Cake
Unang buwan na ng Hulyo at buwan ng kaarawan niya. Excited na ako dahil ito ang unang birthday niya na makakasama akong maka-celebrate niya sa susunod na linggo. Nakabili na rin ako ng regalo para sa kanya at simpleng belt lang iyon at sana magustuhan niya.
Katatapos ko lang kumain ng tanghalian, lumabas ako sa kusina at pinagpatuloy ang pagbabalot ng regalo ko para kay Yahwi. Birthday na niya bukas at aniya ay susunduin niya ako mamaya dahil gusto niyang matulog ako roon. Wala namang kaso iyon dahil araw ng sabado ngayon ng onse.
Naghanda na rin ako ng gamit kong dadalhin, o pwede rin namang hindi na dahil may ilang damit na akong naiwan sa penthouse niya kapag nakakalimutan kong iuwi. Sa huli ay naghanda pa rin ako at iniligay sa isang bag, inilagay ko din roon ang regalo ko.
Kinahapunan ay mas naunang dumating si Chanwoo dala ang naihanda niya ring regalo, kauuwi niya lang sa trabaho. Hindi ko alam kung bakit nagbibigay siya gayong hindi naman sila magkasundo ni Yahwi. Si Chanwoo din naman ang palaging nagsusungit sa kanya kaya tinatapatan din ni Yahwi. Ako ang palaging nang-aawat.
"Huwag mong sisilipin ha? Bigay mo agad sa kanya 'yan!"
"Okay. Bakit? Ano ba 'to? Baka naman kung ano, Chanwoo ha!" ani ko at bahagyang niyugyog ang laman ng paper bag, puno ng staple ang bukana para hindi talaga makita agad.
"Basta! Baka mag-thank you pa nga siya sa akin, 'no!" Ngumisi siya at malakas na humalakhak.
Nahihiwagahang napatitig na lang ako sa kanya at hindi na nagtanong pa kung ano ba talaga ang laman niyon. Dumating kalaunan si Yahwi. Binati naman siya ni Chanwoo, hindi ko lang alam kung pilit ba y'on o sincere talaga. Kung hindi ko pa pinanlakihan ng mata ay hindi magpapasalamat si Yahwi sa pagbati ng kaibigan ko sa kanya.
"Wala ka na bang ibang gagawin?" Tanong ko nang makapasok siya sa sasakyan matapos ilagay ang mga dala ko sa likod. Tumuwid ako ng pagkakaupo saka siya binalingan. Inabot niya ang palad ko habang nagmamaneho.
"None."
"Eh sa part time mo? Hindi ka ba nahihirapan?"
"How about you?" Balik niya sa tanong ko.
"Huh? Hindi naman. Nag-absent nga ako sa trabaho ngayon para sayo,"
"Oh, really?"
"Oo nga. B-Bakit?"
"Nothing." He smirked. "I'm doing fine with my work and studies, Yuki. I was behave..."
"A-Ako din naman!" Hindi ko napigilang mautal, nag-iinit ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. "Bakit? May nagkakagusto ba sayong mga ka-trabaho mo?"
"Who wouldn't?"
Nakagat ko ang labi at humarap sa bintana sa ay tabi. "O-Oo nga naman, sino ba naman ang hindi magkakagusto sayo, eh ang gwapo-gwapo mo..."
"Hey, baby..." hila niya sa kamay kong hawak a rin niya. "I was just kidding you,"
"Hindi. Totoo naman ah, baka nga mahanap mo pa ang true love mo doon!"
Napasimangot ako nang tawanan niya lang ang sinabi ko. Hinaklit ko ang kamay ko at tinalikuran siya. Mas nainis ako nang hindi niya talaga ako sinubukang kausapin pa at hinayaang tumahimik. Inabot niya lang ang kamay ko at pinagsiklop ulit.
"Shit."
Iminulat ko ang namumungay na mga mata nang marinig ang mahinang mura niya, natigil kami pansamantala sa paghahalikan. Lumapat paangat ang mainit na palad niya sa likod ko at minasahe.
"Did I push you too hard?"
"H-Hindi naman," hingal ko habang madiing ikinikiskis pa rin ang harapan ko sa kanya. "Let's continue kissing, Yahwi..."
BINABASA MO ANG
All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]
Romance®+18 BL NOVEL COLLECTION #1: All I Ever Need [COMPLETED] This is my first BL erotic novel! And if you are too sensitive or doesn't prefer reading a story/genre like this, then feel free to leave. I just want to share my first BL story, and only th...