||CHAPTER 3||
"SPECIAL CHAPTER"
[-Kathryn's POV-]
"Hoy, ateng, anong nangyayari sayo?"
"Ha?"
"Okay ka lang? Kanina ka pa tumatawa jan." Sabi nung bago naming maid. Ah yun ba? Natatawa lang kasi ako sa mga nangyari kahapon. Hahaha. Parang ewan lang eh noh?
Ngayon ay wala akong contacts. Nakaglasses ako kasi ayoko talaga magcontacts.
"Bahala ka nga jan. May gagawin pa ako."
Bakit? Pinagstay ba kita dito? Hmp.
Pero teka........let's refresh my memory. Why did I become a nerd? Eh mayaman at maganda naman ako? (Chos!) Diba? Pero simula pa lang, hindi na talaga ako nasagot. Back then, malinaw pa ang paningin ko at ginagamot ko talaga ang pimples ko.
Simula pa lang, anti social na ako kaya lang nang may mangyaring aksidente, ayun. Naging weird na ako nung college at naging panget na.
---FLASHBACK---
"WHOOOOO! PARTY!" sigaw ni Julia at ininom ang shot sa kamay nya.
"Bes, tama na nga yan! Magdadrive ka pa."
"So? Alam mo, why don't you enjoy yourself nadin? Hindi yang nagiinarte ka jan. Hay nako!"
Iba na ang amoy nya. I hate it. Ngayon lang ako nakapunta sa party at ang dami nang pumoporma sakin. One guy even tried to kiss me.
"Bes! Twelve na! Lampas na ako sa curfew ko. Si Mamita, nasa bahay. Can we please go home now?""Nanjan din ba yung pinsan mo sa bahay mo? Can you tell him I never want to see him again? Leche. Pagbigyan mo na ako. Kalahi mo naman ang nanakit sakin."
Who can imagine a campus sweetheart talking like this? I just witnessed it.
"Bes! Uuwi na tayo o uutusan ko syang sunduin tayo? Pumili ka nga!" galit na sabi ko sa kanya. Oo nasaktan sya pero sana isipin nyang ihahatid pa nya ako.
"Tss. Kj ka talaga. Sige na nga!" iba na ang pananalita at lakad nya.
"Bes, lasing ka na. Sige. Tatawagan ko na lang si Manong."
"NO! I'm not drunk. Wag mong tawagan ang pinsan mo please?"
"But-"
"KATH! Kung kaibigan kita then stop hurting me! Let's go." sabi nya at hinila na ako sa kotse nya. Sino bang nagsabing tatawagan ko si Kuya eh nasa probinsya yun?
Pagewang gewang na ang pagdadrive nya.
Uh-oh, this ain't good.
"Juls, uhm..........inom ka muna ng kape?"
"NO! Hindi non matatanggal ang sakit na nararamdaman ko!"
"JULIA!"
*boogsh*
Ang huli kong naalala ay ang pagbangga namin sa puno then after that, nagblack out na ako.
"Pero min.....hindi sya magiging karapat dapat na magmana ng lahat ng pinaghirapan natin kung party at shopping lang ang ginagawa nya at kung walang lamang aral ang utak nya"
Kay mamita ang unang boses na narinig ko.
"Mama, hindi ganon si Kathryn!"
"Ah talaga? Hindi yun ang nakikita ko. Isasama ko sya sa amerika pag hindi pa sya nagbago."---END OF FLASHBACK---
"Hoy Chandria!"
Natabig ko yung kinakain ko at nabubo ito sa sahig. Tss.
"Yaya! Nanggugulat ka!"
"Anong nanggugulat? Kanina pa kita tinatawag! Ano bang problema mo?"
"Pagod lang po.""Bakit ang unti ng kain mo ngayon?"
"Lagi naman po eh."
Yan si yaya, parang nanay ko na yan kaya wag na kayong magtaka sa asta nya.
"Mm! Nga pala, uuwi na mga kuya mo. Dito na sila mag-aaral."
"Bakit?"
"Nakick out ata o nagdrop out? Ewan. Teka, di ka ba excited?"
"HINDI! Ang gugulo kaya nung mga yun! Teka, san daw sila magsestay?"
Nagshrug si Yaya. "San pa? Edi dito. Nagpapagawa pa sila ng bahay nila. Biglaan eh."
"WHAT?! Kelan ang uwi nila at bakit ngayon ko lang to nalaman yaya?"
"Kasi nga biglaan! At ang uwi nila? Ngayon na."
"Ha?"
"Bro, di ba sabi nila ito daw ang pinakamatalino nating pinsan?" Narinig ko sa likod ko.
"Well bro, hindi nila namention na ito ang pinakaengot nating pinsan. Nalimutan ata." nakarinig ako ng tawanan.
Lumingon ako at agad na nagpunta sa likod ni yaya sa sobrang gulat.
"AKYAT-BAHAY! ATE JIGS! MANANG! KUYA MACOY! MAY AKYAT-BAHAY! AAAAAAAAAAAAAAH!"
"HOY!" Natigilan ako sa pagsigaw dahil sinigawan nila ako pareho.
"Anong akyat bahay eh nasa unang palapag lang kami?" sabi nung isa.
"Saka hindi mo ba kami natatandaan?"
"Ha?"
"Naku bro, ito din ang pinakamalilimutin nating pinsan."
"Pinsan?" tanong ko.
"At ang pinakaslow nating pinsan! Hahaha!" Nag-apir pa sila pero sala naman. Nagsapukan lang sila sa ulo. Napahalukipkip ako. WTH?
"Tama na bro, magpakilala na tayo."
Nagstep forward sila. Pinsan ko daw sila kaya ako, nagstep forward din.
"Ako to, si Kuya Chong. Tanda mo pa?"
"Chong?" tanong ko. "Kuya ENCHONG?"
"At ikaw si..........KUYA NEIL! Ang kambal kong pinsan na hindi magkamukha! OMG! Anong masamang hangin ang nagdala sainyo dito?"
"Wow grabe ah. Ang ganda ng greeting samin." sabi ni Kuya Neil.
"Hindi mo kami namiss?"
"HINDI. Obvious ba? Kuya, akyat na kayo. Alam ko Jet lag kayo."
"Tinataboy mo na kami? Hala. Saka anong jetlag eh hindi naman kailangang mageroplano para makapunta kami dito?" sabi ni Kuya Neil. Inirapan ko na lang si kuya.
"Teka, asan si.......?" tanong ni Kuya Enchong. Napatingin ako sa kanya. Kilala ko na ang tinutukoy nya.
Si Julia. Tinatanong nya kung asan si Julia. Lagi naman. Nagshrug na lang ako bago sya hilahin paakyat ni Kuya Neil.
*
Si Kuya Diego Bernardo po ay si Kuya Enchong Bernardo na. I changed it.
BINABASA MO ANG
My Teacher's Girl [Editing]
FanfictionKathryn Bernardo.....nerd for a reason. She's an heiress. Kaya naman hangga't maaga ay prineprepare sya ng mga magulang nya. She wants them to be proud of her kaya ang pagpaparty? Itinigil na at ang glasses? Isinuot na. Now there's Professor Daniel...