Kathryn's POV
After 5 Years...
Tapos na ako ngayon ng college. At kung anu-anu pang kachecheburechehan na gagawin para ako na ang maghandle ng business namin dito sa Amerika.
Grabe hindi pala biro biro ang magmanage ng kumpanya.
For Dom and Paul, okay na kami. Sila na ngayon ang nagmamanage ng isang business namin sa Philippines.
Si bes?
Kasal na sila ni Kuya Diegs. Sayang nga eh. Hindi ako nakapunta.
Tapos, sila Ate Yen at Kuya Neil, andito narin. At president na si Kuya Neil ng kumpanya namin dito sa Amerika.
Si Ella at Aria nga pala, ayun. Kinasal nadin. Teka nga lang...bakit parang puro kasalan na lang? Si Kuya Neil at Ate Yen, next week ikakasal nadin tapos si Michelle at Dom ikakasal nadin next month. Pumunta pa talaga sila dito ah. Kaya babalik ako sa Pilipinas para pumunta sa kasal nila.Edi ako na ang OP!
Si DJ?
Wala na akong balita sa kanya. Nagbago na ako ng number at pinakiusapan ko sila bes na wag sasabihin kung nasan ako pati na ang ibang impormasyon tungkol sakin ngayon. Aminin ko man o hindi, alam ko sa sarili ko na namimiss ko na sya at hanggang ngayon eh mahal na mahal ko padin sya kahit na ganun na ang ginawa nya sakin. Pero mas okay narin to.
"HOY!"
"Ay anak ng tipaklong! Ano ba Albie! Wag mo nga akong ginugulat! Nakakainis ka naman eh!"
Eto nga pala si Albie. Boyfriend ko.
Yes. My Boyfriend.
Hindi ko sya mahal. Pero sya ang nagturo saking magmove on kahit konti lang. Hindi naman ako masamang tao na gumagamit ng mga tao para maging rebound at makamove-on. Bestfriend lang pati ang tingin ko dito noh. At alam naman nya yun. Wala kaming feelings sa isa't isa. Parang ako lang yung ginagamit nya para mapatunayan sa dad nya na he can settle down with one girl. Pero natakas padin yan noh!
"Oh galit ka nanaman baby?"
Baby.
Naalala ko tuloy kami ni Dj dati.
"Hindi. Pero mas magagalit ako pag di mo ako nilibre ng lunch!"
Tumawa sya at pumunta na kami sa isang restaurant. On our way papunta dun, may nakita akong isang pamilyar na...........................likod. At bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa excitement. Could it be? Binuksan ko yung bintana ko.
"Julia!!!"-tawag ko kay bes.
Lumingon naman sya.
"Bes!!!!"-tili naman nya. Nakapark na naman kami eh kaya bumaba na ako ng sasakyan at pumunta kay bes. Nagyakapan kami agad.
"Bes I miss you so much!!!"-sabi ko sa kanya.
"Talaga? Nakakainis ka! Di ka pumunta sa kasal ko! HMP!"
Tumawa na lang ako.
"Eto talaga. Tampururot agad."
Tumawa rin sya.
"Tara pasok na tayo ang init dito eh asan na pati yung...DIEGO! HOY ASAN KA NA HA?!"
"Eto na ako sweetheart!"
Bigla namang tumakbo si Kuya Diegs papunta samin na dala-dala yung bag ni Julia na pagkalaki-laki at sa kabilang kamay nya ay may payong.
"Bat ang tagal mo?! Siguro kausap mo yung babaeng finiflirt ka kanina noh?!"
Okay....edi ako na nakawitness ng LQ ngayon=___=
"Hindi naman nya ako finiflirt ano!"-sigaw ni Kuya Diego sa kanya.
"Ano? Sinisigawan mo na ako?"-teary eyed na sabi ni bes sa kanya.
?
Bat parang may iba kay bes ngayon? Parang masyado syang moody.
" Hindi naman sweetheart. Kaya lang naman kasi ako natagalan kasi kausap ko si Mama. Kinakamusta nya kasi tayo eh ano okay na?"-malumanay na sabi ni kuya Diegs sa kanya.
Ngumiti naman si bes.
"Okay na. Tara pasok na tayo!"
Nauna si Bes sa loob. Kinulbit naman ako ni Kuya Diegs.
"Kath ano bang nangyayari kay Julia ngayon? Parang last month lang ang sweet sweet pa nya sakin tapos bigla na lang naging ganyan."
"Huh? Panong ganyan?"
"Nagiging Maselan sya, moody sya tapos gusto nya lagi ng Melon. Pag hindi ko yun naibigay magagalit sya. Yung hindi nya ako kakausapin. Tapos pansin ko naging matakaw nadin sya. At napakamaselan nya sa amoy."
Maselan? Moody? Laging gusto ng melon?? Matakaw?
Hindi kaya.......NAGLILIHI!!!
Bigla akong napayakap kay kuya Diegs.
"EEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!"-tili ko tapos bumitaw na ako.
"Bakit?"
"Kuya buntis si bes!!! Oy Ninang ako ha?"-sabi ko sa kanya. Napatakbo naman agad sya sa loob at hinug si bes.
"Hoy! Anong nangyayari sayo? Umorder ka nga ng melon!"
"Sige ba. Kahit lahat ng melon bibilhin ko para sayo eh."
"Bakit?"
"Kasi buntis ka sweetheart! Buntis ka!"
Napayakap nadin si Bes kay kuya Diegs.
Haaay. Buti pa sila.
"Ay bes! Eto nga pala si Albie! Boyfriend ko."
Bigla namang natigilan yung dalawa. May nasabi ba akong mali???
"Excuse us"-sabi ni Julia.
Bigla nalang akong hinila ni Julia sa comfort room.
"Bakit?"-tanong ko.
"Anong bakit? 5 taon kang nawala 5 taon din tayong nagchachat ni hindi mo man lang sinabi na may boyfriend ka na?"
"Eh no strings attached naman eh! We are just Bestfriends noh! At para rin samin to."
Biglang nanlaki yung mata nya.
"OMG! No strings attached? Bestfriends? Para sainyo? Don't tell me you're......................FRIENDS WITH BENEFITS???!!!"
o____________o
"Anong friends with benefits? Hindi noh! Para rin to samin kasi sya, kailangan nya to para maprove sa dad nya na matino sya at ako kailangan ko to para magmove............on"
Napayuko ako. Naalala ko nanaman lahat. Niyakap lang ako ni bes.
"Mahal mo padin talaga sya noh?"-tanong sakin ni Bes. Tuwing naaalala ko lahat ng nangyari dati, sya at lalo na kung gano ko sya kamahal. Napapaiyak ako. Kaya ngayon, ayan napaiyak na ako.
"Sobra..."
***
Asan na kaya si DJ? Gusto nyo po bang malaman ang nangyari kay DJ? Edi basahin nyo po ito and............
VOTE. COMMENT. BE MY FAN.
=)
BINABASA MO ANG
My Teacher's Girl [Editing]
FanfictionKathryn Bernardo.....nerd for a reason. She's an heiress. Kaya naman hangga't maaga ay prineprepare sya ng mga magulang nya. She wants them to be proud of her kaya ang pagpaparty? Itinigil na at ang glasses? Isinuot na. Now there's Professor Daniel...