'Eh bakit ka nga kasi biglang bumubungad na lang?' Tanong ko dun sa lalaking kinagat ko.
'Kasi nga di ba may itinatanong ako.' Sabi nya naman.
Naalala ko naman bigla yung tinatanong nya. Kung boyfriend ko?
'Aba oo naman!' Kasinungalingang sabi ko. Haha
'Ok sige, kunwari na lang naniniwala ako.' Sabi nya naman.
'Naniniwala na ano?' Takang tanong ko.
'Na girlfriend ka nya, girl gising! Pangit mo kaya.' Pang aasar na sabi nito.
Bwiset. Bwiseeeeet.
'Ano na ngang pangalan mo?' Tanong ko sa kanya sa mapait na tono. Napaka pilyo nitong hayop na to.
'Fred.' Tumayo sya at naglakad palayo. 'I'm Fred, princess.' Rinig kong dugtong nya at nawala sya sa aking paningin.
Paanong? Nawala sya. Nawala sya sa paningin ko.
Alam nyo ba kung bakit? Kasi lumiko sya, kaya hindi ko na sya nakita. Hahaha
Fred? Fred tapos Princess. Bakla sya. Hahahaha
*****
Malapit na birthday ko. Eto ang pinaka ayoko. Kasi habang nadadagdagan ang edad ko lalo namang nagiging weirdo ang pakiramdam ko. Dati minsanan lang akong managinip tungkol sa kaharian, hari, prinsesa. Pero ngayon, nararamadaman kong navivisualize ko na sya ng hindi tulog.Pakiramdam ko konektado yung panaginip ko sa nakita ko nun sa school. Yung may garden at kabayo.
Para akong isang malaking misteryo.
Si Kuya naman, minsanan ko lang syang makasama pero sa tuwing birthday ko lagi syang nandyan. Hindi nya ako iniiwan, para niya akong binabantayan na parang may kung ano na lang na kukuha sa akin.
Nandito na ako ngayon sa bahay. Wala si Kuya pero uuwi na rin yon maya maya. Bigla na lang lilitaw yun dito sa bahay. Kahit nakasara yung gate nakakapasok sya, kahit nga nakasara din yung pinto nakakapasok din sya.
Sanay na akong ganon si Kuya. Weirdo sya para sa akin. Hanggang ngayon hindi ko alam kung paano nya nagagawa yung ganong mga bagay.
Unang kita kong gumawa sya ng kakaiba ay noong 13 years old ako.
Naglalaro ako nun. Hindi ko sinasadyang makapasok ako sa kwarto ni Kuya, ayaw nya ng may pumapasok sa kwarto nya kaya nga natakot ako nung narinig kong papasok na sya. Dahil nga natakot ako dali dali akong nagtago sa likod ng kurtina. Sobrang takot ko noon. Ipinagdasal ko nga na sana hindi nya ako makita noon.
Sinuwerte ako kasi hindi nya ako nakikita pero nakikita ko ang ginagawa nya. Nagulat ako sa mga nakita ko noon.
Nakita ko syang kinuha ang makapal na libro gamit lang ang tingin nya. Nung binuksan nya yung librong yun bigla itong nagliwanag. Naglakad lakad sya at pumuwesto sa harap ng salamin. Saglit lang ay pumasok sya dito at nawala.
Nanginginig ako noong umalis sa likod ng kurtina. Pinuntahan ko yung salamin at doon umiyak. Pilit kong tinatawag si kuya pero hindi sya lumalabas.