<Chapter 5>||"Just give me a Reason"

1.9K 18 1
                                    

|| CHAPTER 5 ||

"Just Give Me A Reason"

[-Kathryn's POV-]

Sunday.....

Si mommy at daddy, babalik na. SOON. And because of it, abala ang mga katulong sa paglilinis ng buong bahay namin. Kaya wala akong kasama pagsimba.

Niyaya ko na lang si Julia since hindi naman kami masyadong nagkakasama since busy na sya being Diego's girlfriend and ako naman, busy din sa studying lalo na't pahirap ng pahirap ang college as time goes by.

Kadarating lang ni Ate Yen, ang pinsan nya na friend ko nadin eversince I was a kid. Kinailangan nya lang umalis kasi nag-migrate ang parents nya sa states. Nagbabakasyon lang sya dito sa Pilipinas.

"Kath! May boyfriend ka na?" tanong sakin ni Ate Yen. Ngumiti ako at umiling.

"Yan? Magkakaboyfriend? Eh ako nga lang ang kaibigan nya sobrang pagkaanti-social nyan eh."

"Hindi naman. Hindi ko lang feel."

"Tss. Speaking of boyfriend. Bakit hindi na sweet sakin si Diegs? Ni hindi na sya nagrereply sa texts ko. Hindi na nga sya makatingin sakin eh."

"Pano, maya't maya mo tinetext." sabi ko at tumawa. Napailing na lang ako.

Nagkwentuhan pa kami hanggang sa makarating na kami sa simbahan. At oh gosh. Pag itong dalawa talaga ang pinagsama, jusmeyo.

Hindi ako makaconcentrate. Napakaingay nila. Hagikhikang hagikhikan sila habang ako na nasa gitna ay hiyang hiya na sa mga tao sa paligid namin. Ang sama na ng tingin nila.

Sinaway na kami nung madre pero tuloy padin sila sa pagboboy hunting.

Geez.

Natapos ang misa.

"Kayo talagang dalawa! Hindi kayo marunong mamili ng lugar! Gah! Nakakahiya!" pinapagalitan ko sila habang papunta kami sa kotse.

"Sorry po nanay." natatawang sabi ni Julia.

"Di na po mauulit." sabi ni Ate Yen.

Napailing na lang ako.

"Juls! Teka! Gosh! May isa pang cutie oh!" at nagtitili na si Ate Yen. Malapit na kami sa kotse at napalingon kaming lahat sa itinuro ni Ate Yen. "Sayang lang, taken na sya."

Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Julia. Mas malaki ang mata nya at parang hindi na makahinga.

At lalong nag-init ang ulo ko nung nakita kong umiyak sya.

Yes, I am anti-social. But when it comes to my bestfriend at pag nag-init ang ulo ko, hindi naman ako pahina hinang manok!

Huminga ako ng malalim at lumapit kay Diego. Nakangiti sya sa babaeng kausap nya na hinalikan nya pa sa pisngi at kaholding hands nya.

Nung nakalapit na ako, sinapak ko sya sa mukha at napatayo naman sila.

My Teacher's Girl [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon