CHAPTER 31

2.1K 100 4
                                    

Chapter 31

       NAPATINGIN na lang siya sa pinto na pinaglabasan ng ama niya. Mga ilang minuto na rin siguro ang nagdaan simula ng umalis ang kaniyang ama.



Nanatili parin sa kaniyang isip hanggang ngayon ang mga sinabi ng kaniyang ama. 



Ewan pero mas nananaig ang kagustuhan niyang i-urong na ang kaso. Naawa na siya sa binata, missed na niya ito, gusto na niya itong makasama, mayakap, mahalikan. Alam niya kung gaano niya tinitimpi ang kaniyang sarili.



Pero pa'no yun? Pa'no ang hustisiya niya? Pa'no ang namayapa niyang nobyo?




Hindi niya alam, naguguluhan na siya sa mga nangyayare. Siguro kailangan muna niyang mag-isip-isip.



Matapos niyang maligo, magbihis ay lumabas na siya sa bahay niya. Diretso siya sa sementeryo.



Nakatanaw lang siya dito, habang niyayakap siya ng malamig na hangin ay napapapikit siya. Pakiramdam niya ay nakayakap sa kaniya ang nobyo, yung dala ng hangin ay mainit at ramdam na ramdam niya.



Hindi niya napigilan ang mga luhang pumatak sa kaniyang mga mata. Ito na ba? Ito na ba ang senyales para maging masaya siya? Para palayain niya ang sakit na naramdaman niya ilang taon na ang lumipas?



"Ethan, i'm sorry. Hindi ko kayang makuha ang hustisyang hinahanap ko para sa'yo. Selfish ako, at sinungaling ako. Minahal ko yung taong dahilan ng paglisan mo. I'm sorry Ethan, i love Jonaz. And i want to set him free. Hindi ko na kayang makita siyang nasa kulungan. Palalayain ko na siya."



"Lagi mong tatandaan na lahat ng mga alaala nating dalawa ay patuloy lang nandito nakabaon sa puso ko." Sabi pa niya.




Ilang beses pa niyang kinausap ang nobyo niya. At ilang beses ding pumatak ang mga luha sa kaniyang mga mata hanggang sa maisipan na niyang umalis.




Sana masaya na ang namayapa niyang nobyo sa langit, sana masaya itong makita siyang masaya.



Bawat oras na lumilipas na nakakulong si Jonaz ay hindi siya mapakali. Nakapag-bibigay din ito ng prastrasyon sa buong pagkatao niya.



Gusto na talaga niyang makasama ang nobyo niya pero ano nga ba ang magagawa niya? Wala siyang magaggawa.



Napatingin na lang siya sa labas ng kulungan ng lumapit sa kaniya ang kaibigan niyang pulis. Nakangiti iyon sa kaniya na hindi niya makuha kung anong ibig sabihin.



"Hindi ko na mababantayan ang nobyo mo." Pabungad nitong sabi na seryoso pa ang mukha.



Napatayo siya sa pagkaka-upo at napahawak sa bakal ng kinalalagyan niya. "Bakit?!" Madiin niyang tanong.



Hindi niya alam kung anong ibig sabihin nito. Medyo magulo kasi ang isip niya at mas lalong gumulo ito ng hindi siya direktahin ng kaibigan niya.



"Kase ikaw na ang magbabantay sa kaniya." Sagot nito na mas lalong nakapag-pagulo sa isip niya.



Pa'no niya magagawang bantayan ang nobyo niya kung nakakulong siya? Nahihibang na ba ang kaibigan niya?



"What do you mean, bud. F-ck you, just straight me to the point moron!" He said almost a shout. Irritation can see in his emotion.



"Woah, why so angry?" He said while laughing so hard. "Sabi ko nga, ikaw na ang magbabantay sa nobyo mo dahil inatras na niya ang kaso. Malaya ka ng mul—"



A Gangster's Lover: Series book 4; Jonaz GuivarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon