2: Neglect

179 2 0
                                    

Nagiisang bumbilya lamang ang nagbibigay liwanag sa isang tagong silid ng Sonix Institute, abandunado na ang lugar kaya kahit ang maintenance ay bihira na rin kong magawi sa lugar na ito.
Sa loob nito ay isang lalaking estudyante ang nakahiga sa mahabang mesa wala itong malay at nakatali ang buo nitong katawan sa mismong lamesa.

Walang kamalay malay ang lalaki sa nakaambang panganib sa buhay niya sa mga sandaling iyon wala pa rin itong malay. Sa loob din ng silid na iyon ay ang isang nilalang na abala sa pagsasaayos ng kanyang mga kagamitan dahil sa ano mang sandali ay sigurado siyang mababahiran na naman ito ng pulang likido mula sa taong nasa unahan.

Nang mawari na gumagalaw na ang studyante ay pansamanlata nitong itinigil ang ginagawa, tumigin sa labas at kitang kita nito ang bilog na bilog na buwan at gumihit sa mga labi nito ang isang nakakasindak na mga ngiti, ngiting naglalarawan na handa na ito sa ano man ang gagawin kapag tuluyan nang nagising ang kawawang biktima.

Unti unti kong inimulat ang mga mata ko, pinakiramdaman ang paligid, naramdaman kong nakahiga ako at napagtanto ko na nakatali ang katawan ko sa mismong bagay na hinihigaan ko, nagpupumiglas ako taranta man ay takot man ay buong tapang akong naglalaban sa taling nakapulupot sa akin, pero bali wala ito dahil sa sobrang higpit ng pagkakatali nito.
Ang huli kong natatandaan ay may isang babae ang humingi ng tulong sa akin at ang mga sumunod na nangyari ay di ko na alam.

"Mahigpit ba?" Agad akong napatingin sa pinagmulan ng boses, madilim man pero aninag ko ang may-ari ng tinig, habang kinikilatis ay laking gulat ko nang mapansin ang hawak niyang palakol sa kaliwang kamay at sa kanan naman ay isang timba.

"Sino ka, anong ginagawa ko dito? Anong kailangan mo sa akin? Pakawalan mo ako dito" sunod sunod kong sambit sa kanya nakakaramdam kasi ako na may mangyayari di maganda ngayon, ganito kasi ang mga eksena sa mga horror film na napapanood ko. Pero siguro naman di ito mangyayari sa akin.

"Kung ako sayo bata di na ako manlalaban isusuko ko na lang ang sarili ko" mapang-asar nitong sambit, habang patuloy siya sa paglakad papunta sa direksyon ko nakita ko ang nakakatakot na anyo nito isang itong babae na sira ang mukha, may malaki ito hiwa sa hukha ang mga mata naman nito ay pulang pula na animoy nakatira ng druga, may suot itong malaking itim na tela na nakabalot sa buo niyang katawan.

" TULONG.. TULONG.. may nakakarinig ba sa akin" buong lakas kong sigaw pero mukha wala talagang nakakarinig sa akin.

"Wag ka nang magpagod pa, kahit tawagin mo pa lahat ng santong kilala mo di ka na nila matutulungan" panunuya ng babae.

Ipinikit na lamang ng eatudyante sa mga mata, takot man ay alam niyang kahit papaano ay maiibsan ito nang taimtim niyang pagdarasal, nararamdam niya ang mga butil ng pawis na tulutulo mula sa noo niya, nangingig na sya sa takot dahil dama na niya ang katapusan muli niyang nimulat ang mga mata at laking gulat nito ng makita na buong pwersa na itinaga ng babae ang hawak na itak sa kanyang leeg.

Nagtalsikan ang sariwang dugo sa mukha ng babae pero di niya iyon alintana, gusto pa niya iyon. Dali dali nitong kinuha ang pugot na ulo ng lalaki, tinitigan niya ang mga mulat pa nitong mata at nagwika "kawawa ka naman nagsakripisyo ka ng buhay para sa kanila, di bali marami naman ang makikinabang sa'yo". Ipinasok niya iyon sa timbang dala at nilapag kinuha niya ang kutsilyo sa bulsa at walang anu't ano ay hiniwa nito ang tiyan ng studyante at inilabas mula roon ang mga lamang loob. Tuwang tuwa ito sa ginagawa di niya alintana ang malaking kasalanan ginawa, ipinagpatuloy lamang niya iyon at hanggang sa mapagpira-piraso na ang katawan nito.

➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡

Napabalikwas na lang si Daisy ng marinig ang isang napaka lakas na ingay na nagmula sa baba ng kanilang bahay, saglit itong tumingin sa suot na relo 2:47 na ng madaling araw at napansin niya na suot pa rin pala niya ang uniform na pamasok, binaliwala na lang nito ang narinig at muling humiga baka kasi ang mga alaga lang nilang pusa iyon naglalaro mga nucternal kasi ang mga pusa sa umaga tulog na tulog sa gabi doon sila gumagawa ng kung anu ano.

Pilit nitong ipinipikit ang mga mata para muling makatulog pero laking gulat niya nang marinig na naman niya ang ingay pero sa pagkakataong ito, sobrang lakas na nito at tila napakalapit lang sa kwarto niya.

Takot man ay lakas loob siyang tumayo at binuksan ang ilaw ng silid, dahan dahan niya binuksan ang silid at sumilip sa labas, wala naman siyang nakitang kakaiba mula roon napansin niya rin na bukas ang ilaw aa kwarto ng ina maging ang pinto kaya naman nagdesisyon siyang silipin iyon, di pa man nakakalapit ay may narinig siyang mga impit na hikbi mula sa loob hindi siya pwedeng magmamali boses iyon ng Ina kaya naman dahan dahan siyang naglakad palapit doon at nang makarating sa harapan ng pinto ay laking gulat niya ng makita ang ina na nakatali sa mismong kama nito nakabusal ang bibig at ang mas ikinabahala ko ay ang nakatutok na kutsilyo ng lalaking nakabonet takit ang mukha at ang kasama nitong abala sa paglimas ng mga mamahaling gamit ni Mama. Dalawa lang sila, at di ako tanga para di malaman ang motivo nila iyon ay ang magnakaw. Kaya naman dali dali akong tumakbo pabalik ng kwarto kailangan kong humingi ng tulong sa mga pulis, pero habang tumatakbo ay di ko sinasadyang masagi ang nakadisplay ba base malapit sa pinto ng kwarto ko dala na rin siguro ng taranta at takot. Nabasag iyon at nakakuha ng atensyon ng mga kawatan agad akong napatingin sa direkayon ng silid ni Mama at nakita ko na sumilip ang isa sa mga kawatan.
"Pare may tao" narinig kong sambit niya kaya naman mabilis akong pumasok sa silid ko at naglocked ng pinto, alam ko na di sapat iyon kaya iniharang ko sa pinto ang study table ko, matapos ay agad kung hinanap ang cellphone ko, hinanap ko ang sa phonebook ang police hotline at tinawagan iyon, ring lang ito ng ring mga ilang segundo pa ay may sumagot na.
"Hello Good Morning this Conception police station, ano pong kailangan nila" bungad ng police na kausap ko mula sa kabilang linya.

"Tulungan niyo po kami ng Mommy ko pinasok po kami ng magnanakaw" taranta kong sagot sa kanya.

"Ah ganun po ba Ma'am! Kalma po muna kayo! At sagutin niyo ang mga tanong ko" pagpapatuloy niya
"Nasaan po kayo ngayon?"

"Nasa bahay nga po!, ahhhm No.33 Shawn Village, bilisan niyo po" kasabay noon ang isang napakalakas ng hampas ng mula sa pinto ko ang pumaibabaw "Umalis na kayo wala kayong mapapala sa akin" Sigaw ko, takot pa naman ako sa mga ganitong sitwasyon, unang beses to kaya di ko alam ang gagawin, pero dapat maging matapang ako ngayon, naalala ko si Mama sa labas kamusta kaya sya sana nasa maayos na lagay siya ngayon. Nagpatuloy sila sa paghampas sa pinto ko at nang maramdaman kung mabubuksa na nila ay inilinga linga ko ang paningin sa kwarto kailangan akong makahanap ng armas nakita ko ang gitara ko wala na akong choice kundi ang gamitin iyon para makaligtas, nang tuluyan na nilang masira ang pinto ay tumambad sa akina ng isang lalaki na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin unti unti itong naglakad papalapit sa kinaroroonan ko malapit sa bintana napansi ko ang kasama niya na nakatayo sa pintuan, nang malapit na sya ay inihanda ko na ang sarili ko. "Wag kang lalapit" matapang kong sambit pero di ito natinag at layo pang binilisan ang paglalakad kaya buong lakas kong hinampas sa ulo niya ang gitarang hawak ko pero bali wala iyon, bigla niya hinila ang braso ko dahilan para mapalapit ako sa kanya kaya nagpupumiglas ako pero isang malakas na suntok mula sa puson ang ginawa ng kawatan kaya naman namilipit ako sa sakit at bumagsak sa sahig unti unti rin nalabo ang paningin ko pero bago ako mawalan ng malay ay narinig ko ang isang isaw ng pulis mula sa baba.

Itutuloy

VOTE
COMMENT

ANG KWENTO NI MARIA LABOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon