Chapter 29
UMALIS si Jonaz na bagsak ang kaniyang mga balikat. Malungkot din at puno at mabigat ang kaniyang nararamdaman.
Halos kainin siya ng emosyon, lahat ng mga kinatatakutan niya ay ngayon narito na sa puso niya. Naglalakbay na iyon at natatakot na siya.
Natatakot siyang mawala si Warren sa piling niya, takot na takot siya. Takot din siya sa mga alaalang nung araw na nakabangga siya. Bumalik muli at tila naging sariwa ang lahat ng iyon.
Takot na takot siya ng mga araw na iyon, at sa kagustuhan ng ama niyang 'wag makulong ay ito ang gumawa ng paraan mapaikot lang ang batas.
Siya ang may kasalanan at siya dapat ang may responsibilidad doon. Nakagawa siya ng sala pero narito parin siya at masayang namumuhay.
Wala siyang karapatan. Dapat matagal na siyang nasa loob ng kulungan upang pagdusahan ang ginawa niya. Kung hindi sana siya nag-inom ng gabing iyon hindi sana niya mapuputol ang kaligayahan ng taong iyon.
Hindi sana nakaramdam ng sakit ang kinakapatid niya. Hindi sana iyon nagdudusa ng mga lumipas na araw at gabi. Hindi siya makapaniwalang siya pala ang naging dahilan kung bakit nawala ang mga matatamis nitong ngiti. Siya pala ang naging dahilan kung bakit ilang taon nitong dinusa ang sakit at pangungulila. Siya pala ang naging dahilan kung bakit nawalan ng kaligayahan ang kinakapatid niya.
Huminga siya ng malalim at malakas iyong ibunuga. Sobrang dami na ng iniisip niya. Samu't sari narin ang mga emosyon na namumutawi sa kaniyang buong pagkatao.
Lutang ang sarili niya habang nagmamaneho at tinatahak ang daan patungo sa bar ng kaniyang kaibigan. Kay Quill upang palipasin ang araw na ito.
Walang ginawa si Warren kundi ang umiyak. Iniyak lang niya ang lahat, halos manikip na rin ang kaniyang dibdib sa mga samu't saring emosyong namumutawi sa kaniyang buong pagkatao.
Hindi niya alam at hindi siya makapag-isip ng tama. Hindi niya alam kung anong iisipin, at hindi niya alam kung anong gagawin. Basta ang alam lang niya labis siyang nasasaktan.
Tinatanong din niya sa kaniyang sarili, kung bakit si Jonaz pa? Bakit si Jonaz pa ang nakabangga sa nobyo niya? Bakit ito! P-ta lang e. Nasasaktan siya!
Siguro tama lang ang ginawa niya. Tama lang na hiwalayan niya ang binata. Kahit masakit man, ay handa siyang gawin.
Pinag-iisipan pa niya kung anong gagawin niya. Kung mananatili na lang siyang tikom ang bibig o muli niyang pagbubuksan ang kaso. Heto na, nakita na niya ang hustisya, abo't kamay na niya ito. Hustiya na matagal niyang inaasam. Ngayon ay sa isang pitik ng kamay na lang niya ay makakamtan na niya.
Pero ang tanong niya sa sarili kaya ba niya? Kaya ba niyang ipakulong ang taong ngayon ay tinitibok parin ng puso niya? Kaya ba niyang gawin iyon?
Argh! He don't know. He can't think! F-ck! Bakit kailangan pang mangyare ang lahat ng ito? Bakit?
Humugot siya ng isang malakas na buntong hininga.
Tumayo na siya at bumangon. Matapos mag check out ay sumakay siya ng kotse. Ngayon ay tinatahak niya ang daan patungo sa himpilan ng pulis.
Dala na rin siguro ng magulong isip niya kaya hindi na siya makapag-isip ng tama. Siguro ito na ang pinaka-maganda niyang gagawin. Ang makuha ang hustisya sa pagkamatay ng nobyo niya. Alam niyang masakit itong gagawin niya, ngunit ginagawa niya lang ang lahat ng ito para sa dati niyang nobyo na tinanggalan ng kasiyahan. Na sana ay mabubuhay pa ng matagal ngunit agad iyong kinuha.
BINABASA MO ANG
A Gangster's Lover: Series book 4; Jonaz Guivarra
RomanceWARNING: Mature Content| Spg| R-18 Jonaz Guivarra, always do some shit! Always loves to talk. Always fucked woman. Always wasted. He loves to mind other business. He loves to eat chili. The most spicy chili. Yeah! What if someday he crash to someone...