|| CHAPTER 2 ||
(Part 2)
"The Plan"
[-KATH'S POV-]
Wala akong makita. Bwiset kasi sa bahay. Si manang, namamalengke. Si Ate Jigs, naggro-grocery. Si Yaya, naglalaba sa likod ng bahay. At yung bago naming katulong, nagplaplantsa habang nakaearphones. Yung boy namin? Nakikipaglandian sa bagong katulong. yung driver, off ngayon.
Kaya ako ang lumabas.
At sa kasamaang palad..........
.....nahulog ang salamin ko. Pawisan kasi ako gawa ng pinapatay ko ang aircon ng buong bahay para makatipid tas naglinis ako ng kwarto ko. Kaya dumulas ang salamin habang natakbo ako.
At naapakan ko pa.
Ngayon, kasama ko na si Sir Padilla. Kung san kami pupunta? Hindi ko din alam.
"Baba." Narinig ko. Kinapa ko yung seatbelt ko at nung natanggal ko na, hindi ko nahawakan ang belt kaya tumalsik ito at napatama sa tabi ng kotse.
"Shit. Bulag nga pala. Sorry. Teka sandali." naramdaman kong may inayos sya tas binuksan ang pinto nya. Maya-maya, naramdaman kong may nagbukas na sa pinto ko.
"Oh." Tapos hinawakan nya yung kamay ko. "Baba na."
Hinawakan nya yung kamay ko. Okay, sige. Marami na akong experiences noong highschool ng hawakan ng kamay. At kinilig din ako sa mga crush ko non pag hinahawakan nila ang kamay ko.
Pero.......tsk. Nevermind.
"Uhm....nasan ba tayo sir?"
"Watch and learn-ay mali. Learn na lang. Bulag ka nga pala." Inalalayan nya akong tumayo. Nauntog pa ako pero hindi naman masakit kaya ayos lang. "Ay sorry. Dahan-dahan kasi."
Hawak nya ako sa kamay at yung isa naman, nasa bewang ko. Grabe. Blurry lang naman paningin ko pero hindi naman ako bulag na bulag! Paulit-ulit pa kanina eh.
"Oh, sir! Ang aga mo ata ngayon."
Napatingin ako dun sa nagsalita. Ang nakikita ko lang ay longsleeves na puti at black slacks tapos may nakapatong sa ulo nya at parang may hawak syang black na kung ano.
Security guard? Ata.
"Goodmorning rin. Nanjan na ba sila?"
"Opo. Iniintay na po kayo."
"Good." pagkasabi nya nan, dumerecho na sya at naglakad lakad. Syempre, inaalalayan na nya ako. Tapos, naramdaman kong may binuksan syang pinto.
Teka.....bakit amoy......amoy gamot?
"Nasa drugstore ba tayo sir?"
BINABASA MO ANG
My Teacher's Girl [Editing]
FanfictionKathryn Bernardo.....nerd for a reason. She's an heiress. Kaya naman hangga't maaga ay prineprepare sya ng mga magulang nya. She wants them to be proud of her kaya ang pagpaparty? Itinigil na at ang glasses? Isinuot na. Now there's Professor Daniel...