4: Mother's Love

115 1 0
                                    


Marahang inimulat ni Daisy ang mga mata. Masakit pa rin ang parting sinuntok noong lalaki kagabi, na naging dahilan ng pagkakatulog niya.

Napabalikwas ito sa pagkakahiga at doon niya nalaman na nasa ospital pala s'ya. Naisip niya ng mga sandaling iyon ang ina, ano kaya ang nangyari rito, sana naman ligtas ito mula sa mga nanloob sa kanilang bahay.

Agad siyang napatingin sa may pinto nang bigla itong bumukas, mula roon ay lumabas ang kanyang ina na may dala dalang tray ng pagkain.

"Oh! Gising ka na pala" bungad nito at ibinaba ang dalang tray sa side table ng kwarto.

"Kagigising ko lang po, kamusta po kayo Ma? Ayos lang ba kayo? Nakita ko po kasi na pinapahirapan kayo noong mga magnanakaw" nag-aalala nitong tanong sa Ina, kahit na naman na may may kinikimkim syang galit dito di niya pa rin maikakaila na magkadugo pa rin sila at ito ang dahil kung bakit sya nasa mundo ngayon.

"Ayos lang ako anak! Wag kang mag-alala kay Mama ang mahalaga ngayon sa akin ay ikaw, ikaw na lang ang naiwang alaala ng Papa mo kaya naman di ko mapapatawad ang sarili ko oras na napahamak ka pa, di ko na kakayanin pa yun anak, baka ikabaliw ko iyon" naluluha nitong sambit sa anak, "alam ko nagkulang ako nitong mga nakaraang araw,di kita nasusubaybayan sa mga ginagawa mo kaya naman patawarin mo si Mommy, naging makasarili ako, di ko naisip na may anak pala akong masasaktan kapag gumawa ako nang maling desisyon" pagpapatuloy nito, di na rin napigilan ni Daisy na maiyak dahil sa ginagawa ng ina, kaya naman para maibsan ang nadarama nitong sakit ay niyakap niya ito at hinihimas himas ang likuran nang Inang patulou pa rin sa luha.

"Ma, wala kang dapat ihingi ng tawad sa akin, nagselos lang ako, kaya ko nasabi yung mga salitang iyon, natatakot lang ako na mag-isa dahil alam kong mababaling ang attention niyo sa lalaking iyon, at Ma yung tungkol kay Daddy wag na kayong mag-alala di ko lang matanggap na wala na s'ya kaya kung sino-sino na lang ang sinisisi ko sa pagkamatay niya, mula ngayon magkasama na uli tayo, tulad ng dati na masayang hinaharap ang ano mang problema." Tuloy tuloy nito suhesyon sa ina. "May nadagdag nga lang!" Pagtatapos nito.

"Anak, sana mapatawad mo ako sa nangyari sa'yo!"

Takang taka si Daisy nang maribig ang mga salitang iyon mula sa ina, di niya maintindihan kong bakit kailangan pa nitong paulit ulit na humingi ng tawad sa kanya. Humiwalay muna sandali sa pagkakayakap si Myra sa anak, tiningnan niya ito mata sa mata, naisip niya na dapat lang na malaman nito ang totoong nangyari kagabi.

"Anak kasi kasalanan ko kung bakit ka nasa ospital ngayon kahit na di naman malala ang pinsala mo, masakit pa rin sa akin na ako ang dahilan kung bakit ka nandito"

"Ma, di ko po kayo maintindihan" litong sagot nito sa Ina.

"Anak yung mga nanloob sa atin kagabi, grupo yun ni Jomar" matapos niya iyong sabihin ay lalo itong napahagulgol ng iyak " Anak akala ko mabait siya,yun pala nagkamali ako, sana anak mapatawad mo si Mama sa nangyari" Umiiyak pa ring wika nito.

Nang marinig iyon ay muli niyang niyakap ang ina, pilit niya itong pinapakalma sa mga mabilis na pangyayari. Mabuti na lang at hanggat maaga pa ay nalaman niyo na ang totoo nitong kulay

"Mama di na mahalaga iyon, materyal na bagay lang iyon mapapalitan, ang pinakamahalaga ngayon ay ang makita kayong buhay, sapat na iyon para magdiwang tayo" walang ano-ano'y agad na kinuha ang pagkaing dala ng ina kanina, nagpasya sya na iyon na lang ang gawing celebratory food.

Masaya ang mag-ina na nilalantakan ang pagkain halatang na-miss nito ang dati nilang bonding magpamily. Di na mahalaga ang mga materyal na bagay ang mahalaga ay ang pamilyang handang magtulungan sa kahit ano mang bagay.

➡➡➡➡➡➡➡

Magtapos sa masayang usapan ang mag-ina, tanggap na nito ang mga maling nagawa sa nakaraan, nagkasundo ito na patuloy na susuportahan ang bawat isa sa ano mang, mga gagawin nila. Nagpasya na din si Mellisa na wag na lang patuluyin sa pag-alis ang anak papuntang Denmark para mag-aral, mas maganda na siguro na dito na lang nito ipagpatuloy ang pag-aaral.

Nagkasundo man ang dalawa di pa rin maitatago ng isang ina ang sakit na nararamdaman sa biglang pagkamatay ng anak. Si Aling Dolores ina ng lalaking pinaslang ang mismo nagkumpirma sa mga natagpuan parte ng katawan na ikinalat sa buong campus, ganun din ang mga nakitang mga gamit nito sa damuhan.

Naluluha ang Ginang dahil sa karumaldumal na sinapit ng anak sa kung sino man ang gumawa nito sa kanya. Napaka-bait nitong bata kaya naman hanggang ngayon di pa rin niya matanggap ang nangyari.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Sonix hinggil sa nangyari, Ayon sa pamunuan ng paaralan maging sila ay di makapaniwala sa nangyari, kaya naman lalo pa nilang paiigtingin ang seguridad sa paaralan, nagkabit din sila ng mga CCTV camera sa paligid para masubaubayan ang lahat ng kilos ng mga bata at tauhan ng Institute.

➡➡➡➡➡➡➡➡

Kasalukuyang naglalaro si Daisy sa kanyang cellphone na-discharge na kasi s'ya kanina, ilang oras matapos niyang magising. Habang patuloy ito sa pagdutdot sa cellphone ay biglang may unregister na number ang tumawag sa kanya nahihiwagaan man kung sino iyon, kaya pinindot na lang niya ang answer button para sagutin ang nasa kabilang linya, baka si Ashley ito at may mahalagang sasabihin sa kanya, hindi kasi s'ya nakapasok kanina,kaya baka nag-aalala ito sa kanya.

"Hello, sino po kayo?" Matipid nitong tanong, tahimik niyang pinakiramdaman ang nasa kabilang linya, pero di ito sumasagot kaya muli syang nagsalita para magtanong, ngunit wala pa rin syang natatanggap na kahit anong responce sa tumawag.

Paulit ulit ito sa pagtatanong pero wala talaga syang narinig na kahit na ano mang salita mula sa tumawag. Nagpasya na si Daisy na putulin ang tawag nang walang anu-ano ay bigla s'yang nakarinig ng isang matining na sigaw mula sa kabilang linya.

"TULONG....TULUNGAN NIYO AKO DITO, PARANG AWA NIYO NA." Mga salitang nagbigay ng takot sa kanya. Sa tono ng pagsasalita nito ay halatang takot na takot. Walang pagdadalawang isip na pinindot niya ang End Call button, at inilapag ang Cellphone sa side table ng kamang hinihigaan.

Huminga ng malalim si Daisy, maraming mga tanong ang bigla na lang pumasok sa isipan niya, nang marinig ang tinig ng tumawag. Muli niyang tinignan ang cellphone, na inapag sa lamesa. Nagisip ito ng malalim at siguro may nagt-trip lang sa kanya.

Itutuloy

Comments, Vote

FutureSelf

ANG KWENTO NI MARIA LABOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon