Maaga palang ay pumasok na ako sa SAU. Gusto ko kase'ng pormal na makausap ang mga propesor ko. Alam ko'ng ngayon palang ay huling-huli na ako sa mga lessons namin. And as much as I hate to go back here ay hindi ko naman magawa. I don't want to disappoint my parents. At tsaka, gustong-gusto ko nang makatapos para makatulong na ako sa kanila.
As much as I loath to see that devil again, alam ko'ng makikita at makikita ko parin siya. It's just a matter of time actually. Alam ko'ng malaki ang SAU, pero hindi ganon kalaki para hindi na kami magtatagpo'ng muli. Tss
Kumatok ako sa faculty room ng mga professor ng BSBA at BA. Bumukas iyon at iniluwa ang isa sa mga professors ko.
"Jasmine, hi!" Gulat na bati ni Prof. Fernandez sakin.
"Good morning, Ma'am. I want to talk with you and as well as my other professors po for being absent for quite some time." apologetic na saad ko dito.
"Oh yes, dear. Nagtaka nga ako kung bakit hindi ka na nagpapakita sa klase ko ng dalawang araw... eh kilala naman kita na hindi lumiliban sa klase noon."
I smiled awkwardly.
"Uhm, nagkasakit po kase ako last week mam. Nagkalagnat po ako at hindi ko po kayang pumunta sa mga classes ko dahil sobrang bigat at sama po talaga ng pakiramdam ko."
Wow Jasmine, nagiging mahusay ka na sa pagsisinungaling!
Nang tingnan ko si Prof. Fernandez ay wala'ng bahid ng pagdadalawang-isip ang mukha nya. She really believed with what I've said. Siguro kase kilala nya ako bilang isa'ng mabuting bata.
"Oh! Wag mo kaseng masyadong pabayaan ang katawan, Jasmine. Hmm, magpakita ka ng medical certificates sa aming mga profs mo. At para naman makabawi ka sa mga namiss na quizzes at activities mo ay bibigyan kita ng topic para ire-report mo this week. Ako na ang bahalang magsabi sa ibang professors mo. Pero i-approach mo parin sila mamaya para naman matanong mo sila kung anong dapat mo'ng gawin sa mga subjects nila."
Paulit-ulit akong nagpasalamat kay Prof. Fernandez bago ako naglakad paalis sa Faculty room nila. Sinulyapan ko ang relo ko at nakita ko'ng may 30 minutes pa ako for my 1st class. Gusto ko sanang pumunta muna ng library, pero napagdesisyunan ko nalang na pumunta na sa classroom ko.
Wala pa ni isang tao sa loob ng classroom. Umupo ako sa kung saan ako umupo nung nakaraan at inilabas ko ang earphones at ang ipad ko.
I went to my playlist and played the first song I see. It was Scars by Tove Lo.
I'll close my eyes for a while. May 20 minutes pa ako to rest for just a little.
I never noticed na dumarating na pala ng paunti-unti ang mga kaklase ko until someone is tapping me slightly on my shoulder. Gulat na napaayos ako ng upo dahil akala ko nasa harapan na ang professor namin. But then, there's no one there. Kaya't nilingon ko kung sino na naman ba ang nangti-trip sakin.Muntik na ako'ng napamaang ng makita ang taong kinakasuklaman ko na nakatayo sa likuran ko. He's staring at me intently. Hindi ko naiwasang mapalunok dahil sa intensidad ng titig nya. Then I've realized how wrong move was that! Dahil nakita ko ang pagsilay ng nang-uuyam na ngisi ng demonyo sa harapan ko.
'Compose yourself, Jasmine!' I mentally scold my self. Pero ano'ng ginagawa nya dito? Nandito ba sya dahil hindi pa tapos ang 'paghihiganti' nya? Tsk. Ihalos lamunin nga nya ako ng buo nung huling kita namin.
Ang kapal talaga ng mukha ng mokong.Mas itinaas ko ang kilay ko.
"What?"Mukhang nagulat ang demonyo sa inasta ko. Akala nya siguro ay tatakbo ako palayo dahil nakita ko sya. Well, I'm really freaking scared right now Miko but I'm not gonna let you see that.
Ngumisi ulit ito.
"Impressive." Iyun lang yung sagot nya.
Tss. I don't wanna waste my time with this jerk anymore kaya tinalikuran ko sya at umupo ng maayos. Dun ko lang napansin na halos lahat pala ng atensyon ay nasa amin na. Nahihiyang nagbaba ako ng ulo at kunwari ay may hinahalungkat ako sa loob ng bag ko.
May tapik na naman ako'ng naramdaman sa balikat ko kaya't napalingon na naman ako sa kanya.
"Ano ba? Will you please stop doing that?" Mataray na utas ko sa kanya.
"Hmm. Feisty aren't we? No need to show that claws you've got there, crazy girl. Gusto lang kita'ng paalisin dyan sa pwesto mo."
"Are you out of your mind? What do you mean by that? Are you planning of getting me out in this University?" Galit na sagot ko sa kanya.
Narinig ko ang pagtawa nya ng mahina. And I'm mentally cursing myself for thinking how handsome he is while laughing his heart's out.
Wake up, Jasmine. He's your enemy! At wag na wag mo nga sya'ng i-compliment... ikaw ang pinagtatawanan nya. Tanga!
Inismiran ko lang at tumalikod na.
"Aren't you a little kind of dramatic? Pinapaalis lang kita dyan sa upuan mo coz that's mine."
Medyo napahiya naman ako dun. Pero di parin ako nagpatinag sa kinauupuan ko.Classmate ko sya sa subject na 'to? Tsk. Wala na bang mas sasaklap pa dito?
"Pwesto ko na ito simula pa nang klase. Wag ka nga!" Inis na bulyaw ko sa kanya. "Nag-absent lang ako last week pero dito na talaga ako nakaupo."
"Exactly. Nag-absent ka. So it means that the moment you were not there, someone comes along and replaced your place." Seryosong sagot naman nya.
Bakit may nahihimigan ako'ng pait doon?
Argh! Never mind that Jasmine."Pero nandito na ako, so it means tsupi ka na! Shoo away, you devil!" Mahinang bulong ko sa kanya.
Tumawa ulit ito. At tamad na inilapit nya ang katawan sakin. Napanganga na naman ako dahil sa tinuran nya. Mabilis ako'ng umatras palayo sa kanya.
"You step back or you're gonna have another taste of my rule just like last time."
Nanghilakbot na naman ako sa tinuran nya. Hindi ko maiwasang hindi maalala ulit ang ginawa nya doon sa bodega.
Ayoko nang maranasan ang ganong klase ng takot, kaya't imbis na makipag-away pa sa kanya ay kinuha ko nalang ang gamit ko at pumwesto sa pinakadulo parte ng classroom na kung saan ay katabi parin ng bintana, at mga dalawang armchair siguro ang pagitan sa pwesto ng demonyong Miko.I heard him chuckling before he smoothly sit on the chair.
What an evil douche!
And two minutes after that ay dumating na si Prof. Agustin.
------
The class went smoothly. Hindi ko na nga halos napansin na naging kumportable na ko sa pagkakaupo kahit alam ko'ng nasa pareho kaming lugar ni Miko.After an hour ay narinig na namin ang warning bell. It means that 3 minutes nalang ay tapos na ang aming subject. Isa-isa na'ng nag-ayos ng gamit ang mga kaklase ko including our teacher.
"Oh, before that.. baka makalimutan ko. Yung project na tinutukoy ko sa inyo last week, dapat ngayon palang ay nasimulan nyo na ng partners nyo yun. Don't forget that the deadline for that will be next week."
Nakita ko'ng tumango-tango ang mga kaklase ko.
Project?
Kahit na nahihiya ako'ng magtaas ng kamay ginawa ko parin yun. For the sake of my education, really.
"Yes Ms. Salvador? Any problem?"
"Sir, I was not around here last time due to my sickness.. so wala po ako'ng idea kung ano'ng tungkol sa project."
"Oh, it's easy. You just find a partner and ask your other classmates about it. I think kayo nalang ni Mr. Villegas ang wala'ng partner, so kayo nang bahalang dalawa, okay? Okay, stand up class. Good bye!"
Whaaaat? Miko the freaking devil Villegas is my project partner?
Napalingon ako sa kanya at nakita ko ang mapanukso nyang ngiti.
Kill me! Just kill me now. Fuck!