Bakit niya yun ginawa??. Tuloy lang ako sa pagtakbo at nang marating ko ang gusali, inilibot ko ang mga mata ko sa buong paligid pero isang nakakabinging katahimikan ang narinig ko wala man lang ingay mula sa mga nagkakagulong tao dahil sa insidente. May napansin akong babae na nakaupo sa may bench sa tapat ng building. Agad ko syang nilapitan at nagtanong,

"Ate may aksidente po bang nangyari rito??" Maang kung tanong sa kanya.

"Ano po? Anong aksidente??" Nakita ko sa mukha ng babaeng yun ang pagtataka sa itinanong ko sa kanya. "Kanina pa po ako rito pero wala naman kakaibang nangyari rito"

"Ganon ba!!" Sagot ko sa kanya at ngiti ang itinugon niya sa akin, muli sinuyod ng mga mata ko ang paligid at iilang mga estudyante lang nakita ko at wala naman kakaiba sa kanilang lahat, tumingin ako sa 4th floor ng building at wala rin akong makitang kakaiba, kaya pinasya ko na lang na lumabas na lang ng school.

Nakasalubong ko pa ang lalaking hiningan ko ng tulong noong papalabas na ako, sinabihan ko sya na pasensya na namalikmata lang ako walang babaeng tumalong mula sa building, humingi na lang ako ng pasensya dahil sa istorbo ganun din sa guard na naistorbo rin yata.

°°°°°°°°°°°

Isang babae ang tumayo mula sa matagal na pagkakaupo, napaka laki ng mga ngiti nito, habang patuloy ito sa paglalakad papalayo mula sa kanyang kinaroroonan ay unti-unti nagbabago ang korte ng mukha nito, ang dating makinis at maputing balat ay bigla na lang naging isang katakot takot na imahe, may malaki at malalim itong hiwa sa mukha at mula room ay patuloy ang pag-agos ng sariwang dugo ang mga mata nito ay pula at nanlilisik, iilan na lang rin ang ngipin nito, gulo gulo ang buhok, mayroon din itong malalalim na sugat sa ulo na patuloy rin sa pag-agos ng sariwang dugo papunta sa kanyang katawan. Tumigil ito sandali at tumingin sa kabuuan ng lugar, bigla itong tumawa ng napakalakas ang tinig nito ay lalong nagpahindik at nagbigay takot sa buong paligid..

"Di pa tapos ang lahat nagsisimula pa lang tayo"

Nandito na sya

FutureSelf.

Comment naman kayo.

ANG KWENTO NI MARIA LABOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon