5: Agam-agam

89 1 0
                                    


Di na nakatulog ng maayos si Daisy kagabi dahil sa dalawang bagay na naglalaro sa kanyang isipan, una ay ang nangyari panloloob sa bahay nila ng grupo ni Jomar na dating manliligaw ng mama niya, kahit na nakakulong na ang mga ito, at mas lalong humigpit ang security sa village na tinitirahan nila, di pa rin mawala sa isipan ng dalaga ang masalimoot na pangyayaring iyon. Ikalawa ay ang isang strange call na natanggap niya kagabi, Di niya mapaliwanag sa sarili na baka trip lang yun ng mga kaibigan, na gusto lang sya nitong takutin, o kaya pagtripan nga, basta nahihiwagaan sya sa tawag na iyon.

"Anak maaga ka bang uuwe?, para maipaghanda kita ng merienda!" Tanong nito sa anak na kasalukuyang inaayos ang upuang uupuan.

"Di po sure Ma! Pero tatawag na lang ako kung makakauwe ako agad after class." Tugon nito sa ina.

"Anak puyat ka ba? Namumugto ang mga mata mo, di ka ba nakatulog kagabi?" Sunod-sunod na tanong ni Myra sa anak, habang inilalapag ang mga nilutong ulam sa lamesa, mababakas kasi sa mga mata ng dalaga ang antok.

"Di po ako nakatulog kagabi, Ma!"

"Bakit naman? Wag mong sabihin sa akin na dahil yan sa nangyari noong nakaraang araw??" Usisa nito sa anak.

"Ganun na nga po Ma, at bukod doon, ay yung natanggap kong tawag kagabi, Ma nakakatakot yung tawag, humihingi sya ng tulong, sa tinig na boses niya ay para itong pinapahirapan" Kwento nito sa ina.
Batid ni Myra na di ordinaryong problema ang kinakaharap ng anak lalo't masyado pa itong bata para sa mga ganoong uri ng problema. Kaya naman nilapitan niya ito at niyakap mula sa likod.

"Anak, kalimutan mo na ang nangyari, alam kung mahirap pero, kung hindi natin susubukan mahihirapan talaga tayo, isipin mo na lang na nandito si Daddy ginagabayan tayo, kaya kalimutan mo na iyon anak, siguro may nagt-trip lang sa'yo kaya ka nila tinatawagan." Mahinahon nitong pangungumbinse sa anak. Tanging tango na lang ang isinagot ni Daisy sa ina at alam na nito kung ank man ang gustong ipakahulugan ng anak sa mga sinabi niya.

Nang matapos nang kumain ang mag-ina, agad na nagpaalam ang dalaga sa ina para pumasok na, dumating na rin kasi ang bus na maghahatid sa kanila sa Sonix.

Matapos ang ilang segundong biyahe papunta school, nakarating na ang school bus na sinasakyan ni Daisy sa harapan ng eskwela at mula sa gate ay kitang kita ni Daisy ang bulto ng mga estudyanteng papasok sa loob ng Sonix panibagong araw na naman ito para sa lahat, araw na kailangan na naman nilang mag-aral gawin ang lahat ng ipinapagawa mga instructor nila.

Pumasok na si Daisy sa loob at mula sa di kalayuan sa gate ay nakita niya ang classmate at school paper Editor-in-Chief na si Nathane, may kausap itong estudyante kaya di muna niya ito nabala, bagkus ay nagtuloy-tuloy na lang ito sa paglalakad papunta sa room nila, alam kasi niya kung gaano kabusy si Nathane lalo't ito pa ang inaasahan ng buong school tungkol sa issues mayroon ang buong campus.

Habang naglalakad ay narinig niyang may tumawag sa pangalan niya mula sa likuran, kaya agad niya itong nilingon at nakita niya mula sa di kalayuan si Jhen. Napaka-laki ng ngiti nito ng makita s'ya sa isip isip ng dalaga talagang mahal s'ya ng mga ito. Agad itong nagtatakbo papalapit sa kanya kaya naman tumigil muna sya sa paglalakad.

"Daisy, ano pa ba ang ginagawa mo rito, kanina ka pa hinahanap sa Session Hall" Agad na bungad na salita ni Jhen, kay Daisy.

"Ha!! sino at bakit?" Nagtatakang tugon sa kaibigan, ngunit para sumagot sa tanong niya ay bigla na lang s'yang hinila nito sa, at wala nang nagawa pa si Daisy kundi ang sundan ang humihila sa kanya. Man ng tanong ang isipan ano pa ba ang magagawa niya kundi sumama, palagay naman nito ay hindi sya ipapahamak nitong kaklase niya.

Itutuloy.

Sa mga Silent reader ko d'yan salamat. ☺ sana ipagpatuloy niyo lang. Samahan niyo na rin ng comment at vote. ☺☺

ANG KWENTO NI MARIA LABOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon