Barcelona
"Barcelona Contemporary Arts Fair?"
Itinigil ko ang ginagawang paghihiwa ng carrots. Ibinaba ko ang kutsilyo at hinawakan ang cellphone kong nakaipit sa pagitan ng tenga at balikat ko. Katawagan ko ang isa sa mga ka-trabaho ko noon sa huling kompanyang pinagtrabahuan ko. Mag-iisang buwan na rin kaming wala pang nahahanap na trabaho at nakatambay sa sariling tinitirahan. Kaya mas nagkaroon ako ng oras para kay Hyerin at mas nagpokus muna ako sa pag-aalaga sa kanya.
"Oo! Figurative contest, Yuki! Alam kong magaling kang mag-paint kaya sumali ka na!"
"Pero sobrang layo, Crystal! Barcelona, Spain? Wala na nga akong kapera-pera, gagastusan ko pa ang pamasahe papunta roon? Huwag na lang! Ayaw ko ding iwanan si Hyerin!" Iling ko habang hinahakot ang mga nahiwa kong carrots na isasahog ko para sa pananghalian namin ni Hyerin.
"Eh! Sayang naman! Malay mo magbago ang buhay mo bigla! From poor to rich Ninong! Mas mabibigyan mo na ng mas magandang buhay ang pamangkin mo kaya pag-isipan mo ng mabuti, Yuki. Tawagan mo na lang ako at may kakilala akong pwedeng tumulong sayo para makapunta sa Barcelona!"
Hindi tuloy ako pinatulog ng mga sinabi niya sa akin at panghihimok niya sa aking sumali. Dahil kung iisipin naman ay baka maraming oportunidad nga ang dumating sa akin at mag-milagrong magbabago ang buhay namin kapag may makatuklas sa talento ko kung sakali. Hindi naman masamang sumubok pero iniisip ko pa lang ang perang gagastusin ko at ang pag-iwan kay Hyerin ay napapaatras ako at napanghihinaan ng loob.
"Mag-aabroad ka, papa?" Gulat na sambit niya nang subukan kong tanungin siya kung payag ba siyang maiwan habang ako ay magtatrabaho sa ibang lugar. Iyon ang pinakaunang reaksyon niya. Natawa ako ng mahina at mas yumakap sa katawan niya.
"Oo, sana. Pero hindi naman ako magtatagal roon, 'nak..."
"Eh? Ilang taon po?!"
"Buwan lang naman, Hyerin! Diyos ko! Hindi kita kayang iwanan mag-isa, ano ka ba!"
Napahagikgik siya sa narinig at malambing na yumakap sa bewang ko, mas inunan niya ang likod ng ulo sa braso ko at ngumiti. Sunod siyang napahikab at inaantok na ang mga matang tumingala sa akin. Marahan kong sinuklay ang buhok niya.
"Mabilis ka lang ba doon, mama? Baka ma-miss kita ng sobra..."
"Oo naman, 'nak. Kaya dapat ipag-pray mong manalo ako para marami akong maiuuwing pasalubong, okay? Bigyan rin natin si Lauvielle at Vincenth!"
"Sige, papa! Yes! Magiging mayaman na rin tayo!" Masayang hagikgik niya at ngising-ngisi.
Natawa na lang ako at yumakap sa kanya ng mahigpit. Mariin kong hinalikan ang noo niya at napapikit. This is what I promised to Ninang, that I will provide everything Hyerin needs. Kahit sorbang hirap ng buhay namin, hindi ko siya pababayaan at hahayaan magutom o makaramdam ng pagkukulang mula sa akin. Never will I let her feel that she lacks of everything she needs. I'll provide those no matter what. Kakayanin ko kahit pa ako ang maghirap.
Sa mga sumunod na araw ay nakipagkita ako sa sinasabi ni Crystal na kaibigan niyang makakatulong sa akin para mas mapabilis ang pag-proseso ng mga dokumentong kakailanganin ko para makapunta sa Barcelona. Si Manuel. Nagpagawa ako ng bagong passport dahil luma na rin naman ang dating nasa akin. Nag loan na rin ako sa bangko ng perang kakailanganin ko at ipambabayad sa kanya at sa sinasabi niyang kaibigan niya sa Barcelona na tutulong sa akin roon. Hindi ako maalam sa pag-proseso kaya hinayaan ko siyang mag-asikaso. Nagsagot lang ako ng application form na ipapasa ko mismo roon at naghanda ng mga kakailanganing requirements ko.
Nakapag-celebrate pa ako ng Christmas at New Year kasama si Hyerin at ang mag-iina sa katabing apartment. Dahil gawain na rin namin ni Calla ang magtulungan ay nakapaghanda kami kahit maliit lang na pagkain para man lang may pagsaluhan kami. Masaya akong kasa-kasama sila sa nagdaang taon ng paninirahan namin rito kaya nabuo rin sa pagitan namin ang malalim na samahan at tinuturing na namin ang isa't isa bilang pamilya. Wala naman akong problema roon. Mas panatag pa nga ang loob ko dahil kahit papaano ay may itinuturing pa rin na nanay si Hyerin at hindi na kailanman naghanap ng aruga mula sa isang nanay. Sobrang bata pa ni Hyerin noong nawalan siya ng magulang at minsan nga ay nakakalimutan na niya kung sino ang totoong mga magulang. Kung hindi lang ako nagkukuwento tungkol sa kanila ay baka tuluyan na niya silang makalimutan. At hindi ko kayang mangyari sa akin iyon. Kaya hanggang maaari ay inaalala ko siya sa bawat oras at hindi kailanman nakakalimot sa mga espesyal nilang araw.
BINABASA MO ANG
All I Ever Need (BL NOVEL #1) [COMPLETED]
Romance®+18 BL NOVEL COLLECTION #1: All I Ever Need [COMPLETED] This is my first BL erotic novel! And if you are too sensitive or doesn't prefer reading a story/genre like this, then feel free to leave. I just want to share my first BL story, and only th...