Nasan ka na?
Hindi ko napigilan ang sariling mapairap ng mabasa ko ang text ni Miko. Ang totoong Miko. Inis na binura ko ito at nilagay din sa silent ang setting nito.
Three days na simula nang malaman ko ang totoo, at hindi ko parin mawari ko'ng ano'ng dapat maramdaman ko. I feel disappointed, betrayed and hurt. Pero naisip ko, kahit ano'ng galit ang gawin ko ay wala nang silbi iyon.
I've discovered that Miko has a twin brother, Maki. Siya ang may dahilan ng lahat. Naalala ko pa ang nangyari noong Lunes kung saan nalaman ko ang totoo.
"M-Miko?" Mas lalo ako'ng naguluhan ng makakita ng dalawang Miko sa harapan ko.
Tumayo na din ang Miko'ng nakabangga ko kani-kanina lang. He glared at me intently, pero na realize ko'ng hindi pala ako ang tinitingnan nya ng masama. Kundi ang taong nasa likuran ko. Ang kambal nya.
"Uhmm, sino ang totoong Miko sa inyo'ng dalawa?" Inis na tanong ko.
"I am. Tsk. That douche is the one who's responsible for everything that's happened." Galit din na utas nito at masamang nakatitig sa lalaking kamukha nito.
Nilingon ko ang kakambal ni Miko na malamlam na nakatingin sakin.
"Jasmine, I'm really really sorry for what've happened. Hindi ko talaga inakala na mauuwi sa gulo ang lahat. I'm sorry, but please hear me out." May bakas ng pagsusumamo ang boses nito.
Hindi ko maiwasan ang sakit na nadarama ko. Here in front of me is the guy who I've trusted so easily.
This is what you've got for trusting a stranger, Jasmine. Ayan tuloy, ginawa ka'ng isang malaking joke.
"Why did you lie?"
I acted like everything happened last time was not a big deal. But really, gusto'ng gusto ko na sya'ng hambalusin.
Siguro tawang-tawa sya ng makita nya'ng pinag-uusapan ako dito sa School. Or nung ipinahiya ako ni Cassie Aquino. Maybe he was laughing his heart's out that time.
Jeez! What a brute!"Jasmine, if you just let me explain it to you.." he said slowly walking towards me.
Awtomatiko din ako'ng napaatras.
"You can explain everything to me right here, right now." Mataray na usal ko sa kanya.
Narinig ko'ng tumawa si Miko sa tabi ko. Halos nakalimutan ko ang presensya nya dahil kay Maki.
"Yeah, bro. Tell her that you're just so bored that time kaya't naisipan mo'ng pagtrip-an sya." Nang-aasar na sabi ni Miko.
Biglang kumirot ang dibdib ko dahil sa sinabi ni Miko. Tama naman sya. Nagoyo lang ako ng kakambal nya.
"Shut up, Miko. You're not helping the situation. Don't listen to him, Jasmine." Galit na tinignan nya ang kakambal nito bago tumingin ulit sakin. "Can we talk somewhere?"
Mabilis ako'ng umiling.
Does he really think na sasama parin ako sa kanya after the stunt he pulled off?"No." Mariin na sagot ko sa kanya. "If you just can't say it right now then I'll better be going. I have a lot of things to do than waste my time with you. Good bye." Tinalikuran ko silang pareho at tumakbo palayo sa lugar na iyon.