Chapter 5

7 3 9
                                    


NATALIA'S POV

Pagkatapos ng lunch ay dumeretso kami ni Lassy sa conference hall. Parang alam na alam naman ni Lassy ang pasikot-sikot dito sa kompanya kaya hindi na nahirapan at naligaw.

Pagpasok namin ay konti pa ang mga tao. May limang minuto pa bago magsimula ang meeting. Umupo kami sa isa sa mga bakanteng upuan. Sinigurado kong malapit kami sa harap para rinig na rinig kung ano man ang pag-uusapan ngayon.

Ang conference hall ay hindi gaanong malawak ngunit kompleto sa gamit. Mula sa projector hanggang sa speakers. May isang oblong na kahoy na lamesa sa gitna ng hall. Sa tantiya ko ay nasa limampung upuan ang nakapalibot sa lamesa. At bawat upuan ay may microphone sa harap nila.

Isa isang nagsipasukan ang mga kasali sa meeting. Huling pumasok si Miss Hans at isa pang lalaki na hindi ko kilala.

"Good afternoon everyone," bati sa amin ni Miss Hans.

"Good afternoon," bati rin namin.

"Bago natin umpisahan ang meeting ay ipapakilala ko muna ang bagong kasamahan natin. Si Miss Lassy Campbell," pagbaggit niya sa pangalan ni Lassy. Tumayo ito at kumaway-kaway. "At si Natalia Dixon," banggit ni Miss Hans sa pangalan ko. Tumayo ako at yumuko sa kanila bilang pagbati.

"So, ang pag-uusapan natin ngayon ay ang dalawang VVIP na clients natin. Unfortunately, magkasabay ang schedule ng dalawa kaya kailangan nating mahati sa dalawang grupo," pagpapaliwanag ni Miss Hans. Napuno ng sari-sariling diskusyon ang hall kaya tumigil muna si Miss Hans sa pagsasalita.

"I know that it's a bit hard on your own part because maybe, the assigned work for you may not be your forte, but it's time for you to go out from your comfort zone," pagpapatuloy ni Miss Hans.

Kung tutuusin ay napakarami namin sa isang grupo. Maaaring may labing-lima o dalawampung miyembro kada grupo.

"Para fair, I have made a draw lots, 1 & 2 to choose your team mates." I winagayway ni Miss Hans ang isang wooden box. Kulay itim ito na may white linings sa bawat gilid. Naipakita rin ang medyo makipot na butas. Paano na lang ang mga matataba ang mga kamay ng iba? Napahagikhik ako sa aking iniisip. Napatingin si Lassy sa akin na nagtataka. Napakibit-balikat na lamang ako.

Nagsimula na ang bunutan. Nang kami na ay sabay kami ni Lassy na tumayo at naglakad papunta sa harapan ngunit nauna ako sa pila. Hindi ko muna binuksan ang papel na hawak ko.

"Tara na," anyaya ni Lassy sa akin. Hinintay ko kasi siya para sabay kaming bumalik sa upuan namin. Nang maka-upo na kami ay binuksan ako ang hawak kong maliit na papel at gano'n din si Lassy. Sabay naming ipinakita ang papel. Nakakalungkot lang dahil hindi kami magka-grupo. Pero okay lang.

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na rin ang bunutan. Nang makaupo na ang lahat ay nagsalitang muli si Miss Hans.

"Group 1 will work for Mr. Garson and Ms. Urdaneta and group 2 will work for Mr. Frank and Ms. Davis. Find your pair from your group and design a wedding plan to be submitted in three days then we will decide which plan will be followed. Any questions?"

Tahimik ang hall. Walang nagsalita or nagtaas ng kamay.

"Kung gano'n ay maaari na kayong pumunta sa sari-sarili niyong grupo. Meeting adjourned!"

Lumabas na si Miss Hans at kami-kami na lang ang natitira sa loob. Nanatili kaming naka-upo ni Lassy dahil wala naman kaming kilala sa crowd.

Lumapit sa amin ang isang balingkinitang babae at tinanong kami, "anong grupo kayo?"

"Group 1 ako," Lassy said while showing her paper

"Group 2," simpleng usal ko.

"Sumama ka sa akin," sabi ng babae habang nakatingin sa kin. "Lapitan mo lang ang lalaking naka-yellow na iyon. Kagrupo mo siya," usal ng babae kay Lassy.

Nagkatinginan muna kami ni Lassy bago maghiwalay. Well, first day of work would be tough for us. Sumama na ako sa babae papunta sa grupo namin.

Sa bilang ko ay nasa dalawampu't isa ang kagrupo ko. Tahimik lang ako sa gilid at nakikinig sa kanilang pag-uusap. Nakatabi pa rin sa akin ang babaeng nagdala rito sa akin.

"Natalia right?" Nagulat ako nag kausapin ako ng katabi ko.

"Uhm, oo," nahihiyang sagot ko.

"Ako pala si Faye. Sa sound system ako," pakilala niya. Tumango lang ako at tinganggap ang kamay niyang nakalahad.

"Hindi ka pala salita ano?" Tanong nu Faye.

"Bago lang kasi ako kaya medyo nahihiya pa," sagot ko at nakinig muli sa usapan ng mga kasama namin.

"Dahil hindi naman lahat sa atin ay available araw-araw, gagawa ako ng Group Chat para at least, ang ibang hindi makakasama ay informed pa rin sa mga pinag-usapan," malakas na anunsiyo ng isang babaeng matangkad at maganda. Mahaba ang buhok niya na kapag naiilawan ay nagkukulay-brown.

"Pa-add na lang ako sa facebook, Salude Bartolome," dagdag niya pa. Kinuha ako ang cellphone ko at nagtipa upang i-search ang pangalan niya pero hindi ko alam kung alin sa napakadaming match search ang account niya.

"Iyang naka-yellow," turo ni Faye. Tumingin ako sa kaniya at nginitihan niya lang ako. Tinap ko na ang account ni Salude at nag-send na ako ng friend request.

"Pakisulat na lang sa notebook na ito ang pangalan ng accounts niyo para mass madali sa pag-add."

Mula sa harap ay nagsimula na ang pagsusulat. Nang kami na ay kukunin ko na sana ang ang notebook at ballpen nang hablutin ito ni Faye. Gulat akong tumingin sa kaniya.

"Ako na ang magsusulat," usal niya habang naka-peace sign. Ngumiti lang ako nang alanganin.

"Ano ang last name mo ulit?" Tanong ni Faye, matapos niyang isulat ang first name ko.

"Dixon," sagot ko. Nang matapos niyang isulat ang pangalan namin ay ipinaabot niya ito sa nasa harapan namin.

"Kakaiba ang last name mo ah. Foreigner kayo?" Tanong ulit ni Faye. Parang wala na siyang ginawa kun'di ang magtanong.

"Ang daddy ko lang," simpleng sagot ko.

"E'di mayaman kayo?" Isang tanong pa ulit.

"Sila lang," maikling sagot ko.

"Ah," tanging usal ni Faye bago tumahimik. Hay, mabuti naman.

Bumigat ang pakiramdam ko nang maalala ko ang nangyari noon na siyang dahilan kung bakit humiwalay ako sa pamilya ngayon.

—_—_—_—
04/09/2022

Ang tagal na walang update hehe. Medyo nagfo-focus muna ako sa His Perfect Taste kaya pagpasensiyahan niyo na 😁.

A Wedding Planner's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon