CHAPTER 24

1.6K 98 9
                                    

Chapter 24

      KINALMA ni Warren ang sarili ng makalapit siya sa dalawang iyon. Nakatalikod parin ang mga iyon at mukhang hindi siya napapansin.


"You're really good at cooking bud, come on marry me now." Jonaz said.


Alam niyang biro lang ang sinabi ng nobyo niya pero bakit tila iba ang dating nito sa kaniya? Bakit ganun na lang ang naging epekto nito sa kaniya.


Kinakain siya ng matinding selos kaya ng magsasalita palang ang lalaking kasama nito ay tumikhim na siya, dahilan para mapa-tingin sa kaniya ang dalawa.


Ang kaniyang mga mata ay nakatuon lang sa binata na kasama ng nobyo niya habang nanlilisik ang mga mata. Kung makakapatay ang masamang titig ay baka kanina pa ito nakahandusay sa sahig.


"Oh, darling you're here." Awtomatikong lumapit sa kaniya ang nobyo. "Warren this is Gord, good friend of mine," pagpapakilala nito sa kaniya, "and darling this is Gord, a good expert chef."


Gusto niyang ngumiti ngunit naging pilit ang pag-silay nito. Ewan, pero hindi parin na rurumedyuhan ang selos na bumabalot sa kaniyang puso.


"Chill bro, chill out. Stop staring at me like that. We're just good friends nothing more to expect and i'm not into man, i'm into woman." He said.



"Gord, sinabi ko narin yung mga bagay na iyan. Pero ano? Kinain ko parin yung mga sinabi mo. Kaya balang araw kakainin morin 'yan. Iba si tadhana e. Kapag naglaro mahirap na manalo." Sansala ni Jonaz sa mga sinabi ni Gord.




Nahiya tuloy siyang bigla dahil madali nitong nabasa na nagseselos siya. Hindi naman kasi siya masisisi kung nag-seselos siya, wala e mahal lang talaga niya yung nobyo niya.



"I'm sorry." He shyly apologized.



"It's okay i understand." He said while smiling. "Come-on, dine-in. I cooked all of that just for the two of you."




Pinagsalikop pa talaga ni Jonaz ang mga kamay nilang dalawa. At inalalayan pa siya nito pa-upo.



Maraming mga masasarap na pagkain ang naka-hain sa hapag-kainan, pero isang lang na pagkain ang naka-pukaw sa kaniyang mga mata.



Hindi niya makilala ito pero alam niyang gawa ito sa isda at alam niyang masarap.



"Ano 'to?" Tanong niya habang naka-turo sa pagkain.



"Jamie oliver's fish and cheat's chips with tarragon mushy peas." Gord answered.



He was amazed by his answer. So long name, but food is food.



Gamit ang tinidor, tinusok niya ang pagkain at tinikman. Nanuot ang sarap sa kaniyang dila, sobrang sarap at malutong din ito.



Gosh! So yummy..



Hindi na siya nahiya, kumain lang siya ng kumain hangga't gusto niya. At sa isang kisap-mata ay naubos na niya ang tinatawag nitong pagkain na may mahabang pangalan.



Ipinalibot pa niya ang mga mata sa mga pagkain sa ibabaw ng lamesa. Mukhang masasarap yung mga naroon kaya pati ang mga iyon ay inupakan din niya.




Kumain siya ng kumain na tila hindi siya nabubusog. Wala narin naman siyang hiya o pake kahit paminsan-minsan ay tumitingin sa kaniya ang nobyo at ang kaibigan nito.



Ewan, hindi narin niya alam kung bakit siya naging ganito katakaw kumain. Hindi naman siya kumain ng marami pero ngayon tila nilukuban siya ng matinding kagutuman.



A Gangster's Lover: Series book 4; Jonaz GuivarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon