I WON'T HOLD BACK
Written by: SHYWINGSZandrei Clyde's POV
7pm ng maka uwe ako galing sa opisina at pagod na pagod ako dahil ang dami kong pinirmahan na papeles at may dalawang major meeting na naganap kanina kaya naman pagod ako buong mag hapon.
Nang ilagay ko ang key card sa pintuan ng Condo ko at ng mag bukas iyon ay nag taka ako dahil ang tahimik ng paligid at dim din ang ilaw kaya naman nag taka agad ako.
Dahil kapag andito si Hanna ay kadalasan na maingay ang TV at naka upo sya sa sofa habang nag momovie marathon, pero ngayon ay iba. Wala sya.
Ng maupo ako sa Sofa ay kinuha ko kaagad ang Cellphone ko at tinignan ko kung may text ba sya na aalis sya, pero wala kaya naman dinial ko agad ang number nya at ako na ang tumawag sa kanya.
Naka ilang ring ito hanggang sa kusang mag end call, pero tinawagan ko ulit sya, siguro maka lipas ang limang ring ay sinagot na nya.
"Yes babe?" Bungad agad ng boses nya sa akin, kaya naman naka hinga ako ng maluwag.
"Nasaan ka?" Kalmado ang boses ko ng tanungin ko sya at naka dinig naman ako ng pag kaluskos sa kabilang linya at nadinig ko ang pag iinat nya.
"Nandito ako sa bahay, walang kasama si Mommy, naka higa ako ngayon." Napa tango naman ako sa sinabi nya, pero sa loob loob ko ay naiinis ako.
Dahil sa tuwing babalik sya dito sa Condo ko ay madalang pa sa patak ng ulan kung pansinin nya ako, hindi ko alam kung bakit gano ang trato nya sa akin kapag nakaka uwi sya sa bahay ng magulang nya.
Napag talunan na namin ito noon, dahil isang beses lang sya umuwi sa bahay ng magulang nya sa loob ng isang bwuan at noong araw na umuwi sya sa kanila ay dalawang linggo nya akong hindi kinibo.
"Anong araw ka makaka uwi?" Tanong ko, naka dinig naman ako ng buntong hininga sa kabilang linya at doon palang ay gusto ko nang sumabog sa inis.
"I think 3days lang babe, wala kasing kasama si Mommy." Pag dadahilan nya pa ulit, at doon na ako nag salita.
"3days lang?" Tumawa ako ng sarkastiko, at alam ko na alam nya na naiinis na ako.
"Babe uuwi nama–"
"Lets just talk tommorow, pagod ako. Madami akong ginawa maghapon." Putol ko sa sinabi ni Hanna.
"Zandrei uuwi naman ako bakit ba pinipigilan mo akong maka uwi dito sa bahay ng magulang ko? You know what? Ganyan ka palagi kapag pagod ka! Lagi ang gusto mo sayo lang naka sentro ang atensyon ko!" Napasabunot naman ako sa buhok ko at humigpit ang pag kakahawak ko sa Cellphone ko.
"Bukas nalang tayo mag u—" pinatay nya na ang tawag ng hindi ako pinapatapos mag salita, sa sobrang inis ko ay padabog ko na binaba ang cellphone ko at dumaretso sa kitchen, at kumuha ako sa ref ng malamig na tubig.
Pagkatapos non ay kinuha ko ang Cellphone ko dumaretso ako sa kwarto namin ni Hanna at doon ko niluwagan ang necktie ko.
Pumunta akong Shower room para maligo dahil balak kong matulog na agad, pupuntahan ko si Hanna bukas sa bahay ng magulang nya at doon ko sya kakausapin ng masinsinan. Alam ko na may mali din ako kaya ayaw kona na humaba pa ang awayan namin, dahil hindi ako sanay ng nag aaway kami.
Nag shower ako ng mabilisan at nag toothbrush na din ako sa sink, at nang matapos na ako ay lumabas na ako sa shower room ay dumaretso agad ako ng higa, hindi na ako kakain dahil wala din namang niluto si Hanna bago umalis, at hindi din naman ako gutom kaya ayos lang.
YOU ARE READING
I Won't Hold Back (MBBII#2)
RomanceIt is wrong, but he will not hold back this time.