Text Message
Love, have you eaten lunch?
Panay ang basa ko at pagkatitig sa mensaheng ipinadala ko kay Yahwi. Kanina ko pa iyon ipinadala pagkatapos na pakatapos naming kumain sa labas kasama ang grupo. At hanggang ngayon na nasa loob na ako ng room namin ay naghihintay pa rin ako sa reply niya. Pasalamat na lang ako na wala pa ang panghapong teacher ko kaya nagagawa ko pang sipatin ang cellphone.
Napabuntonghininga ako at matamlay na isinuksok iyon sa loob ng bag ko at pumalumbaba sa mesa. What is he doing? Ganoon ba siya ka-busy para hindi man lang niya ako ma-check? I mean, kahit 'yong phone lang niya. Bigla ko tuloy siyang na-miss. Oh God, how can I even live when every moment, I could only think of him? Hindi kaya magiging kahinaan ko 'yon kapag nagkataon man na next month, or next year ay hiwalay na kami?
Mariin akong napapikit, tila nasaktan sa sariling naisip. Kakasimula pa lang ng relasyon namin pero break up na ang iniisip ko.
Nagsimula ang klase na lutang ako. Sa dami ng iniisip ay naglalakbay iyon at kung saan-saan napapadpad. Lalo at next week ay hindi ko na talaga siya makakasama dahil baka buong linggo akong mawawala dahil uuwi ako sa Santa Yvez. Naipangako ko na iyon kay Ninang. Hindi naman pwedeng isama ko rin si Yahwi dahil simula na ng internship niya. So, buong linggo kaming hindi magkikita?!
Pagkatapos ng klase ko ay malalim pa rin ang takbo ng isip ko at pwede na akong lunurin, ni hindi ko napansin si Bea na naghihintay pala sa akin sa may pinto. Nagulat na lang ako nang bigla ay yumakap siya sa akin.
"Yuki!"
"Hey, Bea."
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano dahil sa higpit ng yakap niya. Nasiksik ako ng husto sa pagitan ng mga braso niya.
"Wait, Bea," I chuckled. "hindi na yata ako makahinga sa higpit ng yakap mo,"
Nang marinig niya ang sinabi ko ay dali-dali siyang humiwalay at mga kamay ko naman ang kinuha. Tatawanan ko na sana siya uli pero nang mapansin ang namamasa niyang mga mata ay napasinghap ako. Gusto ko man 'yong punasan ay hindi ko magawa dahil mahigpit ang hawak niya sa mga kamay ko.
"Anong... Bakit ka naiiyak?" Nag-aalalang tanong ko pero napasinghot lang siya at palipat-palipat ang tingin sa mukha at paa ko. Hula ko ay dahil sa nangyari noong nakaraan.
"A-Ayos ka na ba talaga?"
"Oo, ayos na ako kaya huwag kang iiyak!" Panlalaki ng mata ko sa kanya pero naging dahilan naman para mas lalo siyang naiyak.
Napaawang ang labi ko at siya namang yakap niya uli, marahang tinapik ko ang likuran niya.
"Sabing huwag iiyak eh,"
"Kasi naman! Sobra talaga akong nag-aalala sayo! Sa mga narinig kong chismis noong nakaraang linggo na sinugod ka raw ni Zarina at pinagbintangang sinira ang project niyo! Tapos... Tapos..."
"Shh, tahan na huwag ka nang umiyak kung gan'on, ayos na ako! See? Buhay pa ako oh?" Natatawang saad ko pero hindi ko rin maiwasang malungkot dahil sa pagkakaala ko sa mga nangyari.
"Totoo bang, pinilay ka niya?"
"What? No." Hawak ko sa balikat niya at inilayo ng bahagya "Aksidente lang iyon noong itinukak niya ako-"
"E'di kasalanan niya rin!"
"Hay naku, hayaan mo na. Sigurado akong baka pinagsisisihan na rin niya ang nagawa kaya okay na, hm? Huwag mo nga akong iyakan." Ngiti ko at marahang ginulo ang buhok niya. Masarap sa pakiramdam na mayroon pa palang isang Bea na nag-aalala sa akin at ngayon iniiyakan pa ako.
BINABASA MO ANG
All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]
Romance®+18 BL NOVEL COLLECTION #1: All I Ever Need [COMPLETED] This is my first BL erotic novel! And if you are too sensitive or doesn't prefer reading a story/genre like this, then feel free to leave. I just want to share my first BL story, and only th...