Chapter 6

7 2 2
                                    


NATALIA'S POV

<Flashback>

"Natalia!" Sigaw ni mommy nang makita niya akong bitbit ang dalawang maleta ko. Aalis na ako ngayon dahil sa malakas na pagtutol nila sa pakikipagrelasyon ko kay John.

"Talaga bang sira na ang utak mo at hindi ka na makapag-isip nang maayos?" galit na usal ni daddy habang pinipigilan siya ni mommy na makalapit sa akin dahil talagang sasaktan niya ako.

"Dad, mahal ko si John at hindi ko hahayaang masira ang relasyon namin dahil lang ipinagkasundo niniyo ako sa iba," umiiyak na sabi ko. Wala na ako pagpipilian kun'di ang umalis na lang. Hindi rin lang naman nila ako naiintindihan. Ang mahalaga lang sa kanila ang ikabubuti ng kompanya na kaya nilang ibenta ang anak nila para lang madagdagan ang yaman nila.

"Anong kalokohan na naman ito, Natty?"

Tumingin ako kay ate na kararating lang. Una niya akong dinaluhan bago tinapunan ng tingin ang mga magulang namin.

"Mom? Dad?" tanong ni ate na walang naiintindihan sa nangyayari.

"Pagsabihan mo iyang kapatid mo, Naria!" sigaw ni daddy na halos kita na ang mga ugat nito sa leeg at noo.

Bumalik ako sa aking ulirat nang maramdaman ang pagtapik sa aking balikat.

"Natulala ka na diyan," usal ni Faye. Tumingin ako sa paligid at konti na lang ang mga tao dito sa conference hall.

"Nauna na sila," dagdag ni Faye. Inilibot ko ang paningin ko dahil hindi ko makita si Lassy. Umalis na hindi man lang niya ako hinintay? Bumagsak ang balikat ko dahil mag-isa na naman ako.

"Iyong kasama mo nauna na. Hindi ka niya maka-usap kanina dahil tulala ka. Magme-meeting daw sila." Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Akala ko ay iniwan na niya ako dahil may bakita na siyang bagong kaibigan.

"Tara na," anyaya sa akin ni Faye na tinanguan ko lang. Bumalik kami sa department office namin para kunin ang mga gamit namin at nang maka-uwi na.

"Saan ka ba?" Tanong ni Faye. Parehas kaming nakatayo sa harapan ng building habang naghihintay ng taxi.

"Sa Southville ako," sagot ko.

"Talaga? Saan doon? Doon din ako nakatira," masayang usal ni Faye.

"Sa pinaka dulo ang bahay ko, malapit sa playground," dagdag pa niya.

"Sa harap ko ng mini forest park," tanging usal ko.

May papalapit na taxi kaya mabilis naming itinaas ang kamay namin ni Faye para parahin ito ngunit may biglang pumaradang itim na Fortuner sa harapan namin kaya hindi kami napansin. Parehas kaming nagkatinginan ni Faye at saka sumimangot.

"Talia!" Tumingin ako sa sasakyan sa harapan namin dahil sa sigaw. Nakita kong kumakaway mula sa passenger's seat ng sasakyan si Lassy, kumaway rin ako pabalik habang si Faye ay ngingiti-ngiti lang.

"Saan kayo?" Tanong ni Lassy.

"Sa Southville." Si Faye na ang sumagot.

"Sakto, madaraanan namin ang subdivision niniyo. Sabay na kayo sa amin," pag-aanyaya ni Lassy. Nagkatinginan muna kami ni Faye. Ngumiti ito at nauna nang pumasok sa sasakyan. Wala akong nagawa kun'di ang sumunod na lang.

Papasok pa lang ako nang makaramdam ako ng pagiging hindi komportable. Hindi ko sinasadyang dumako ang mga mata ko sa driver's seat at laking gulat ko nang makitang si Darcus iyon. Salubong ang makakapal nitong kilay na parang ayaw niya akong pasakayin sa sasakyan kaya nakayuko lamang ako sa pintuan.

"Huwag mo na siyang pansinin, Talia. Pumasok ka na lang." Napatingin ako sa likod nang may magsalita. Ngumiti ako nang alanganin kay Luther bago nagpatuloy sa pagpasok. Naka-upo na si Faye sa second seat. Uupo na sana ako sa tabi niya nang higitin ni Luther ang pulsuan ko tumingin ako sa kaniya. Tinapik na ang bakanteng upuan sa tabi niya.

Dumako muli ang aking mga mata sa harapan. Bigla na lang akong napa-upo dahil sa talim ng mga mata ni Darcus. Bakit kaya palagi siyang ganiyan? Parang may galit siya sa akin.

"I feel you," bulong ng katabi ko na ikinataka ko.

"Hindi ko rin alam kung bakit ang ganiyan ang mukha niyan. Tinanong ko nga si mommy kung ano ang pinaglihian kay Darcus, clown naman daw. Baka palaging nakasimangot 'yung clown," pagpapaliwanag ni Luther.

"Bakit mo ba nalalaman ang iniisip ko?" bulong ko sa kaniya.

"Ganito kasi iyan," pagsisimula niya. Nagkuwento niya ng nagkuwento na hindi ko alam kung may konek pa ba sa tanong ko. Kalalaking tao, eh ang daldal.

"Kaya ayon, naging kambal kami." Natapos ang pagsasalita nito na nakasimangot. Hindi ko namalayang napangiti na pala ako dahil ka-cute-an ni Luther.

"Hoy, bitaw." Ang tapik sa kamay ko ang nagpabalik sa akin sa aking ulirat. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakapisil ang mga kamay ko sa magkabilang pisngi ni Luther. Agad kong inalis ang kamay ko at bumaling sa kabila. Nakakahiya ka, Natalia.

Huminto ang sasakyan sa harap ng malaking gate nakasara. Automatic ito sa mga residente sa subdivision. Kapag malapit na ang sasakyan ay kaagad na nagbubukas ang gate dahil sa sensor na ikinabit sa sasakyan at sa gate. Pati rin ang daraanan ng tao. Ii-scan lang ang iyong mata at nagbubukas ang gate para sa tao. Kaya kahit walang guwardiya ay safe ang subdivision.

Automatikong bumukas ang pimto ng sasakyan. Nauna nang bumaba si Faye. Tatayo na sana ako upang lumabas nang maramdaman ko ang isang hawak sa pulsuan ko kaya napatingin ako kay Luther.

"Ibigay mo sa akin ang number mo," nagpapa-cute na hiling niya.

"Ah." Akidente ulit akong napatingin sa harapan at mula sa rear view ay kita ko ang mga nanlilisik na mata ni Darcus. Bigla akong kinilabutan kaya malakas kong hinila ang kamay ko at lumabas na. Automatikong nagsara rin ang pinto.

"Bye, see you tomorrow," paalam ni Lassy habang kumakaway sa amin. Magsalita na sana ako nang biglang humarurot ang sasakyan. Problema no'n?

"May galit yata sa 'yo si boss," pang-aasar ni Faye. Hindi ko siya pinansin at tumingala na ako sa sensor scan ng gate. Bumukas ito at papasok sana ako nang may mapagtanto ako.

"Boss?" tanong ko.

"Oo, hindi ba nila sinabi sa iyo na si Darcus Lucris Vinocci ang CEO ng DC Design?" takang tanong pabalik ni Faye. Umiling ako.

"Now you know," nakangising usal niya at naunang naglakad, pero bago siya makapasok ay nag-alarm ang gate. Tumingala si Faye sa scanner bago makapasok na ng tuluyan.

—_—_—_—-
04/27/2022

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Wedding Planner's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon