I WON'T HOLD BACK
Written by: SHYWINGSTinigil namin ni Tita Layla ang panonood ng paborito nyang teleserye na ang pamagat pala ay 'Ika anim na utos' napapatawa naman ako dahil sa tuwing nag kakaharap ang bidang babae at ang kabit at ay talaga namang napapasigaw si Tita Layla ay na hahawa din ako kaya kaming dalawa tuloy ang maingay.
Napatigil lang kami sa panonood dahil sabi nya ay hanggang doon lang daw ang na download nya, kaya naman nag kwentuhan nalang kami at nalaman ko din na nagka ayos na pala si Drei at ang Daddy nya.
Natutuwa naman ako dahil sa huling pagkaka alala ko ay may galit si Drei sa Daddy nya, at ngayon ay masayang masaya nadaw silang lahat ngayon.
"O eh kamusta ang buhay mo sa Canada? Alam mo ba na may malaking billboard ka sa Pilipinas?" tanong ni Tita Layla sa akin.
Yes i know that i have a Billboard in Phillipines, ininterview ako ng isang 'sikat' daw na magazine na naka base sa Pilipinas, at mukhang totoo nga dahil ang akala ko ay i fe-feature lang nila ako sa magazine nila, akala ko lang pala 'yon, dahil pinagawan pa nila ako ng Billboard.
Wala akong kaalam alam na may Billboard na pala ako sa Pilipinas, sa sobrang dami kong ginagawa at halos hindi mahulugan ng karayom ang schedule ko.
"Uh ang alam kolang po ay i fefeature nila ako sa magazine nila." Napa tangotango naman si Tita Layla sa sinabi ko.
"Lagi akong napapatingin sa Billboard mo kapag pupunta ako sa opisina ni Andrei, pagka laki laki banaman!" tukoy pa ni Tita Layla sa Billboard kung saan andon ang pag mumukha ko.
"Ah ganon po ba?" tnging nasagot ko nalang dahil medyo hindi ako komportable sa topic namin ngayon, puro sa akin naka sentro kaya naman ay iniba ko ang usapan ng hindi ako mailang.
"Kamusta napo pala si Drei?" hindi ko alam kung bakit iyon ang naisip kong i topic, nakita ko naman ang pag lawak ng ngiti ni Tita Layla.
"Ayun sya na ang pumalit sa Tatay nya sa kumpanya, at gusto ng tatay ni Andrei na habang maaga ay masanay sa trabaho si Andrei at nako may plano nang may propose sa nobya nya, syempre kung mapa oo naman nya ang nobya nya ay may ipon sya at hindi magandang aasa sya sa pera na makukuha nya sa Tatay nya." Mahabang pag kukwento ni Tita Layla.
May Girlfriend na si Drei?
Well, hindi na dapat ako nagulat sa narinig ko pero hindi ko alam kung bakit ganon ang naging reaksyon ko.
"Ikaw ba? Nag karoon ka naba ng nobyo o may nobyo kana ngayon?" Tanong ni Tita Layla.
"Wala po, medyo busy din po kasi ako sa companya ko." Nakita ko ang pagka gulat ni Tita Layla sa sinabi ko.
"Aba! Talaga naman palang sucessful kana ano? Talagang magiging busy ka! Nakita ko nga doon sa billboard mo, naka lagay doon na Business woman at Model ka! Nako na iistarstrak ako!" napa kamot nalang ako sa aking batok.
Sanay na aakong puriin ng iba lalo na ang mga nakaka sosyo ko sa kumpanya ko pero iba pala kapag kakilala mo ang mismong pumupuri sa'yo.
Wala na akong masabi dahil medyo hindi talaga ako komportable. Matagal din ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Tita Layla ng may lumapit na sa ami ang dalawang FA at may mga dala itong Cart. Ng tignan ko ang wrist watch ko ay lunch time na pala.
"Please enjoy your food Madames." Magalang at marahan kami nitong nilagpasan.
"Tara kain na at mukhang masarap itong sinerve nila!" Agad na kumain si Tita Layla at ako naman ay pinag masdan muna ang mga pagkain na nasa harapan ko.
YOU ARE READING
I Won't Hold Back (MBBII#2)
RomanceIt is wrong, but he will not hold back this time.