Kiss 10 -Confused-

1K 21 12
                                    

Tumayo ang mokong at tamad na naglakad papunta sa direksyon ko. Ako naman ay mabilis na naglakad papunta sa isang kaklase ko para magtanong tungkol sa project namin.

"Sheer, ano pala ang tungkol sa project natin?" Nahihiyang tanong ko sa kanya. Naalala ko na noong unang linggo ng klase ay sinubukan nila ako'ng kausapin ni Julia pero ni hindi ako nag-cooperate. Ngayon kung hindi nila ako sasagutin ay hindi ko sila masisisi.

Pero imbis na magtaray si Sheer sakin ay malaking ngiti ang ibinigay niya pabalik.

"Uhm, magka-conduct tayo ng interview sa ibat-ibang negosyante, Jas. Mula sa mga pinakamaliit na taong nag-nenegosyo like sari-sari store or street vendor hanggang sa pinakamalaki.. Mall owners, resto or even those people wearing black suits and ties. Pero yung interview natin ay ipapakita natin through videos at hindi pwedeng maghati lang kayo ng partner mo ng gagawin.. dapat talaga na makita ang mga mukha nyo sa bawat taong iinterview-hin nyo."

"Oh. Thank you so much, Sheer."

Tumayo na si Sheer at iniligpit na ang mga gamit nya.
"Always glad to help, Jasmine. Hmm, good luck sa projects natin." Sagot nya. "At good luck sayo! Nakooo, ang gwapo ng partner mo. Hindi ko alam kung paano ako makakapag-concentrate sa project ko kung ganyan kagwapo ang partner ko." Tumawa ito ng malakas bago lumabas ng classroom.

Nang lumingon ako sa likod ay nandon na si Miko. Hindi ko alam kung narinig nya ang sinabi ni Sheer, at wala akong pakialam kung narinig man nya. Hindi naman ako affected.

"Hay! Sa kasamaang palad ay ikaw pa talaga ang naging partner ko." Asar ko'ng tugon sa kanya bago ako naglakad palabas ng classroom.
Narinig ko ang mahinang halakhak nyang nakasunod sakin.
"The feeling is mutual, crazy girl."

Inis ko sya'ng inirapan.

"Wag mo nga ako'ng tawaging 'Crazy Girl'." Inis na sabi ko sa kanya. "We both know na ikaw ang baliw sating dalawa."

Nakita ko ang amusement sa kanyang mga mata. Inis na pinapagalitan ko ang aking sarili dahil hindi ko na naman maiwasang mapansin ko'ng paano kuminang ang mga mata nya habang tumatawa.
For the nth time ay gustong-gusto ko nang sabunutan ang sarili ko dahil sa mga pinag-iisip ko.

"Ano'ng gagawin natin sa project nato?" Tanong ko sa kanya. As much as I hate having him as my partner ay wala akong choice kundi pakisamahan sya. I don't want to compromise my grades.

"I'll let you do it alone." Preskong sagot nya bago naglakad palabas.

Inis ko sya'ng sinundan. Dahil sa inis ko ay hindi ko napigilan ang sarili ko'ng hambalusin sya ng dala-dala ko'ng aklat.
Napasinghap ang Mokong at galit nya ako'ng hinarap. Napaatras ako dahil sa gulat sa nakikitang galit mula sa kanya.

Shit! Bakit mo ba ginawa yun Jasmine? Alam mo namang may saltik ang taong yan!

"Peace!" I said and raise my hand and do the peace sign.
Nakita ko'ng medyo nawala ang galit sa mukha nya at napalitan nalang iyon ng inis.

"Ikaw! Hindi ka talaga natututo. Oh baka naman gusto mo lang talagang halikan kita?" He smiles devilishly at me and he starts to walk slowly towards me again.

"At ikaw! Ang kapal-kapal din talaga ng mukha mo'ng manyak ka! Wag na wag mo'ng uulitin ang ginawa mo noon dahil kakasuhan na talaga kita ng sexual harassment."

Ngumisi lang ang gago at nagpatuloy parin sa paglalakad papunta sa direksyon ko. Habang ako naman ay naglalakad din ng paatras. Napalingon-lingon pa ako para maghanap ng mga pwedeng pagsaklolohan kung sakali. Pero sa kamalas-malasang pagkakataon ay ni isang estudyante ay wala. May nakita naman ako pero sobrang layo.
Nagulat nalang ako ng biglang mabangga ang likod ko sa pader. Aalis na sana ako sa pagkakasandal sa pader ng bigla nalang ako'ng ikinulong ng mokong gamit ang mga kamay nya.

Kissing the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon