'Ang prinsesa. Hanapin nyo ang prinsesa!' Galit na sabi ng matandang lalaki.
'Kamahalan, nilibot na namin ang buong kagubatan subalit hindi namin sya natagpuan.' Pahayag ng isang mandirigma.
'Mga hangal! Maaaring nakabalik na ang prinsesa sa kanilang kaharian. Maghanda kayo sa magaganap na digmaan!'
Utos ng kanilang kamahalan. Madali namang sumunod ang mga ito.
Alam ng kanilang pinuno kung ano ang maaaring mangyari kapag nalaman ng hari mula sa kabilang kaharian na dinakip nila ang kanyang anak at pinagtangkaan ang inosente nitong buhay.
Hindi naman sila nabigo sa kanilang akala dahil nung hapon ng araw na iyon ay naganap ang madugong digmaan.
+++++++++++++++++++
'Ayon sa mga dalubhasa ang gyera sa pagitan ng dalawang kaharian ay dahil sa pagkawala ng prinsesa mula sa pinaka makapangyarihang kaharian....' Anong nangyayari? Kakaiba ang naramdaman ko simula nang simulan nya ang kwentong iyon. Parang.. parang konektado ako sa kwentong iyon.'Nahanap ba nila yung prinsesa?' Tanong ko kay Mica.
'Baliw. Hindi ka ba nakikinig sa kwento ko? Di ba binanggit ko na na hindi sya nakita kaya lalo pang nagalit ang tatay nito sa hari ng kabilang kaharian.' Sagot naman nito sa akin.'Pero bakit daw?' Tanong ko ulit, tumigil naman sya sa pagbubuklat ng libro at tinitigan ako ng mariin.
'Hoy babae bakit ba curious ka? Fantasy lang naman tong kwentong to malay ba natin kung imbento o totoo to'.' Iritang sagot nito.
Oh well. Bakit ko nga ba kasi tinatanong.
'Paki mo ba? Buti nga naging interesado ako sa mga kwento mo.' Pilyang sabi ko sa kanya.
'Ewan ko sayo, baliw ka.' Sabi nya. Nag wink lang naman ako sa kanya.
(Attention. Ms. Alexa Ann Ventura kaylangan mong pumunta sa Guidance office now.) Yan ang maririnig sa buong school. 2 beses pa itong inulit bago tuluyang tumigil. Alexa Ann Ventura? Sino kaya yun. Siguro maganda sya, sobrang maganda siguro kaya sya famous. Napacross legs na lang ako sa mga iniisip ko at sumandal sa upuan ko habang nakapikit at kinakampay ang mga kamay ko sa hangin. Tumahimik ata.
'Hoy famous! Tawag ka sa office.' Sabi ng katabi ko habang sinusundot ang pisngi ko. Sya si Mica. Mica P. Kulangutan. HAHAHAHA Syempre joke lang. Sya si Mica Shin, kaibigan ko.
'Mamaya, teka lang ninanamnam ko pa ang pagkafamous ko.' I smirked.
'Famous? Famous sa kagaguhan.' Sabi nya at tinatapik ako habang tumatawa sya.
Nag make face na lang ako sa sinabi nya at tumayo. Makapunta na nga baka sabik na silang makita ako.
Guidance Office
Ano kayang exciting ang mangyayari ngayon? Nakaka excite talaga. I knocked. Pinagbuksan naman ako ng pinto.
'Hello po! Good Afternoon Ma'am ako po si Alexa Ann hinahanap nyo daw po ako?'
Hindi ko maiwasang hindi matawa sa mga ginagawa ko.
'Yes. At sobrang kilala na kita. Ilang beses ka na bang pabalik balik dito?' Sabi nito habang patuloy pa rin sa pagbabasa ng magazine.
Ang boring naman ng matandang to. Ano ba kaylangan nito? Leshe naman.
'So ano nga po ba ang kaylangan nyo?' Bored na tanong ko.
'Nagpapakainosente ka ba? Nakalimutan mo na ba ang mga ginawa mong kalokohan sa kabilang school?'