Author's Note:
Yan ah bumabawi ako!!! Sabi ko sa inyo may kasunod ulit ang update ko eh :)
Dapat kanina ko pa ito ipopost kaso may ginawa pa ako, may swimming kasi kami bukas hahahaha maagang bakasyon..inggit kayo no!!! LOL!!!
Anyway eto na sana magustuhan nyo :)
=======================================
=======================================
“What happen from the past will hunt us forever, so that it will help our future be better”
Veronica’s POV:
It’s been a month since nung bakasyon and guess what, February na ngayon malapit na naman mag Valentines Day. Hindi ako excited uhm sakto lang hahaha.
Kaya eto back to school na naman. 2 months nalang at graduate na kami sa wakas naman. Pero mamiss ko tong school lahat ng good and bad memories andito eh.
Grabe ang bilis ng panahon parang dati lang masaya pa akong naglalaro maybe? Hahaha dati puro studies lang iniisip ko tapos nagkalovelife tapos nasaktan, umiyak. Haist ang dami ko na palang napagdaanan sa loob ng 20 years.
Ano ba yan ang emo ko naman. Anyway, eto na ako papasok ng room.
Iba na pala room ko balik sa dati kaya classmate ko na ulit si Lice. Hindi ko pala sa inyo nakwento umalis si Dee Anne papuntang states kasi andun yung parents nya tapos sabi nya dun nalang nya itutuloy yung studies nya kaya nalungkot talaga ako ng sobra.
Si Jayson naman ayun hindi kaya na mahiwalay kay Dee Anne kaya sumunod sya at dun na rin mag-aaral pinyagan din sya ng parents nya kasi yung ate nya andun naman din daw. Grabe iba talaga nagagawa ng love.
Pagpasok ko ng room andun na ang lahat si Wil lang ang wala.
“Hi Vhie!” masayang bati ni Cherry
“Hello sa inyo. ”
“Oh bakit ganyan itsura mo? ” tanong ni Lice
“Baka pinuyat ni Mark” sabat naman ni Paulo
“Anong klaseng puyat naman ang ginawa nya?” dagdag pa ni Cadiz
BINABASA MO ANG
Behind The Word Goodbye(completed)
RomanceHe's my boy-friend, childhood friend, best friend, true friend, close friend and last, my boyfriend. Pero ngayon ex na lahat yun. Why did he let our relationship end? Is there a reason why he left?
