|| Chapter 1 ||
"Boy Meets Girl"
[-Kathryn's POV-]
Kathryn Chandria Bernardo. I used to be a nerd, geek and a wallflower na laging binubully. Well, not until he came into my life at pinakita nya sakin kung anong pakiramdam nang makalaya sa shell ko.
Time passes by and now, after eight years, I'm officially married to him.
Every time na naaalala ko yung mga panahong yun, hindi ako nalulungkot. Wala din akong gustong baguhin. Lahat yun para sakin ay meant to be.
Parang kami lang.
---
June 31, 2006Setting: School
Simple lang ako. Hindi ako magara. Kuntento na ako sa t-shirt, jeans at glasses na laging outfit ko. So yeah....simple lang ako at walang masyadong nagyayari sa buhay ko-except dun sa times na nabubully ako. Yun lang ata bukod sa pag-aaral ang nmangyayari sakin dito.
Ang bestfriend ko?
Si Julia. Sya yung laging nagtatanggol sakin pag binubully ako. Unlike me, sya yung maganda, palangiti, mabango, maputi at matangkad. Hindi man sya ganon katalino, tanggap naman sya ng lahat. Ako ba? Nerd na hindi nagsusuklay at nag-aayos, matalino pero mas gusto ko pang malaman ang ebolusyon ng langgam kesa makipag-socialize sa iba.
For short, isa akong quality defect.
Pero unlike her na sobrang concious, ako, wala akong pakialam sa sinasabi ng iba at hinahayaan ko na lang silang ibully ako. Someday, titigil din sila at mapapagod. At walang point mainggit sa bestfriend ko kasi friends kami.
Nauna na sa classroom si Julia. May inasikaso pa kasi ako sa library para sa thesis ko eh. At ngayon, pupunta na nga ako sa last subject ko for this day. None other than my favorite subject............................Math!
Forte ko ang Math. As in mahal na mahal ko talaga sya. Nung highschool, naging valedictorian ako dahil sa Math.
Room 219 ang Math. Third floor ng Business Ad Building. At ngayon, nasa ground floor palang ako, nagwiwish na makaabot sa klase.
At-teka nga. Parang kanina pa sumusunod sakin tong lalaking to ah?
Hinarap ko sya. Tumigil din naman sya. Naglakad ako at nilagpasan sya. At ayun. Sinusundan nanaman ako. Umakyat ako sa third floor. Umakyat din sya. Kahit sa fourth floor, ganun padin. Tapos bumaba ako, bumaba din sya.
Hay naku.....look who's here. Another bully of mine. Trip nya ako ngayon kaya wag pansinin.
"Teka nga, Miss." sabi nung lalaki at hinawakan nya ako sa braso pero tinanggal namin agad kasi para akong nakuryente. Mali. Pareho pala kaming parang nakuryente.
Pumikit ako at humingang malalim at nagmulat ulit.
"Kuya please, tama na. Late na ako okay? Kung gusto mong mantrip, next time na lang." Sabi ko at tinalikuran na sya pero hinarap nya ulit ako nakakunot ang noo nya.
Nakakaiyak. Helpless nanaman ako. Wala pa mandin ang bestfriend ko. Ano namang gagawin nito sakin? Itatapon sa basurahan? Papaliguin sa ulan?
Bigla namang lumambot ang expression nya at may pinahid sa pisngi ko. Kanina, naiiyak lang ako at ngayon ay umiiyak na pala talaga ako. Lumayo ako sa kanya at pinahid ang mga luha ko at inayos ang sarili ko.
"Tama na po okay? May klase pa ako at ayokong malate dahil lang sayo."
"What are you talking about? Hindi kita sasaktan okay?" Huminga sya ng malalim. "Sorry natakot pa kita. Hindi ko kasi alam kung san yung....yung classroom ko."
Nakahinga naman ako ng maluwag nun.
So hindi sya bully. Good.
"Ano bang room number mo?" tanong ko.
May kinuha sya sa bulsa. Papel ito na ang hula ko, dun nakasulat ang room number.
"Two......Hundred......Nineteen? Oo. 219."
"Ay, sakto. Magkaklase pa yata tayo. Bago ka ba dito? Nakakahiya. Hindi ka pa ata nabigyan ng directions kasi sobrang busy ng office sa pagdating ng anak ng may-ari ng school. Tara na." nagsimula na kaming maglakad.
"Talaga?"
"Oo. At alam mo ba? Magiging bagong prof daw natin yun? Hmp. Ano kayang itsura nun? Baka mas malaki at makapal pa ang salamin kesa sa salamin ko ah. At baka may braces pa hanggang ngayon!"
Tumawa sya. "Pano mo naman nasabi ha?" Tanong nya.
"Hula ko lang. Balita ko pa, pinatapon daw dito para magtino." sagot ko.
"Really? Hay.......miss. Sorry pala ah. Hindi ko agad sinabi." Tumawa sya at napatigil naman kami. "I'm your new professor. Don't worry. Wala akong braces or salaming ganyan kakapal. Okay?"
Napanganga ako don.
N-N-N-New P-professor? Ng Math?
Matagal bago ko naabsorb na sya ang bago kong professor, at wala na sya sa paningin ko. That means....
LATE NA AKO!!!
BINABASA MO ANG
My Teacher's Girl [Editing]
FanfictionKathryn Bernardo.....nerd for a reason. She's an heiress. Kaya naman hangga't maaga ay prineprepare sya ng mga magulang nya. She wants them to be proud of her kaya ang pagpaparty? Itinigil na at ang glasses? Isinuot na. Now there's Professor Daniel...