Chapter 1

43 28 52
                                    

NATALIA'S POINT OF VIEW

"Miss Natalia Dixon!"

I fixed my things after my name was called. Kinakabahan ako dahil baka hindi ko ma-impress ang mga interviewers, although may tiwala naman ako sa sarili ko. I glanced at my compact mirror for the last time before following the staff to where it may lead us.

"Please come in," the staff invited me kaya pumasok na ako sa room. I pressed my lips together when I saw the interviewers. Tatlo sila at mababakas sa mukha nila ang pagiging strikto. I walked slowly towards the chair in front of them.

Hindi ko maiwasang kilatisin sila isa-isa. Ang nasa gitnang upuan ay isang nerd, I could say it because of his thick, black-framed glasses. Idagdag pa na tinatakpan nito ang kalahating mukha ng interviewer.

Ang nasa left-side ay isang babae na sa tantiya ko ay sa mid 30s pero mababakas pa rin ang kagandahan nito. Nakasalamin rin ito ngunit isa lamang itong fashion glass.

Lastly, ang nasa right side ay naka-casual wear lang. Why? It should be formal right?  Sinisira lang niya ang atmosphere. He is good looking, but he's not my type.

"Take a seat, Miss Dizon." I obliged.

"Introduce yourself," magiliw na sabi ng nasa gitna in which I didn't expected. I thought, even their voice may sound scary as they look, but I was wrong. Maybe, I am too judgemental a while ago.

"My name is Natalia Dizon from Baguio City. I graduated from Northern College of Arts and Design last May 2020."

I ended my short introduction there. They were quiet as if they are not impressed by my introduction. Nakatingin lamang sila sa isang folder, na sa tingin ko ay ang resume ko. After a couple of minutes, one of them looked up and asked me.

"How do you view yourself as an employee of our company?"

I was silent for a couple of seconds to contemplate and organize my ideas.

"I viewed myself as a life-long trainee, willing to learn new things and lessons, while mastering the skills I have to perform. Being an employee is a long process no matter what position are we in. New learnings comes every day so I need to listen to other people because I believe that there are things that I can learn from them."

I felt relieved when I saw how the interviewers were slightly nodding their head. Sana na-impress ko sila. Gustong gusto ko talagang magtrabaho sa company na ito. First year pa lamang ako ay dito na ang pangarap kong pagtrabahu-an. I just can't believe that here I am, sitting infront of these judges from DC Design.

"Can we have your design?"

I immediately take the three folders in my bag and distributed it to each one of the interviewers. Binuklat nila ito. Wala akong makitang reaction sa kanila kaya kinabahan ako. Hindi kaya nila nagustohan ang gawa ako?

Pagkatapos ng ilan pang minuto ay nag-angat na ng tingin ang tatlong interviewers. Nagkatinginan silang tatlo na para bang nag-uusap sa pamamagitan ng kanilang mga mata.

I hope they were impressed by my design. I can't afford to disappoint them. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag hindi ako natanggap sa kompanyang ito.

I saw them nodding at each other which made my hopes high.

"Well, Miss Dixon, we were impressed by your design. Actually, it's better than we expected from a freshly graduate," commented the lady among the thorns. Tumango-tango rin ang dalawa pa niyang kasama kaya sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon.

"Thank you," nahihiyang pagpapasalamat ko. I am overwhelmed by their praises.

"You will start on Monday. So, take a good rest this weekend and see you on Monday."

Tumayo ako at lumapit para makipagkamay sa kanila. They accepted my hand happy and shake it with enthusiasm. Now, I fulfilled one of my dreams, it is to enter DC Design as an employee.

Yumuko ako sa harapan nila bilang pagpapahiwatig ng pagpapaalam bago ako lumabas ng silid. I happily picked my phone in my pocket to call my boyfriend and to tell him the good news today.

"Hello," sabi ko sa kabilang linya no'ng sagutin ni Kyler ang tawag ko. But, it was quiet on the other line. This is not how Kyler answers my call.

"Hello? Kyler? Nandiyan ka ba? Bakit hindi ka sumasagot?" Nag-aalalang tanong ko.

"Baby."

Napakunot ang noo ko nang marinig ang garagal nitong boses.

"May sakit ka ba Kyler? Bakit gayan ang boses mo?" Malakas na tanong ko without minding the people around me. Tumingin ako sa paligid at nakitang marami palang naktingin sa akin. I walked faster to the entrance.

I take a sit on one of the benches in front of the building para maka-usap ko nang husto ang boyfriend ko.

"I am just having a cold," sagot ni Kyler kaya mas lalo akong nag-alala.

"May kasama ka ba diyan?" I asked. Whenever Kyler is sick, even with the slightest illness, kailangan ay may kasama siya dahil talagang bibigay ang katawan niya.

"I'm alone," he answered which made me alarmed. I'm freaking out right now because I don't know how to help my boyfriend.

"I'll call my brother to look after you," I said. They are neighbors, so it would be safe if Nathan will check on him.

Ibababa ko na sana ang tawag nang magsalita siya ulit.

"I'm fine baby. I have taken my medicine, so I'm sure I'll be fine later."

I heaved a deep sight.

"Matulog ka na lang muna. Call me when you wake up. I'll call Nathan to cook for you, bye."

Pinatay ko na ang tawag dahil alam kong kukulitin na naman ako ni Kyler. I search for Nathan's phone number and dialed it.

"Oh? Ano na naman?" Inis nitong tanong. Alam kong may hangover na naman siya.

"Ipagluto mo nga si Kyler o kaya ay mag-order ka ng porridge para sa kaniya. May sakit kasi siya," inis na paki-usap ko.

"Wow! Can you be more sweeter? Kapatid mo ako at boyfriend mo lang siya, tsk!" Angil niya. I rolled my eyes in annoyance. Hindi ba puwedeng gawin niya na lang? Madami pa siyang satsat, parang bakla. Hmp!

"Kaya nga, kapatid lang kita. Mas importante si Kyler kesa sa'yo. Gets?" Inis na sabi ko.

"Tsk! Sige na! Mamaya na, maliligo lang ako!" sigaw niya saka ako nakarinig ng kalabog bago namatay ang tawag. I giggled because I know that he threw his phone.

Nathan is five years older than me, pero kapag umasta ay parang bata kaya minsan ay sinasabi nilang ako daw ang ate. Sinuwerte naman ang isang iyon dahil biniyayaan siya ng baby face. Iyon lang naman ang lamang niya sa akin. Tsk!

Tumayo na ako at naglakad para umuwi. Kailangan kong maghanda para unang araw ko sa Lunes. Excited na kasi akong magtrabaho. Sana marami akong maging kaibigan doon.

—_—_—_—_—_—_—_—_—_—_—

This is my first official book on Wattpad. I hope I could finish this within the month.

Thank you for reading. Please feel free to correct me if there's something wrong in my grammar. I'm barely knowledgeable in speaking English.

A Wedding Planner's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon