Author's Note:
Hello!!! Sorry kung ngayon ko lang to naupdate nagmid-term po kasi ako eh kaya study first muna ako. Kaya kahit depress ako sa grade ko sa MATH1143 ko nagupdate parin ako...MATH yun eh favorite subject ko!!!
Yung next update ko dont worry meron tong kasunod na mabilis na update hehehe :)
Malapit na mag2k reads to kaya sana wag nyo itigil ang support nyo!!! PLEASE!!!
Eto na oh!!!
HINT: May part kayo dito na magtataka kayo kasi nagsstart na ako ng revelation kaya baka maguluhan at mawindang kayo :)
Eto na oh...ENJOY!!!
This is dedicated to BamNiJang thanks for fanning :)
=======================================
=======================================
“Closure makes the relationship easier and better.”
Veronica’s POV:
Weee!!! Ang saya lang!!
New Year na meaning New life!!
In less than one hour magbabagong taon na.
Time flies talaga kapag masaya ka!
Masyado kaming nag-enjoy sa bakasyon na ito. Kaya I super duper love it! To the highest level hahaha!!
Ang kulit lang ng naging trip at kalokohan naming ditto resort at kung anuman ang pinag-gagagawa naming secret na lang yun baka gayahin nyo pa! :P
“Hey Vhie tara ayusin na natin yung mga food” sigaw ni Elaine galing sa loob.
Nasa labas kasi ako ng bahay nagpapahangin hahaha…chos lang tinatamad kasi ako magkikikilos hahahaha bait ko no!
Yung mga boys naman ayun inaayos yung mga paputok na sisindihan mamaya.
Pumasok na ako sa loob para tulungan sila mahirap na baka hindi nila ako pakainin mamaya.
“Kaya nyo na naman mag-ayos eh bahala na kayo dyan. Ako na nga nagprepare ng desserts natin eh.” Sabi ko sa kanila pagkapasok.
“Buti nga sayo dessert lang eh kami nga ni Lice yung main dish mismo.” Sabi ni Riza habang aligaga sa pagpeplating nung Beef Brocoli.
“Saan ito ilalagay? ” tanong ni Elaine na kakapasok lang habang dala-dala yung mga drinks.
“Dito nalang yung softdrinks tapos sa other side naman yung wine” sabi ni Lice
Ako eto nakatayo habang pinapanood sila. Galing ko talaga.
“Ate baka gusto mo tumulong sa amin. Kilos-kilos din kapag may time ha.” Saway sa akin ni Riza
“Ano ba gagawin ko?” tanong ko, malay ko ba kung ano pa balak nila ilagay sa lamesa.
“Kuning mo yung mga fruits tapos bahala kana kung paano mo aayusin tapos lagay mo sa may center ng table ok? Gets?” Riza
“Yes Ma’am masusunod po.” Sabi ko tapos pumunta na sa may ref.
“Gaga.” Patawang sabi ni Riza
At ayun busy-busyhan na ang peg naming lahat at hindi na naming namalayan ang oras 3 mins nalang before mag 12.
Nagtipon-tipon kami sa may labas ng bahay naready nadin ng boys yung mga fireworks. Kaming mga girls kanya-kanyang torotot hahaha cute nga ng mga nabili namin eh.
“Asan na naman si Brix?” tanong ni Cherry
“AYIEEEEEEE!!!! ” asar namin kay Cherry hahaha nakakatuwa sila pagtripan.
BINABASA MO ANG
Behind The Word Goodbye(completed)
RomanceHe's my boy-friend, childhood friend, best friend, true friend, close friend and last, my boyfriend. Pero ngayon ex na lahat yun. Why did he let our relationship end? Is there a reason why he left?