CHAPTER 3

0 0 0
                                    

Nandito kami kila tita annica upang samahan si ezekiel kasi kinakabahan talaga si tita, si jairus naman ay nasa bahay na sigurado kong nag lalaro nanaman.

Si papa naman ay umalis, siguradong sa school ito pupunta dahil dala nya ang mga gamit nya sa pagiging teacher kanina.

Wala dito si tito na tatay ni ezekiel. Alam kong nag tratrabaho ito kaya hindi nako mag tataka kung wala sya dito.

Bigla akong nakaramdam ng uhaw kaya pumunta ako sa kusina upang kumuha ng tubig. Gusto ko sana ng juice kaso kailangan ko pang umuwi kung kukuha ako ng juice.

Pag pasok ko sa kusina. Natanaw ko na agad si ezekiel na nag sasalin ng tubig sa baso. Hahawakan nya na sana yung baso ng biglang mapatingin ito sakin.

Nakakunot noo akong nakatingin dito.

"Anong ginagawa–" Naputol ang sasabihin nya ng may marinig kaming nabasag na baso.

Napatakip ako at napapikit dahil sa ingay nito, natigilan ako ng nakitang yung hawak na baso ni ezekiel ang nabasag.

Tumingin ito sakin habang nakataas ang kilay. Tinignan ko ang mga mata nito para suriin kung anong nasa isip nya.

Bakit parang galit nanaman sakin ang ipis na ito? Wala naman akong ginagawa, sa katangahan nya kaya nabasag yang baso.

"Damn, ang malas mo talaga." Saad nya.

Parang kumulo ang dugo ko sa sinabi nito kaya, tinaasan ko sya ng kilay. Bakit parang kasalanan ko pa na tatanga tanga sya?

"A-ako?" Tinuro ko ang sarili ko.

"Sino pa ba?" Tanong nya

Gusto kong mag wala sa inis na nararamdaman ngayon. Argh bakit ba kasi sya pa ang naging anak ni tita annica.

Alam kong spoiled brat sya pero hindi ko naman alam na ganyan pala ang pag uugali nya. Parang laging ang init ng ulo, dinaig pa'ng nireregla.

"Kasalanan ko bang tatanga tanga ka?" Tanong ko pero ngumisi lang ang loko.

Argh, sa dami ng mamalasin ngayon ako pa?!, Bakit ba kasi kami lumipat dito.

Umalis nako sa kusina dahil nawala na ang pagka uhaw ko dahil sa lalaking yun, Talagang isinisi nya sakin ang pagkalaglag nung baso ah.

Ako malas? Baka sya, ang sarap sapakin ng pag mumuka nya, wala naman akong ginagawa sakanya pero parang kanina pa sya inis na inis sakin.

Tinignan ko ang lalaki nayun na ngayon ay lumalakad na papunta ng sala at nilagpasan ako, Hindi man lang ba sya marunong mag sorry sa sinabi nya?

Sabagay, isa nga pala syang hangal, spoiled brat.

"ARGH!"

Napahawak ako sa bibig ko ng tumingin silang dalawa sakin ni mama dahil sa lakas ng sigaw ko.

Tinignan ko si ezekiel na ngayon ay nagpipigil ng tawa kaya pinaningkitan ko ito ng mata, tinignan ko naman si mama na ngayon ay nakataas ang kilay.

Nasapok ko nalang ang sarili kong noo sa kahihiyan.

"M-ma uuwi muna po ako." Sabi ko kay mama at yumuko.

"Bakit, dito muna tayo habang hinihintay ang tita ann–" Pinutol ko ang sasabihin nya.

"Mag rereview pa kasi ako ma." Sabi ko.

Tumingin ito kay ezekiel, kaya napatingin din ako din, nanonood sya ng TV ngayon, argh pag nakikita ko ang muka nya feeling ko ako ang pinaka malas na babae.

"Dito ka nalang mag review, matalino si ezekiel pwede ka nyang–" Pinutol ko ulit ang sasabihin nya.

"Kaya kong mag review mag isa mama." Sabi ko.

A walk to remember(On going.)Where stories live. Discover now