CHAPTER 1

1 0 0
                                    

CHAPTER 1

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo na nararamdaman ko, napahawak ako sa sentido ko at hinilot iyon, ang sakit pero hindi naman ako nilalagnat.

Tinignan ko ang oras sa orasan 4:30 palang pala pero gising na agad ako dahil sa sakit ng ulo ko, argh mukang kukulangin nanaman ako sa tulog.

Tumayo ako at agad na sinuot ang tsinelas kong pangbahay, hininaan ko ang aircon dahil masyadong malamig, niligpit ko muna ang study table ko bago humilata ulit sa kama.

"MAUREYA LOUISE ATIENZA! BUMABA KANA DYAN! ANONG ORAS NA! WALA KA NANG ORAS PARA MAKAKAIN AALIS NA TAYO!"

Agad akong napatayo sa sigaw na narinig ko kay mama, sigurado akong kanina pa ako nito tinatawag dahil bakas sa boses nya na galit na ito.

Ayaw pa naman nya na paulit ulit nya kaming tinatawag siguradong malalagot ako nito. Napasapok nalang ako sa noo ng makalimutan kong mag impake.

Mas lalo akong malalagot kay mama nito, bakit ba kasi ang tanga tanga ko, ilang beses ng pinaalala ni mama kahapon yun pero nawala padin sa isip ko argh.

"MAUREYA ISA! PAG HINDI KAPA LUMABAS DYAN!"

Dali dali akong lumabas at natagpuan ko si mama na nakapameywang sa hagdan, Yumuko ako at kinagat ang pang ibabang labi ko.

Lagot, sa dami ba naman ng makakalimutan ko, talagang ang mag impake pa, siguradong patay ako kay mama nito.

"Kunin na ang gamit mo at aalis na tayo." Nakataas ang kilay na sabi ni mama.

"M-mama hindi pa po ako nakakapag ayos ng gamit."

Iniwas ko ang tingin ko ng pinaningkitan ako ni mama ng mata, alam kong galit na galit na ito.

Ilang beses nyang pinaalala sakin ang pag aayos ng gamit pero nakalimutan ko padin, siguradong babad nanga ako sa pag rereview.

Kailangan kong magsumikap ngayon lalo na at college ako siguradong sandamakmak na sermon ang maririnig ko kay mama pag nalaman nya na hindi ako nag susumikap.

"Hindi ba't sinabi ko na sayo na mag ayos kana ng gamit mo maureya!"Halos mapatakip ako sa tenga sa sigaw ni mama.

"S-sorry ma mag aayos na po ako saglit lang!" Sabi ko kay mama at agad na tinalikuran sya at tumakbo papunta sa kwarto ko.

Mabilis naman akong kumilos upang ayusin ang mga gamit ko, naligo nadin ako saglit at syaka nag bihis siguradong nag uumusok na ang ilong ni mama sa sobrang tagal ko.

I was wearing a white jumper dress and violet t-shirt, at rubber shoes na puti, hindi naman kailangan na sobrang maporma ng damit na susuotin ko kasi lilipat lang kami.

Itinali ko ang buhok ko into bun, at syaka bumaba dala ang mga gamit ko, wala na sila mama kaya siguradong nasa labas na sila.

Pag labas ko ay sinasakay na nila mama ang mga gamit namin sa truck, at mabilis naman akong dumalo sakanila para ibigay ang gamit ko at ilagay dun.

Pagka-lagay ng lahat ng gamit namin doon ay umalis na agad kami medyo mahaba ang byahe kaya nakatulog ako pagka gising ko ay nasa harap na kami ng lilipatan namin.

Lumabas ako at sumalubong sakin ang isang babae na kausap ni mama ngayon, siguradong si tita annica ang kausap nito sa ngiti palang alam kong si tita annica na.

Lalampasan ko na sana sila upang kuhanin ang mga gamit ko ng tawagin ako ni mama.

"Maureya, batiin mo ang tita annica mo kanina kapa nito hinahanap." Sumenyas si mama na yakapin ko ito kaya ginawa ko.

A walk to remember(On going.)Where stories live. Discover now