I WON'T HOLD BACK
Written by: SHYWINGSJECA'S POV
Ng marating ko ang Airport ay hindi pa din maganda ang mood ko, sino banaman ang hindi magagalit sa sinabi ng ko? Alam kong importante ang kumpanya ko, pero mas importante ang Daddy ko, dahil alam kong walang mag aalaga sa kanya dahil halos lahat din ng relatives ni Daddy ay nasa naninirahan nadin sa America at ako lang naman ang anak ni Daddy kaya ako lang ang mag aalaga sa kanya.
Nag check muna ang mga staff ng Airport ng maleta bago ako tuluyang naka pasok sa loob ng eroplano.
Nag announce muna ang Piloto at nag demo din saglit ang dalawang FA at ng matapos iyon ay lumipad na sa ere ang eroplanong sinasakyan ko. At ng stable na sa ere ang eroplano ay tinanggal kona ang seatbelt ko at kinuha ko sa aking pouch ang Cellphone at kinuha ko din ang aking aripods at nag patugtog ako pampa lipas oras dahil mabilis akong ma boring.
Ilang oras din akong nakinig ng kanta ay naka tulog nadin ako, at dahil nasa first class flight ako ay malaya akong naka higa ng komportable dahil may pipindutin ang na button dito sa kung saan ako naka upo at kusa iyong mag bebend para pwede na akong mahiga ng maayos.
Naalimpungatan nalang dahil patay na ang music at napa kunot ang noo ko ng may nadinig akong babae na nag sasalita sa tabi ko, medyo may kalakasan ang boses nya, mukhang may kausap sya.
Naiinis akong iminulat ang aking mata at hinanap kung saan nang gagaling ang ingay ng babae na iyon.
At ng makita ko kung saan nanggagaling ang boses ng babae ay andito lang pala sa bandang likuran ko kaya naman dinig na dinig ko ang mga pinag sasasabi nya.
Isang babae na sa tingin ko ay mid forties na sya, napakunot ang noo ko ng makita na mag isa lang syang nag asalita at ang mga mata nya ay naka tiningin sa laptop nya.
At Filipina ang babae na 'to dahil tagalog ang pananalita nya.
Nag taka ako dahil parang pamilyar ang mukha ng babae, hindi ko alam kung saan ko sya nakita pero pamilyar talaga sya. Siguro ay nakita ko na sya sa isa sa mga shoots ko o dikaya ay naging ka business partner ko sya? Sa dami ko banamanang naka salamuhang mga tao ay hindi kona lahat matandaan.
Bumuntong hininga muna ako at lakas loob na nag salita, sa babae na halatang gigil na gigil sa harap ng kanyang laptop.
"O ano ka ngayon? Edi nahuli kayong mga tanga kayo?!" Napa lunok naman ako ng mas lumakas ang boses nya at napapamura pa sya.
"Uhm, excuse me?" Akala ko ay nadinig na ako ng ginang pero tuloy padin sya sa pag tatatalak..
"Sige! Sampalin mo! Yan talaga ang napapala ng mga kabit!" Ewan ko kung matatawa naba ako sa ginang na halatang gustong ipasok ang sarili sa loob ng kanyang laptop at doon makipag rambulan.
Hindi na ako nagpa ligoy pa dahil ng mapatingin ako sa paligid ay may ilang naka tingin na at mukhang na storbo din.
Kinulbit ko ang ginang at napalingon naman to kaagad sa akin, pero nagulat ako dahil mukhang nagalit sya dahil base sa kung paano nya ako tignan ay parang ako yng gusto nyang sabunutan.
Sandali nya akong tinitigan at ang kaninang masamang timpla ng mukha nya ay napalitan ng matamis na ngiti at nakita ko pa na tinaggal nya ang naka lagay sa tainga nya na airpods.
Kaya naman pala hindi nya ako nadinig sa unang tawag ko ay siguro malakas ang volume nya.
"Yes hija?" naka ngiting tanong nya sa akin. Nahiya tuloy agad ako dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa ginang na medyo maingay sya.
YOU ARE READING
I Won't Hold Back (MBBII#2)
RomanceIt is wrong, but he will not hold back this time.