KABANATA 38

1.2K 32 1
                                    

Couple Watches

"I'm infront of your door now." Rinig kong sambit ni Yahwi sa kabilang linya.

Nasa may lapag ng kama ang cellphone ko at naka-loudspeaker kaya rinig na rinig ko pa rin siya kahit nag-aayos ako. Naibaba ko ang tingin roon at agad na kinuha at itinapat sa kaliwang tenga ko.

"What? That fast?" I chuckled and finished brushing my damp hair upward. Inabot ko ang pulbo sa itaas ng salaming kaharap ko at ang maliit na lip therapy na ginagamit ko.

"Hmm..."

"Sige, hintayin mo na lang ako sa baba. Promise, mabilis na lang ito!"

I can hear his deep sigh. He spoke huskily, "What are you still doing, Yuki?"

Nakagat ko ang labi, I was hesitant to tell him though. Baka isipin pa niyang nagpapaganda ako o ano sa kanya. Pero hindi! Hindi naman iyon nagkukulay at pang-therapy nga sabi ni Chanwoo!

"I... I'm still brushing my hair! Kaya bumaba ka na at doon mo ako hintayin, hmm?"

"Then, I'll just wait you here. I'm sure, you're almost done since-"

"Kakausapin ko pa si Chanwoo!"

"You can talk to him with me around, Yuki."

Halos nguyain ko ang labi sa timpi. "Ang kuliiiiiit! Oo na!"

He just answered me with his chuckles. I scoffed at him and threw my phone back on my bed.

Mabilis akong nagpulbo ng mukha gamit ang pink na Johnson's baby powder at naglagay din ako ng onti sa leeg saka konting wisik rin ng vanilla flavored na pabango ko roon sa bandang gilid ng leeg at ibabang parte ng tenga ko. Saka ko isinunod ang paglalagay ng lip therapy sa labi ko. Ikinalat ko iyon. It made my lips glossy and smooth. Pinagdikit ko iyon at saka ngumiti sa harap ng salamin. Nadepina ang dalawang guhit sa magkabilang taas ng pisngi ko at ang maliit pero hindi daw biloy sabi ni ninang na nasa itaas ng kaliwang side labi ko.

My face blushed suddenly with the thought of imagining what could be Yahwi had worn for today. My heart thumped with him invading inside my head. Magkikita na naman kami.

Napailing na lang ako at kinabig-kabig ang bigla-bigla ay naghuhuramentadong dibdib. Inayos ko muna ang puting kwelyo ng t-shirt ko panloob na pinatungan ko ng isang kulay kremang knitted longsleeves na medyo mahigpit ang dulo nito sa pulsuhan ko dahil sa garter nito. Ipinaloob ko konti ang dulo ng damit sa blue jogger jeans ko at hinayaang lumubo sa bandang tiyanan ko. Pinagpag ko rin ang puting sapatos ko bago inabot ang itim na body bag sa tabi ng cellphone ko at isinukbit. Naka-on going pa pala ang tawag kaya dali-dali akong lumabas matapos patayin iyon.

"Hey!" Bungad ko pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto.

Doon niya lang ibinaba ng tuluyan ang cellphone na nasa tainga kanina saka ibinulsa. I smiled at him sweetly. Lumapit ako sa kanya at tiningala kahit na pakiramdam ko ay pinanlalambutan ako ng mga tuhod dahil sa klase ng titig niya na sumalubong sa akin.

And he looks dashingly gorgeous, I can drop my jaw an instant. Tamang-tama lang sa kulay pilak na buhok niya ang suot. He looks so neat. He was sporting a white turtle-neck inside his thin and dark gray longsleeves. Bakas at lantad pa rin ang nagkukubling matigas at malapad na dibdib. My hands automatically reached for what he owns, my palms absentmindedly caressed his chest and front body upto his abdomen. Naka-tucked in ang suot niyang turtle-neck sa suot na pang-ibaba. Gayun din ang isang side ng harapan ng longsleeves niya at nakalugay na ang natira, tamang kita lang ang kulay black na belt at nadepina ang kulay grey na pants na katerno ng suot na longsleeve. He's also wearing his brown dress shoes and a silver watch on his wrist. He's always looks so gorgeous. I was in awe at the sight of him this close. He's mine though. My boyfriend.

 All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon