Chapter 4

9 8 4
                                    


NATALIA'S POV

"Aba! Hindi ko kasalanang nahimatay siya dahil sa kakisigan ko. Pero hindi ko iyon itatanggi."

"Tsk! Nahimatay siya dahil sa kapangitan mo!"

"Tsk! Kung pangit ako, mas pangit si Darcus! Hmp!"

"Why am I included on your shits?"

Bigla akong nagising dahil sa huling boses na narinig ko. Napakalamig no'n at parang nanunuot sa kaibuturan ko.

"Talia!" Sigaw ni Lassy kaya napatakip ako ng tainga.

"Ops! Sorry. Excited lang ako dahil nagkamalay ka na," kalmado nang usal ni Lassy habang naka-peace sign.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong silid. I have noticed that this is not a hospital. Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. I hate hospital ever since. I hate the smell, the people who are sick, the busy doctors. I hate everything about hospitals.

"Bakit ang tahimik mo?" Tanong ni Lassy na nagbalik sa akin sa aking ulirat.

"Ha? I-I'm okay," nakangiting alanganin na sabi ko. I hope she won't notice it.

Umangat ang tingin ko sa dalawang lalaki na nasa magkabilang paanan ng kama na hinihigaan ko. My eyes grew bigger when my gazes turned to the guy with a cold aura. Out of reflex, napahawak ako sa braso ko dahil parang nakaramdam ko ang lamig.

"Tsk! Why am I even here?" Walang tonong usal no'ng Darcus at kaagad na lumabas ng silid.

"Huwag mo na siyang intindihin. Nagme-menopause kasi iyon," sabi ni Lassy.

"Baka nire-regla?" Sulsol naman no'ng nakabunggo ko kanina. Napakagat-labi ako dahil nasilayan ko naman ang mukha niya.

He has this very light aura which may be the reason why girls, including me, drools over him. Hindi naman siguro ako nagkakasala sa puntong ito 'di ba? I was just praising beautiful art, and that's all.

"Hey!" Bumalik ako sa huwisyo nang ipinitik ng lalaki ang dalawang daliri niya sa harap mismo ng mukha. And at that moment, I felt a little bit shame for my actions.

Tumingin ako kay Lassy na may ipinapahiwatig. It's good that she get it.

"Ah! Oo nga pala!" She exclaimed.

"This is Devon Luther Vinocci," tipid na pagpapakilala ni Lassy sa lalaki.

"Na sa kasamaang palad ay kambal ng pangit na Darcus na iyon," usal ni Devon na ikinagulat ko. Paanong magkapatid ang dalawa? Masyadong malayo ang pagkaka-iba nila.

"I know right!" Devon exclaimed like he was talking to someone.

"Ha?" Tanging usal ko. Nanatiling tahimik lang si Lassy sa tabi ko.

"Alam ko kasi na tinatanong mo sa isipan mo kung paanong magkapatid kami bi Darcus pangit," sabi ni Devon at saka malakas na tumawa.

"Huwag kang mag-alala. Pareho tayo," dagdag niya pa at saka tumawang muli. May sayad kaya ang taong 'to? Sayang, pogi pa naman.

Dahil pakiramdam ko ay okay naman na ako. Dahan-dahan akong tumayo. Kaagad naman akong inalalayan ni Lassy kahit hindi naman kailangan.

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Lassy nang makatayo na ako.

"Oo. Pasensiyana, naantala tuloy ang trabaho natin dahil sa akin," usal ko. Ngumiti ni Lassy at inakbayan ako.

"Wala 'yun. Kasalanan naman ng mokong na 'yan," angil ni Lassy habang masamang nakatingin kay Devon. Umirap lang ang lalaki. Natawa tuloy ako dahil napaka-arte ang paraan ng pag-irap niya. Parang babae lang.

"Bakla," pahabol na pang-iinis ni Lassy bago ako inalalayan sa paglabas ng silid.

"Hindi ako bakla! Ilang babae na ang nahalikan ko!" Pagmamalaki ni Devon habang sinusundan niya kami.

"Girl, kahit bakla ay humahalik ng babae," sabi naman ni naman ni Lassy. Hay naku! Kailan kaya titigil ang dalawang 'to? Para silang mga bata. Huminto si Lassy at humarap kay Devon. Nakigaya na lang din ako. Kailan kaya matatapos 'to?

"Tsk! Gusto mo lang na halikan kita eh. Pero no worries, hindi kita gusto. Baka sunugin pa ako ng buhay ng demonyong Darcus na iyon," parang nandidiring sabi ni Devon. Kumunot ang noo ni Lassy.

"Sino bang may sabing gusto kong magpahalik sa 'yo eh amoy kanal 'yang bibig mo?" Nanghahamong tanong ni Lassy. Napahilot na lang ako sa sentido ko dahil sumasakit ang ulo ko sa dalawang ito.

Hihirit pa sana si Devon nang makita namin si Miss Hans.

"Okay ka lang Miss Dixon?" Tanong nito nang makalapit sa amin. Tumango ako bilang tugon.

"Pasensiya na po kung naka-abala ako," pagpapa-umanhin ko. Nahihiya na ako dahil unang araw pa lang ay palpak na.

"Okay lang," nakangiting sabi ni Miss Hans kaya medyo nakahinga ako nang maluwag. Akala ko kasi kung magkakaroon ako ng bad records dahil sa nangyari.

"Siya nga pala. May meeting tayo ng 1 P. M. Mamaya, pagkatapos ng meeting saka ko kayo dadalhin sa office ninyo," sabi ni Miss Hans.

"Noted!" Parang batang sigaw ni Devon.

"At, hindi ka kasali," usal ni Miss Hans kay Devon. Binelatan naman ni Lassy ang huli na ikina-inis ni Devon. Umalis na si Miss Hans pero hinihintay ko pa si Lassy na nakikipagtitigan kay Devon.

Tumingin ako sa orasan ko. Lunch na pala. Isang oras pala akong tulog kanina. Hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng kahihiyan dahil sa nangyari kanina.

"Lassy, kumain na tayo," pagpupukaw ko sa atensiyon ni Lassy. Bumaling ito sa akin saka tumango.

Umalis na kami na hindi nagpapa-alam kay Devon. Baka kasi magatungan pa ang cat fight nila.

—_—_—_—_—_—_—_—_—
02/11/2022

A Wedding Planner's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon