NATALIA'S POV"Let's go first, miss," akay sa akin no'ng nagngangalang Georgia. Tumango ako pero hindi maalis ang tingin ko sa pinto na nilabasan ni Lassy at ang humigit sa kaniya. Bumalik si Amelyn sa kaniyang ginagawa kanina.
"Sino 'yung humigit sa kasama ko kanina?" Hindi ko na mapigilang tanong kay Georgia habang kinikilayan niya ako.
"Hindi ko alam. Ngayon ko lang siya nakita," sagot nito na ikinakunot ng noo ko. Ano kaya ang relationship nila ni Lassy?
"Hindi ko nga rin alam," sabi ni Georgia na ipinagtataka ko.
"Ha?" Usal ko na ikinahagikhik nito.
"Ang lakas mo kasi bumulong," sagot niya na ikinatawa namin. Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na si Georgia sa paglalagay ng make-up sa mukha ko at pag-aayos ng buhok ko. Inakay ako nito palabas ng dressing room papunta malapit sa photo shoot area.
"I will be taking a formal or business pose, a casual, close
-up pose, and a whole body picture," paliwanang ng photographer. Tumatango-tango ako bilang pahiwatig na naiintindihan ko ang sinasabi niya.Pumwesto na ako sa platform at ginawa ang ini-uutos ng photographer. Pagkatapos ng ilang shots ay natapos na rin kami.
"Halika dito Miss Dixon," anyaya sa akin ni Georgia kaya lumapit ako sa kaniya.
"Pumili ka dito kung alin ang gusto mo. Well, hindi ko pala alam na photogenic ka. Lahat ng kuha mo ay perpekto," komento nito kaya medyo nahiya ako.
"Hindi naman. Magaling lang talaga ang photographer," kontra ko at saka ngumiti ng matipid, pero sa loob-loob ko ay nagbubunyi ang damdamin ko.
Pagkatapos kong pumili ay inihatid ako ni Georgia sa labasan at sakto namang nakasalubong namin sina Lassy at ang lalaki kanina. Hindi ko sinasadya pero bigla na lang dumako ang tingin ko sa lalaki. Nakatingin ito sa akin ngunit nang magtama ang mga mata namin ay kaagad itong umirap.
Kumunot ang noo ko dahil doon. Bakit naman niya ako iirapan? May problema ba ito sa akin? Umirap din ako, ngunit sa kasamaang palad ay nakita ito ng lalaki. Nakataas ang kilay nito habang matalim nakatitig sa akin na akala mo ay gusto akong lamunin ng buhay.
Kinabahan ako dahil doon kaya sumiksik ako sa gilid ni Georgia. Tumingin ako kay Lassy dahil hindi siya nagsasalita. Pansin ko na umiyak ito dahil may bakas ng mascara na kumalat sa gilid ng mata niya.
"Let's talk later," serysong sabi ni ng lalaki kay Lassy bago ito umalis. Kaagad akong lumapit kay Lassy.
"Puwede bang hintayin mo ako?" Paki-usap ni Lassy na kaagad ko namang tinanguan. Inakay ni Georgia si Lassy patungo sa dressing room. Pagkatapos kasi ng photo shoot ay ihahtid kami sa department namin.
Umupo ako sa isa sa mga benches na naroon sa gilid. Kinuha ko ang cellphone ko upang mag-scroll sa Instagram.
I saw Kyler's post with a caption,
"nailed it." I reacted immediately and commented, "good job, baby. Now go home and take a rest." But he didn't replied at all. Ilang minuto lang niyang ipi-nost. Baka busy?"Natalia?" May tumawag sa pangalan ko kaya lumingon ako.
"Tara na?" Tanong ni Lassy kaya tumango ako bilang pagsangayon. Tumayo ako at nagsimula na kaming maglakad.
"Can I just call you Talia? Your name is too long," hiling ni Lassy. Ngumiti ako sa kaniya.
"Ha? Mahaba ba? Sige, puwede naman," sinangayonan ko ang hiling niya.
"Okay," masaya niyang sabi.
Naghihintay sa labas ng HR department si Miss Jerlyn. Ngumiti kaagad siya nang makita kami.
"Now, I'll bring you to your department. Please follow me this way," iminuwestra na ang kamay niya sa mga elevators. Nauna na itong naglakad kaya sumunod kami.
Mabuti na lang at may bakanteng elevator. Kung hindi ay kailangan pa naming maghintay. Pumasok na kami ng elevator at nakita ko ang pagpindot ni Miss Jerlyn ng ten, maaaring sa 10th floor ang department namin.
Pagkatapos ng dalawang minuto ay nakarating na kami sa paroroonan namin. May mga nakasabayan kami kanina kaya medyo natagalan ang pag-akyat namin.
Iginiya kami ni Miss Jerlyn sa opisina ng magiging manager namin. Kumatok muna siya bago pinihin at sedura ng glass door.
"Good morning Ma'am Hans. Sila po ang new employee ng department niyo," sabi ni Miss Jerlyn. Nag-angat ng tingin ang babae. Medyo nagulat ako dahil isa siya sa mga nag-interview sa akin noon. Ngumiti ito nang dumako ang paningin niya sa amin.
"You may go now, Jerlyn. I'll take care from here," marahang usal ni Ma'am Hans which is I didn't expected again. It's different from her tone during the interview.
"Take a seat," utos niya sa amin na kaagad naming sinunod.
"It's good to see you again, Miss Dixon," nakangiting sabi ni Miss Hans. Tumayo siya at inilahad ang kamay sa akin. Tumayo rin ako at kaagad na tinanggap ang kamay niya.
"Welcome, Miss Dixon. It will be nice working with you," masayang sabi ni Miss Hans. Natuwa ako ng husto dahil doon.
"Thank you po, Miss Hans. I'm looking forward to work with you," masaya ring sabi ko. Bumaling siya kay Lassy.
"And you are?" Tanong ni Miss Hans kay Lassy. Tumayo si Lassy at nagpakilala.
"Hello Miss Hans. I am Lassy Campbell. I was recruited by the boss."
Wow! Ang lakas siguro ng kapit niya sa boss dito.
Hindi ko mapigilang mamangha dahil doon sa sinabi ni Lassy. Dumami pa tuloy ang mga katanungan sa isip ko.
"Oh yes! I have heard so much about you. How's New York?" Tanong ni Miss Hans.
"It's fine ma'am. Medyo mahigpit ang schedule ko, but I was forced to join you because I'm getting married here," magalang na sagot ni Lassy. Mas lalo pa akong namamangha dahil sa mga nalalaman ko tungkol sa kaniya.
"Is that so. Then congrats on you upcoming wedding and best wishes," usal ni Miss Hans.
"Thank you," pagpapasalamat ni Lassy pero mababakas sa mukha nito ang lungkot. Bakit kaya?
Lumabas kami ng office ni Miss Hans. Magtatanong na sana ako kay Lassy nang may nakabangga ako.
"Talia!" Sigaw ni Lassy nang matumba ako. Lumabas si Miss Hans upang tingnan kung ano ang nangyayari.
"Oh! I'm sorry! I'm so sorry," paumanhin no'ng nakabangga sa akin at tinulungan niya akong tumayo. Kaagad naman akong dibaluhan ni Lassy at ni Miss Hans.
"Are you okay?" Sabay na tanong ng dalawa.
"I-I'm fine," sagot ko pero nakaramdam ako ng konting pagkahilo. Ini-angat ko ang tingin ko sa lalaki na nakabunggo sa akin. Bigla akong natulala dahil para akong nakakita ng anghel. Biglang nawala ang ang kirot na nararamdaman ko mula sa pagkakabagsak ko.
"Hey there little miss babe," usal ng lalaki kaya mas lalo akong natulala dahil ang ganda at napakalalim ng boses niya.
O Diyos ko! Hindi naman siguro ako magkakasala kung pupurihin ko man ang napakagandang nilalang sa harapan ko.
Kyler, ikaw pa rin naman ang mahal ko pero mapapatawad mo naman siguro ako kung magkakaroon ako ng konting paghanga sa taong ito.
The next thing I knew. My whole world was succumbed by darkness.
—__—__—__—__—__—__—
02/01/2022May Kyler ka na Talia. Huwag nang lumandi ha?
Who's that drop dead, good-looking Adonis?
BINABASA MO ANG
A Wedding Planner's Tale
RomanceNatalia Dixon is a freshly graduate of an Arts related degree. She was a top student with good credentials that's why many companies has offered her a job with a promising future, but her heart was wishing for DC Design, a very well known company al...