Chapter 20
HINDI na namalayan ni Warren ang mga lumipas na panahon. At sa mga lumipas na panahong iyon, naging mas lalong malapit na siya sa kinakapatid niya.
Hindi narin niya naramdaman sa kinakapatid ang ipinaparamdam sa kaniya noon. Mas lalong silang nagkaroon ng pagkakaintindihan.
Ngayon ay ganap at totoo na silang magkasintahan sa hindi niya malamang dahilan at kung paano nangyare. Basta nangyare na lang ang lahat. At masasabi niyang kasintahan niya ang kinakapatid niya.
Mahal niya ito, mahal na niya ito sa puntong napalitan na sa kaniyang puso ang dati niyang nobyo. Alam niyang nangako siya dito na ito lang ang mamahalin hanggang dulo, pero sadyang kay daya ng tadhana. Muli ay tinuturuan siyang magmahal at buksan ang kaniyang puso.
Hindi man niya natupad ang mga pangako niya sa dating nobyo, ay naniniwala parin siyang masaya ang nobyo niya para sa kaniya. Para sa daang ngayon ay tatahakin niya.
Handa narin siya sa mga posibleng mangyare. Handa na siyang harapin ang mga magulang kasama si Jonaz at sabihin sa mga iyon ang pagmamahalan nila.
Sa tagal din ng mga panahong lumipas ay ngayon siguradong-sigurado na siyang mahal siya ng kinakapatid. Mahal siya nito at iyon ang pinaniniwalaan niya.
Heto ngayon siya nag-iimpake ng kaniyang mga damit. Ngayon din ay lilisanin niya ang bahay na ito. Magtutungo na sila sa bahay ng magulang upang magtapat. Magtapat sa kanilang pag-iibigan.
"Are you ready?" Jonaz asked while smiling sweetly.
"I'm ready." He said the smiled.
Hindi niya alam kung ilang taon din niyang ikinubli ang kaniyang mga ngiti, ngayon ay nagagawa narin niyang ngumiti dahil may dahilan na ang bawat pag-ngiti niya. Ito ay walang iba kundi ang binatang nagpapatibok ng kaniyang puso.
Kinuha sa kaniya ng binata ang mga bag at ito na ang nagdala. Kahit pilitin niyang siya na ay mapilit talaga ito. Pinahirapan talaga nito ang sarili. Sabi pa nga nito, ito na ang mahirapan wag lang siya.
Sumunod lang siya sa kinakapatid niya hanggang sa makapasok sila sa loob ng kotse. Pinaandar na iyon ng binata habang siya ay nakatanaw sa bahay na pinagawa nilang dalawa ng dating nobyo niya.
Siguro ngayon ay dapat na niyang ibaon ang mapait na alaala sa kaniyang puso at isipan. Dapat na niyang ibaon at tanggapin na wala na talaga ang nobyo niya, kakalimutan na niya ang lahat.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating narin sila sa bahay ng pamilya niya. Natanaw pa niya ito.
Mga ilang buwan o araw siguro niyang nilisan ito, ganun parin sa dati. Ganun parin ang disenyo ng bahay.
Napatingin siya sa kaniyang kamay ng pagsalikupin ito ng kinakapatid niya. Tumuon din ang tingin niya sa mga mata nito.
"Let's go and meet our parents." He said while smiling at him.
Ngayon palang ay nakakaramdam na siya ng kaba. Nararamdaman niya ang kaba sa maaring maging ekspresyon at isasagod ng kaniyang ama. Pero anoman ang magiging sagot nito, tatayo parin siya para sa pagmamahal sa binata. Sa kinakapatid niya.
"Good morning sir. Welcome back." Yumukod pa ang mayordoma ng bahay para sa pagpapakilala sa kaniya.
Nginitian lang niya ito, ngayon kasi ay nanunuyot parin ang lalamunan niya dahil sa kabang bumabantas sa kaniyang buong pagkatao.
BINABASA MO ANG
A Gangster's Lover: Series book 4; Jonaz Guivarra
RomanceWARNING: Mature Content| Spg| R-18 Jonaz Guivarra, always do some shit! Always loves to talk. Always fucked woman. Always wasted. He loves to mind other business. He loves to eat chili. The most spicy chili. Yeah! What if someday he crash to someone...