Chapter 18-His Other Side

1.1K 9 1
                                    

Heyow powz!^____^

I hope Ü lïkë dis chappie:)

***

Daniel's POV

Andito ako ngayon sa bar. Inom lang ako ng inom ng kung ano ano. Wala na akong muwang sa mga nangyayari sa paligid ko. Basta ang nasaisip ko lang ngayon...si Kathryn.

Naaalala ko noong una kaming nagkita...

[FLASHBACK]

Naglalakad ako sa school namin. Amin to. Nagtataka kayo kung bakit teacher ang trabaho ko ngayon? Kasi gusto ni Dad na magsimula ako sa pinakamababa. Parang sya lang dati.

Libot lang ako ng libot hanggang sa maligaw ako.

Hala! Eh wala pa namang katao-tao dito! Baka malate pa naman ako sa klase ko! Kabago-bago ko late agad?

May nakita akong isang babaeng naglalakad. Anong klaseng babae ba ito? Nakanerdy glasses na malaki, medyo magulo ang buhok, nakarubber shoes, maong pants at longsleeves na hanggang elbows.

Ang tipo ko kasi, yung naka-dress or yung medyo girly. Parang si Mich--Never Mind.

Sinundan ko na lang sya. Bigla naman syang tumalikod.

"Kuya sinusundan mo ba ako? Bully ka nanaman ba? Pwede tigilan nyo na ako?! Hindi ko na kayo inaanu ah! Nananahimik lang ako dito!"-sigaw nya sakin.

Teka teka...mukha ba akong bully?! Yung mukha kong to mukhang bully?! Ibig sabihin, napagkamalan nya akong isa sa mga estudyante dito? Edi...mukha padin pala akong bata? Hahaha! Joke lang!

"Hindi kita sinusundan. Hindi ako bully. Bagong professor ako dito. Ganyan ba ang mga estudyante dito? Akala ko matitino sila? Eh bakit may bully? Anong last period mo?"

Para namang nahiya sya bigla. Namula kasi sya eh. Ang cute nya pag namumula! Hahaha! Di katulad ni Mich--Never Mind.

"Ah eh cencia na po. Math po last period ko. Ako nga po pala si Kathryn Bernardo. Uhm...kayo po?"

Napaisip ako.

Kathryn Bernardo...baka naman kapangalan lang sya nung sinasabi ni Enrique. Kasi Kathryn Chandria Bernardo daw yun eh.

"ah sabay na tayo. Ako pala prof. mo eh. Tara na!!! Professor Dee ang itawag mo sakin."

I think I like her. Mali. I like her.

[END OF FLASHBACK]

Ininom ko ulit yung bote ng beer. Ang sakit isipin na noon eh pursigido akong manalo ang puso nya at saktan sya para sa condo at kotse. Para naman mapatunayan ko kay dad na kaya kong bumili ng mga ganon sa kakarampot na sweldo ko dati.

Bakit naman kasi may lecheng "Dapat magsimula sa pinakamababa bago maharap ang tagumpay" na kasabihan?

Leche! Aanhin ko ang eskwelahan kung wala naman sya sa buhay ko? Aanhin ko ang papuri ni dad at ng lahat ng tao kung malungkot naman sya at alam kong nasasaktan padin sya dahil sakin?

Napasubsob na lang ako.

Sana maibalik ko lahat sa dati. Hindi ko na kayang mabuhay ng wala sya. Gusto kong makasama sya habang-buhay. Gusto kong makasama sya sa bawat tagumpay ko. At gusto kong makita nya lahat ito.

Matagal ko nang alam na andito sya sa Amerika. Pero naisipan ko lang syang sundan nang malaman ko kay Julia na mahal padin ako ni Kath.

Pero ano naman kung mahal parin nya ako? Kung pagod naman na sya sa pagmamahal sakin?

Walang kwenta=___=

Dati, ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako iiyak dahil sa babae, na hindi ako magpapaapekto dahil sa babae at na hindi ako magpapakalasing o magpapakabaliw nang dahil sa lalaki.

Kaya madali akong nakamove-on kay Michelle nun. Pero iba pa tong kay Kath. Hindi ko nga alam kung anong ikinaiba nito eh.

"Hey! Need some company?"

Napaangat ako ng ulo dun. Nakita ko si Kath. Sinundan ako ni Kath?

"Kath..."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nahalikan ko sya. Miss na miss ko na sya eh.

Tinulak naman nya ako at sinampal.

"Hindi ako si Kath noh! At mas lalong hindi ako cheap na pwede mong halikan na lang!"

Napayuko ako.

Hindi pala si Kath yun. Iba pala.

Bigla na lang akong napasuka.

Hindi ko na alam ang mga sunod na pangyayari.

***

After a year...

"Hello bhie...ya...okay...i'll be there in 5 minutes. Medyo natraffic lang kasi ako eh...okay basta wag mo lang bubusugin sarili mo ha? Pakakainin pa kita ng maraming pagmamahal!...Corny ka dyan! Kinilig ka lang eh...hahaha...osige...bye...I love you too!"

Leche naman tong traffic na to! Di ko tuloy masundo si Zharm.

Si Zharm ang aking girlfriend. Oo sya may angal kayo? Susunduin ko sya sa airport ngayon kasi naayos na yung papers nya at pwede na syang makauwi sa Pilipinas.

Isa syang vocalist ng isang banda. Nakilala ko sya sa bar kung san ako naglasing noon at nahalikan ko sya. Nagsorry naman ako at sabi nya okay lang daw yun.

Naging bestfriend ko sya. Sya yung laging andyan para iuwi ako, alalayan ako at punasan ang suka ko. Minahal ko si Zharm. Pero aminin ko man o hindi...mas mahal ko padin si Kathryn. Hindi magbabago yun. Rebound man sya, ipapadama ko parin sa kanya ang pagmamahal ko.

Pero iisa padin talaga ang laman nito...

Sorry Kath...But I have to forget you...forget us...and forget our memories together...

My Teacher's Girl [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon