6: Revenge

112 3 1
                                    


Huling linggo na ito ng paghahanda ng Sonix Institute para sa kanilang Foundation Week, Biyernes kasi ngayon kaya busy ang lahat ng mag-aaral, Instructors, staff at iba. Sa bawat year level ay may kanya kanyang pakulo para sa yearly competition na may Tema ngayong taon na Variety Show, bawat araw ay isang Year lang ang magpe-perform hanggang sa matapos ang apat, kaya kabugan ang labanan dito, noong isang taon kasi muling naiuwe ng 3rd year ang Championship kaya inaabangan kung sa kanila pa rin ang swerte ngayong taon.

Di lang mga estudyante ang busy, kapag ganitong panahon, dahil hindi nagpapahuli ang kanilang Canteen sa paghahandog ng masasarap na pagkain para sa lahat. Lalo't ngayon taon ayon sa mga balita ay baka ma-Feature ang kanilang kainan sa TIME MAGAZINE dahil nga sa pambihirang pagkain na inihahain nito sa kanila. Halos lahat ng kilalang pagkain ng iba't-ibang bansa ay kaya lutuin ng international Chef. Miss Carla Amon.

Maingay ang kabuuan ng campus dahil sa samut saring tunog na maririnig mo dahil sa mga nagpa-practice ng sayaw, banda at kung ano ano pa. Wala kang makikita sa paligid na wala ginagawa lahat abala sa mga nakatukang gawain.

Sa kabilang banda abala rin ang isang nakakatakot na babae sa paghahasa ng mga kutsilyo nito sa isang tagong silid ng Sonix ang abandunadong lugar na di na masyadong pinupuntahan ng mga estusyante at maging mga maintenance ay di na rin masyadong nagagawi doon. Tanging ang babae na lang na ito ang palaging nandoon kasama ang naligaw na biktima.

Habang abala ito sa paghahasa ay patuloy naman sa pag-iyak ang isang sophomore student na naka-tali ang sarili sa isang bangko, nakabusal ito, gulo gulo ang buhok ay marumi na rin ang suot nitong puting uniporme, puno iyon ng putik at mga dugong tumutulo mula sa mga sugat sa kanyang mukha ay katawan.

Sandaling tumigil ang babae sa paghahasa ng kanyang kutsilyo, tumingin ito sa labas at mula roon ay kita ang napaka-taas na sikat ng araw, napakainit na nang panahon, dahil malapit na ang araw buwang ng summer, nag-iinit na rin ang babaeng ito na makapaghigante sa mga taong gumulo ng simple nilang buhay. Palatandaan nga ng galit nito ay ang panggigil nito sa hawak na kutsilyo, at nang makita ang reaksyong iyon ng estudyanteng kasalukuyan pa rin nakatali ay mas lalo itong nakaramdam ng takot, kaya naman nagpupumiglas ito sa kinauupuan, pilitin man niyang humingi ng tulong di niya iyon magawa dahil sa puro ungol lang ang lumalabas bibig niya.

Nakatawag iyon ng pansin sa babae kaya naman walang pag-aalinlangan nitong ibinato ang hawak na kutsilyo sa dalaga, tumama iyon sa ulo ng babae. Parang may sariling buhay ang kutsilyo dahil asintado nitong tinamaan ang kanang mata ng dalaga, dahil malakas ang pagkakahagis ay tagusan iyon, kasunod noon ay ang pag-agos ng sariwang dugo, para iyong gripo na patuloy lang sa pag-tulo. Nang makita iyon ng babae, walang pagsidlan ang sayang nararamdaman nito. Para itong baliw na ngingiti-ngiti sa nasasaksihan.

"Sige at magsaya lang kayo ngayon, di niyo alam kung anong pwedeng mangyari ano mang oras" mahinang usal nito sa sarili, habang nakatingin pa rin sa labas.

➡➡➡➡➡➡➡➡➡

Kasalukuyang nasa session hall ngayon si Daisy dito pala kasi ang place para sa mga graduating student kumbaga ito ang magsisilbi nilang lugar for preparation ng mga activity para sa foundation day.

Naikwento na rin niya ka Ashley ang nangyari maliban doon sa call at maging ito ay nagulat sa mga namgyari.

Nawala lang si Daisy ng isang araw sa school feeling niya ay napakarami na niyang na-miss na gawain, ang alam niya lang bago umabsent ay may foundation week na mangyayari, pero ngayon may kailangan pala siyang gawin kasama kasi sya sa grupo nina Jhen, Nathane, Thom, at Ashley para alamin ang history ng school. Kailangan nilang mag-research kapag ganito. Kailangan nilang alamin kung bakit naging Sonix ang eskwelahan nila. Bigla tuloy silang napaisip bakit nga ba di nila alam ang kwento ng paaralang pinapasukan nila.

Itutuloy.

▨Mga silent reader ko d'yan, paramdam na kayo. . Don't forget to Vote and Comment.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ANG KWENTO NI MARIA LABOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon