Ilang sandali pa ay nakita na namin ang server na naglalakad patungo sa direksyon namin. Lihim akong nagpasalamat ng makitang hindi na ito ang waitress kanina.
She smiled at us warmly. Sinagot ko din ang ngiti nya. Maki is also pleased to see na hindi na ang waitress namin kanina ang nandito. He's more pleased to see that our server gave me a kind smile.
She left our table after she arranged the food in front of us. Nagsimula na din kaming kumain ni Maki.
Inaamin ko na hindi ako parating nakakakain ng mga sosyal na pagkain. Kung kaya't noong unang tikim ko sa steak ay hindi ko naiwasan ang panlalaki ng aking mga mata dahil sa pagkakamangha sa sobrang sarap nun.
Nakita iyun ni Maki at tumawa ulit sya ng malakas. Inis ko sya'ng inirapan.
"Bare with me, okay? First time ko ata'ng makakain ng totoong steak." Tumawa ako.
Itinakilid ni Maki ang ulo nya para titigan ako ng maayos. Nakaplaster parin sa labi nito ang amused na ngiti.
"Is that so? Gusto mo, araw-araw tayong kumain sa mga ganito?"
Halos nasamid ako dahil sa mga pinagsasabi niya. Mabilis nya ako'ng dinaluhan ng baso ng tubig at tinungga ko din iyon.
"Sira-ulo! Wala ako'ng plano'ng gumasta ng malaking pera para lamang sa mga pagkaing ganito noh?" Sagot ko habang ngumunguso.
"Who told you that you'll be the one to pay for it?" Kaswal na tanong nya.
Inis ko ulit syang inirapan.
"So you're telling me that you'll be the one to pay for my food?" Nanghahamon ko'ng tanong sa kanya.
"Yes, exactly my point Jasmine."
Mas lalong lumukot ang mukha ko dahil sa mga sagot nya.
"You know what? Let's just stop this conversation. I'm already not liking this. Hindi ko na na-i-enjoy ang food." Matigas na sabi ko sa kanya.
Sumilay ulit ang nakakaasar na ngiti nito at sinang-ayunan nya ang sinabi ko.
Tahimik na kaming kumakain ngayon. Mga mahihinang pag-uusap mula sa mga katabing mesa at ang malamyos na musika ang naririnig namin habang kumakain.Busog na busog na ako at hindi ko na talaga kayang maubos ang steak at ang ibang pagkain. Ni hindi pa dumating ang dessert at halos hindi na ako makahinga sa sobrang kabusugan.
Para bang lahat ng inis ko kay Maki ay inilabas ko sa pamamagitan ng pagkain.
Iniatras ko ang na ang pinggan sa harapan ko hudyat na tapos na ako sa pag kain. Binigyan ako ng isang matamis na ngiti ni Maki na hanggang ngayon ay ngumunguya parin.
Biglang tumunog ang cellphone sa bag ko at mabilis ko'ng kinuha iyon.
Nakita ko ang pag-rehistro ng pangalan ng kakambal nya mula sa screen nito.
Napatingin ako'ng muli kay Maki habang hawak ang cellphone ko."It's Miko. Uhm, Can I take it?"
"Yeah sure. Go ahead."
Kagat-labing sinagot ko ang tawag ng kakambal nya.
"Hello?"
"I'll fetch you right now sa University. Ngayon na natin gagawin ang last interview natin." Seryoso'ng seryoso ang boses nito.
Hindi parin talaga ako nagiging immune sa kambal nya. Kahit boses lang ni Miko sa cellphone ay nakakaramdam parin talaga ako ng kaba at pangangatog sa tuhod.